"Ang sipag ah"
Huminto si Allen sa pag sort ng files na hawak nya upang hanapin kung sino ang bumati sa kanya, binigyan nya ng ngiti ang katrabaho, inoffer rin nya ang bakanteng upuan sa kanyang kanan.
"Thank you. Gurl"
"You're Welcome Ms. Lei"
"Ano ka ba Allen, sabi ko sayo kapag tayo lang wala ng 'Miss'... Lalo ko naramdaman na matanda na me" pagdrama ni Lei
"Ms. Lei, young looking pa rin po kayo"
(May resigned huff si Lei dahil kahit anong sabihin nya Miss Lei pa rin ang tawag sa kanya ng ka close nya sa work)"Bakit nga pala ang aga mo mag haluglog ng mga documents"
Pinaliwanag ni Allen na may mga documents na kailangan siya mahanap, nakisuyo rin ng Admin at HR Department, may questioning look naman si Lei, tumingin muna si Allen sa kaliwa't kanan nya may amuse look si Lei at hinintay magsalita si Allen "Sina Chiaka po ang in-charge dito, pero as you can see wala po sila.. At akala ko po nakarating na sa inyo... na may plano po training and seminar sa bawat representative ng department and need mareview ang 201 file ng employees and other documents". Bigla naman may understanding sa mga mata ni Lei at binuklat ang ilang documents na katabi ni Allen, nasa library sila ng HPE "Ang lawak ng library Gurl... Need mo ng katulong... Hay nako wala talaga aasahan kina Chika, Elisse and Denise". Ang HPE Library ay kung saan nakalagay ang mga important documents ng HR Department, hindi na kasya pa ang mga ito sa loob mismo ng HR Department Office, Dito rin madalas sinasagawa ang mga interview ng mga applicant dahil tahimik at suitable for professional ambiance ang lugar. Sinabi rin ni Lei kay Allen na pinuntahan nya ito sa opisina nila ni Toru ngunit nakasarado ang pinto.
"Aah, naka leave po si Sir Toru ngayon araw"
"Haah?? Akalain mo yun alam pala ni Sir Toru ang salitang leave... pahinga... bakasyon..."
"Hindi po ba nag leave si Sir Toru?? Kahit kailan??"
"OO Gurl! Jusko kulang na lang sigawan sya oras oras ni Ma'am Kiyo para lang pumayag si Sir Toru na mag leave pero kahit anong say ni Ma'am waley effect.. Kaya hindi mo ako masisi kung bakit ganito na lang ako maka react"
Hindi naiwasan ni Allen na mag giggle nang maimagine nya ang interaction nina Kiyo at Toru sa pagkuwento ni Lei, "Baka nga po, kasi ang alam ko wala rin si Ms. Kiyo ngayon araw" pag amin ng dalaga. Nag 'yes' naman si Lei "Ibig sabihin lang nito ay may tiwala si Sir Toru sayo Allen na magawa ang lahat ng task... Naks naman oh, dyan nagsisimula yan, sa tiwala" hindi na kumibo si Allen at nagpatuloy sa ginagawa, Nag volunteer naman si Lei na tulungan si Allen, tatanggi sana ang Executive Secretary ng Vice President's Office ng pigilan sya ni Lei, kinuha pa nito ang wireless telephone na katabi lang nila at tinawagan ang HR Department "Jin-san, bakit si Allen lang ang nagtrabaho rito.." may narinig na murmurs si Allen pero hindi masyado malinaw ito "Wala si Ms. Chiaka dito pati yung Angels nya, dapat devils pala.. Haha" napailing si Allen sa sinabi ni Lei "Kaya nga.. Paki lang, tawagin mo yung palaboy guys ng 32nd floor pala maging productive din sila.. Oo sagot merienda grabe mga P.G.". Narinig pa ni Allen ang malakas na tawanan sa kabilang linya bago nawala ang tawag, "Palaboy Guys??" pag ulit ng dalaga.Humarap ulit si Lei kay Allen, nag tulong ang dalawa na mag sort ng files ng napili mula sa clerical department "Hay salamat this time sure ako na tama ang desisyon nila," "wala si Chiaka sa listahan" magkasunod na wika ng dalawa.
"Apir!!" nag hi-five ang dalawa
"Nako Gurl, hayaan na lang natin... Magtrabaho na lang tayo ng matiwasay"
"Oo nga eh... Pero bakit po hindi sya napapagalitan kapag katulad nito tumatakas sa task assigned to her"
"Hindi kasi nahuhuli pa ng supervisor nya at mabait ang HR Dept natin"
"Sabagay..."
"Maiba ako, sinabi ba ni Sir Toru kung bakit sya leave today? Si Ms. Kiyo ang sabi nya Si Sir Ren and Ma'am Sana ang kasama nya"Sumagot si Allen sa tanong ni Lei sa kanya "Ang alam ko po, may importante sya lalakarin, kasama si Hanagata-san at Sir Fujima", nagpaalam sa kanya ang boyfriend na may pupuntahan silang magkakaibigan naalala pa nya ang paliwanag ni Toru "Hindi ko gusto pinag aalala ka, Ali.., at baka isipin mo may iba ako" okay na sana sa kanya yung una sinabi ng kasintahan pero yung pang huli ay bahagya sya nainis, pinigilan rin nya ang urge na mag squeal sa sobrang kilig "Kahit na mas marami ka pang mood swings kaysa sa akin, mahal pa rin kita Toru-kun".. "Ay!" nagulat na lang si Allen ng maramdaman nya pinindot ni Lei ang kanyang tagiliran dahilan para mapatalon sya sa pagkakaupo.
"Ms. Lei, ano pong tinginan yan??"
"Well, since tayo lang naman dalawa pa dito... So, ano na ba status nyo ni Sir Toru... Kayo na ba?? Yiiieee. Bagay naman kayo eh.. Hehe" kilig na kilig si Lei habang nilapit pa ang mukha kay Allen
(Nag sweatdrop si Allen sa antics ni Lei)
"Ms. Lei, boss ko po si Sir Toru uhm tsaka po I think bukod sa pagiging colleagues I can say na we're getting along in a professional way" there's a flat chance na aamin si Allen lalo na at gusto ng boyfriend nyang si Toru sa private lang ang affairs nilang dalawa
Nag huff naman ng air si Lei at minimic ang pagsasalita ni Allen, natawa ang dalaga sa kinilos ng secretary ni Kiyo "Bakit po ba Ms. Lei?" kuryosong tanong ni Allen, nagsalita naman si Lei "May poll kasi actually bet sa buong HPE, na involve na kayo sa isa't isa ni Sir Toru". "Ms. Lei!!" scandalous voice ni Allen ang narinig sa buong library. Inawat naman ni Lei ang katrabaho, "Chill lang Gurl... sa mga kaibigan lang ni Sir Toru ito, kasama ako, si Ms. Kiyo and syempre sina Sir Ren and Ms. Sana, ang mother mo rin ay kasama sa poll. Hehe, si Sir Hoshi hindi kasali dahil according kay Ma'am Sunny nasa Papa Bear mode ang father mo and over protective sa kanyang cub na nag ngalang Allen" nag giggle pa sa huli si Lei. Napailing na lang si Allen "Kaloka kayo... Ano naman po ang poll ninyo?".
"Aba sabi ko na nga ba interested ka rin kay Sir Toru.. Yiee."
"Gusto ko lang po malaman kung ano po mga poll ninyo, na I'm sure O.A. Haha"