Abala naman si Seki at Olivia maghanda ng pagkain para sa mga bisita nila "Beb, sa sala na lang natin sila patuluyin" sabi ni Seki. Nag nod naman si Olivia dahil busy sya pagluluto ng fried chicken "Aist.. Kainis nemen wala pa kasi order ko". Natawa naman si Seki dahil shopee addict ang kaibigan. "Seki, sana dinagdagan mo ang chicken na binili mo" sabi ni Olivia. Nag thumbs up naman si Seki "Oo. Magluto ka ulit ng gulay Oli. Magtitimpla naman ako ng juice". Nag okay sign din si Olivia ginaya n'ya si Seki kaya nagtawanan ang dalawa.
1 hour na sila nagluluto ng may nag doorbell. Hindi naman nila pinagbuksan dahil alam nila may susi si Allen. May malakas na pagkatok kaya kinabahan ang dalawa. Si Seki ang nagpunta sa pinto "Sino yan?". Ngunit hindi ito nagsasalita. May pagkatok na naman kaya nagtanong ulit si Seki pero hindi pa rin nagsasalita ang nasa pinto "Ayaw mo magsalita aahhh" bulong nya at mabilis na binuksan ang pinto.
"Aahhhh" sigaw ng mga nasa pinto
"Aaaahhhhh" sigaw naman pabalik ni Seki na nakataas ang kawali na hawak at ihahataw na sana sa akala nya magnanakaw. "Miss Hwag!!" sigaw ng boys, may boses naman na nangibabaw kaya napatigil si Seki. Nakahinga naman ng maluwag ang mga ito "Wosh. Muntik na tayo". Narinig ni Olivia na may nag sisigawan kaya pinatay ang kalan at nagmadali pumunta sa pinto.."Huh?" ito lang nasabi ni Olivia dahil takot na takot ang boys. "Oli!!" bati ng boys. Nagsalita naman si Sakuragi "Chibi! Tinawagan kami ni Toru na pumunta sa bahay ni Allen binigay nya address mo. Sino s'ya?" habang nakaturo kay Seki.
"Aahh.. Besty namin ni Allen, si Seki. Seki, mga boss ni Allen kilala mo sila diba. Bakit may hawak ka nga pala na kawali?" pagpapakilala ni Olivia. Utal utal naman nagsalita si Seki "A..ka..la ko... kasi... magnanakaw hindi sumagot noong tinanong ko...". "Aahhh" chorus ng lahat. Pinatuloy naman ni Olivia ang mga boys. Naiwan si Seki na naging estatwa. "Ehem".
Napalingon si Seki sa nag salita "Hi, ako pala si Kiyota. Fan mo ako Ms. Seki.. Pwede mag pa autograph at picture mamaya?". Pulang pula naman si Seki "Surreee" pabebe pa ang pagkakasabi nya. Kinuha ni Kiyota ang kawali na dala ni Seki "Hindi bagay may dala ka nito. Ako na magbibitbit para sayo". Nag wink pa si Kiyota kaya lalo nag blush si Seki. Inescort na ni Kiyota ang dalaga papasok "Salamat Jin at niyaya mo ako. Ang ganda talaga ni Seki" kilig na kilig sa Kiyota habang kinakausap ang sarili.
Nakaupo na ang boys sa sofa. Tinawagan ni Toru sina Kenji, Kaede, Akira, Ikegami, Sakuragi, Takenori, Mitsui, Miyagi, Koshino at Jin. Niyaya naman ni Jin si Kiyota dahil kay Seki. Halos sumikip na sa bahay ni Olivia "Grabe. Alam mo Chibi bagay ang bahay mo sayo. Pang doll house. Nyahahahahah". Nainis naman si Olivia at hinampas ng sandok sa ulo si Sakuragi "O.A ka. Mataas ang ceiling ng bahay namin at besides may secret kami". Nag wink si Olivia kay Seki at wink din si Seki pabalik sa kaibigan. Nakita naman ito ni Kiyota kaya pulang pula ito palihim kinukanan ni Kiyota si Seki.
Kinuha ni Seki ang remote na nasa pader katabi ng remote ng aircondition unit at pinindot ito. Nagulat na lamang ang boys ng gumalaw ang pader na sa kanan. Unti unti ito tumiklop at dahan-dahan bumukas "Tadah!" sabi ni Seki. May nakita sila additional na living room. "Wow" comment ng boys. Pinaliwanag naman ni Seki "Connecting kasi ang bahay namin ni Olivia. Cool diba?". Nag nod naman ang boys. Ang bahay ni Olivia at Seki ay 2 storey. May garden na pagitan ang dalawa bahay na nasa gitna kaya hindi mo iisipin kapag nasa labas ka na magkadikit ito.
|Olivia's House |______|Seki's House|
Pinag serve naman ni Olivia ng drinks ang lahat "Uminom muna kayo. Saan nga pala kayo nag park? Madami ba kayo dala sasakyan?". Si Mitsui sumagot "Sa tapat. May parking space doon. 5 lang dala namin". Nag nod naman si Olivia at bumalik sa kusina para magluto "Seki!?". Inaasahan ni Olivia na susunod sa kanya ang kaibigan pero wala ito nag vibrate ang phone n'ya si Seki nag text "Mag quick shower at change ootd ako. Andito si Baby ko. Kyaah!!". Napailing na lang si Olivia dahil hibang ang kaibigan kay Kiyota.