Chapter 37

95 3 1
                                    

Tapos na ang meeting ng HPE together with Enmei, nag shake hands ang pamilya Hanagata at kanilang new investor to close the deal formally "Mr. Enmei once again we want to thank you for trusting us.. The HPE" wika ni Ren. Nag smile naman si Enmei "Thank you as well... I know na I won't be disappointed if your company is surrounded by competent employees just like Allen". Nag blush naman si Allen sa compliment ng lolo ni Marco "Jeez.. Si Enmei-jii talaga masyado bilib sa akin" mahina wika ng dalaga. Tinake naman ito ng lahat na nagbibiro lamang si Allen, "Of course naman... classmates kayo nina Oli and Marco since high school... Sinasama ka ni Oli sa group study nila ni Marco, well better term is 'Study date' dahil tamad naman ang apo ko na mag aral... Nahirapan na si Oli turuan si Marco dahil sabi nya 'hinaharot lang sya ni Marco' Haha kaya ka nya sinama palagi para pagalitan ang apo ko... Same kayo ni Olivia na matalino" pag kuwento ni Enmei.

Nahiya na nang husto si Allen dahil sa naikwento ng lolo ni Autumn, speaking of Autumn ang bata ay busy nakikipaglaro ng stuffed toy nya with Ikegami and Koshino. Umandar naman ang pagiging chismosong de gulong ni Sakuragi at pinakinggan maigi ang sinabi ni Enmei. "Sir Enmei, join us na po sa lunch... bago kayo bumalik sa company ninyo" pag anyaya ni Sana. Sinabi naman ni Enmei na hindi sya tatanggi at para maka bonding nya saglit ang apo na si Autumn "Hindi namin alam na apo nyo ang isa namin employee... si Marco" pag amin ni Kiyo habang nagpunta sila lahat sa pantry. Si Chiaka naman ay nauna na umalis para i draft ang mga concerns ng company ni Enmei regarding the agreement. "Kahapon ko lang din nalaman na dito nag work si Marco... Sinabi sa akin ng anak ko" natawa pa si Enmei habang sinabi ito. Pagkarating nila sa pantry ay naka set up na ang lahat kanya kanya na sila ng upo. Sina Ren, Sana, Kiyo Lei, Enmei at Autumn ang magkakasama sa table. Sina Toru, Allen at iba pa ay nasa kabilang table naman.

Habang nagkukwentuhan ang adults inintriga naman ni Sakuragi si Allen, "Pst... Allen... question lang akala ko hindi okay si Oli sa parents ni Marco... so bakit kilala sya ni Mr. Eminem" mahina bulong ng binata. "Mr. Enmei... Gunggong" pagtama ni Rukawa. "Yun na yon... Okay fine Mr. En..mei" pag ulit ni Sakuragi. Tumigil saglit si Allen sa pagkain para sagutin ang tanong ni Sakuragi "Sina Enmei-jii and ang asawa nya ay boto kay Oli... Kahit ang mother nya.. loko loko lang talaga si Marco eh...  alam din nila Enmei-jii na si Oli yung 'surrogate mother' (mahina na bigkas) ni Autumn... Tuwang tuwa nga sila actually lalo na napunta kay Oli si Autumn... Tsaka kasama talaga ako sa 'study date' nila... inaaway ko kasi si Marco kapag masyado na touchy kay Oli". Nag nod naman si Sakuragi, maging mga nasa table na nakikinig. "So it seems hindi approved ang wife ni Marco kay Sir Enmei" mahina pagkasabi ni Toru sa implied na sinabi ng girlfriend habang tinitignan si Autumn na pinapakain ni Enmei.

Sabay sabay tumango ang ulo ng boys na nag cause ng mahina pagtawa ni Allen.

"Sabi ko sa inyo kapag IT babaero eh" comment ni Fukuda habang nakatingin kay Sendoh
"Nadamay na naman ako" napakamot ulo naman si Sendoh "Loyal ako"
"Pareho kayo ni Marco na nasa IT..." comment ni Jin
"Ay, may laman yung sinabi ni Jin... pasimple pa ito eh" panggatong ni Fujima

"May communication pa si Oli at si Sir Enmei" comment naman ni Koshino
"Paano mo nasabi?" takang tanong ng iba
"Kasi hindi nahiya si Autumn sa kanya... I mean kilala sya ng bata" si Jin ang nagpaliwanag ng tanong na para kay Koshino.

Binigyan ng boys ng tingin si Jin, excluding Toru at Kaede na may smirk lang... "What?" tanong ni Jin.. Pinindot ni Sakuragi ang pisngi ni Soichiro, magkatabi sila "Ikaw ha... napaghahalata ka talaga Jin... Hahah... gusto mo maging daddy ni Autumn noh" asar nya. Inawat ni Jin ang katabi "Sinabi ko lang deduction ko... kung ano na iniisip mo" tinanggi rin ang sinasabi ni Sakuragi. Nag snicker naman ang boys maging si Allen ay may mahina pagtawa dahil namula ang tenga ni Jin. Nagulat naman ang boys ng dumating si Autumn na hawak ang kamay ni Enmei. "Boys... kailangan ko na umuwi.. Ibalik ko na si Autumn sa inyo.. Allen ikaw na rin muna bahala sa kanya... Iinform ko si Oli na nagkita kami.. Don't tell Marco na nandito ako please" wika ni Enmei. Nag nod naman ang lahat ng nasa table, umalis na si Enmei not before kissing Autumn's hair (crown area). Hinatid sya nina Ren, Sana sumama rin si Kiyo at Lei sa kanila.

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon