Masaya nag salo salo ang magkakaibigan, nagkwentuhan ng mga nangyari sa panahon na wala sina Allen at Toru sa Kanagawa. Karga na ngayon ni Olivia si Autumn na mahimbing na natutulog, kinantsawan naman nila si Jin dahil todo asikaso ito sa katabi "Nays one... Pre!! Talaga lang ah todo alaga" gatong ni Kiyota. Siniko naman sya ni Seki "Shh... Baby naman, panira ka ng diskarte eh.. Hush lang" nag wink sya kay Jin with matching thumbs up "Keep it up Kuya!! Hahaha" ginaya naman sya ni Ikegami "Tuloy mo lang yan Jin... bagay naman kayo ni Oli". Kahit namumula ay sumagot si Jin "Salamat..." klinaro nito ang lalamunan "Oli ano gusto mo..."
Nginuso ni Olivia ang kaharap na chicken nuggets "Yun oh... Ano paki lagyan ng bbq sauce ah..." nagtawanan naman sila sa antics nito "Demanding ah!!" kantsaw nila, nag eyeroll si Olivia "Kinda... but not really... karga ko si Autumn, hindi ako makakain mag isa..." nag nod naman sila "At isa pa, tinanong ano kung ano gusto ko... Choosy pa ba ako" nakaramdam ng amusement si Toru sa pagiging totoo ng kaibigan ng asawa "Sabagay, may point sya... nagpakatotoo lang". Nagtawanan muli sila "Shh...." gumawa naman ng gesture si Seki para pagsabihan ang lahat na huwag masyado maingay; si Autumn kasi ay bigla nag whimper, hinele naman agad ni Olivia ang anak "La... la.. la...." nag hum pa ito ng lullaby ilan segundo ay mahimbing na ulit na natutulog si Autumn na siniksik ang mukha sa dibdib ng ina.
Gumawi naman sa isip ni Toru na isa ito sa mararanasan nila ni Allen kapag kasama na nila ang kanilang anak - ang challenges para magpatulog ng bata. May halo kaba, takot at kasiyahan ang nararamdaman nya - (1) kaba at takot bilang first time parent- wala sya ni isa ideya kung ano ang dapat gawin; (2) saya dahil marami sya maging pagkakataon para iparamdam ang pagmamahal sa magiging anak. Pinagmasdan rin nya na sinubuan ni Jin si Olivia ng gusto nitong pagkain, naisip rin nya na ganito rin ang mangyayari sa kanila ni Allen kapag nag aalaga ng kanilang anak. "Hanagata... napaisip lang ako ah... may sweetness ba kayo ni Allen..." kuryosong tanong ni Sakuragi. Tinanong ni Toru kung ano ibigsabihin ng kaibigan "Kashe... itong si Unggoy at si Seki.... Jusko.... Taob ang asukal.. Sobrang tamis, parang may phobia na ako sa katamisan nila". Sabay na nag pout sina Seki at Kiyota "Hmmp... Inggit ka lang...".Inayos ni Toru ang suot na antipara "Lowkey lang kami ni Ali... hindi kami what you call that..." hindi nya maalala ang proper term
"Showy...."
"Touchy...."
"PDA" sunod sunod na tugon nina Oliva, Jin at Ikegami
"Aa... Yes to all" comment ni Toru
Nag nod naman sila samantala may sheepish expression sina Seki at Kiyota "Kanya kanya trip yan.." paliwanag ng binata, tumango naman si Seki na sinang ayunan ni Ikegami "Nga naman... depende kasi sa magkasintahan... Ay wala nga pa pala ako other half.. Hahaha", nang asar naman si Sakuragi "Bakit, Ikegami... kalahati ka lang ba at kailangan mo ba hanapin yung 'other half' mo Nyahahaha", nasapo naman ni Ikegami ang noo nya "Hay nako Sakuragi... Puro ka kalokohan" tumawa sila sa antics ng kasama "Alam naman namin naintindihan mo sabi ni Ikegami... Loko ka ah" comment ni Kiyota. May thinking pose si Seki "Hmm... speaking of relationship... Ikaw Beb... how do you show your love to your 'other half' Haha" may mahina sila pagtawa dahil ginamit rin ni Seki ang terminology ni Ikegami kanina.
"Lakas maka articulate ng term na 'other half'..." kahit si Toru nakisali sa pag gamit ng term na ito. May pagblink ng mata si Olivia "Huh...." tinignan si Seki "Ako ba Beb ang tinanong mo?" nag eyeroll ang kaibigan nito "Oo ikaw... dali, gusto ko malaman..." nag nod naman si Olivia "Wow ah.. Abangers kayo sa isasagot ko.. Sige wait lang..." tinignan muna nya ang mukha ng natutulog na anak "Hmm... isa pa lang naman ang naging boyfriend ko... si Marco" may side comment naman sina Sakuragi at Kiyota "Chibi! Susunod na boyfriend mo na si Jin" / "At sya na ang huli...tapos mag asawa na kayo ang susunod Yieee" nag apir ang dalawa. May pagpula na naman ng mukha si Jin pati ngayon meron rin si Olivia na muli nag salita "Ayun nga... noong may boyfriend ako... hindi ako expressive in words... kumbaga on little things ang ginagawa ko" nag nod naman ang lahat "Explain" comment ni Toru, ngayon naman si Olivia ang nag nod "Sige.. Haha... Halimbawa, masama ang pakiramdam ng 'other half' ko... hindi nya sabihin ramdam ko... ibibili ko sya ng gamot... aalagaan hanggang sya ay gumaling... biglaan pagbibigay ng handwritten letters..."
"Handwritten letters... Love letter yon di'ba?" takang tanong ni Kiyota
"Hai.... Hindi ko alam may gumagawa pa pala nyan sa panahon ngayon" comment ni Ikegami
"Oo ako... para sa akin, doon kasi sa mga liham nailalahad ko ang tunay na saloobin, kaysa sa mga text messages... Iba yung feeling kapag sumulat ka ng love letter..." paliwanag ni Olivia
Dinagdagan pa ito ng dalaga "Kahit ano sinusulat ko... pasasalamat... sorry kapag nagkatampuhan kami... ineexpress ko rin kung gaano ko sya kamahal..." may pag giggle sa dulo nyang saad "Lalala... Kilig ka nyan Beb" asar ni Seki "Wala lang sarap kasi mainlove.." sinang ayunan naman ni Toru, Seki at Kiyota "Naalala ko sinulatan ko rin si Marco nakalagay don "Ang kapal ng mukha mo na lokohin ako.. Pinagpalit mo ako sa panget... Sana man lang pumili ka ng mas maganda sa akin... para tanggap ko pa... Kaso nakakaoffend PANGET ang pinalit mo sa akin" Hahaha inis na inis kasi ako nung first time nya ako niloko... Iyak pa talaga ako non... Hindi makakain..." tawa naman ng tawa ang lahat lalo na si Jin sa kwento ni Olivia "Ang kulet mo naman Oli" sinang ayunan ni Seki "May point... degrading nga if sa panget ka lang ipagpapalit" agad naman inassure ni Kiyota ang kasintahan "Neber!!! Seki ikaw lang love ko... Wala ako panahon sa iba...".