Pagkatapos maligo ay naiwan si Allen sa bathroom suot ang isang bathrobe, pinagmamasdan nya ito dahil kulay light almost pastel color shade ng violet "Weird bakit may bathrobe na girly sa bahay ni Toru..." nasa isip ng dalaga, may another thought na naman pumasok sa kanyang isip "Hindi kaya... may iba si Toru... Wait Allen, advance ka na naman mag isip baka naman spare ito in case pumunta ang ate nya na si Ms. Kiyo". Hinawakan ng dalaga ang kanang manggas ng bathrobe at hinaplos ito sinusuri nya ito ng maigi, ito rin ang natagpuan eksena ni Toru. He then clears his throat dahilan para mapatingin si Allen sa kanya.
"Kanina ka pa dyan, Toru" tanong ni Allen at humarap sa kanyang boyfriend
"Kadarating ko lang... Ito pala clothes na binili ko para sa'yo. Pasensya ka na matagal na kasi nakatago yan, hindi ko maalala kung saan ko nailagay" inabot ni Toru ang nakatiklop na mga damit sa dalaga
"Thank you... " naputol ang sasabihin ni Allen ng makita ang isang maliit na paperbag sa
ibabaw ng nakatiklop na damit "Huh... Victoria's Secret...." mahina pagbasa nya ngunit
narinig ni Toru
"Ah... alangan pahiramin kita ng damit ko, di'ba Ali?" pang aasar ni Toru
"Toru!!! Huhu, kaloka ka..." pag awat ni Allen, "may pangbabae ka na nga na bathrobe sa bahay mo tapos ngayon may undies na rin na pangbabae... Baka nga may babae ka" mahina na
lamang ang sumunod na winika ng dalaga ngunit narinig ito ni Toru katulad kanina
Niyakap naman agad ni Toru ang girlfriend, "Ali... hindi ko alam na praning ka pala.. Wala akong iba... Yung bathrobe na yan kapag dumating si Mom and Ate may spare ako dito... Yung damit na binigay ko sa'yo binili ko yan for you matagal na.. Gusto kita regaluhan sana kasya pa yan sayo. Ikaw lang ang mahal ko ano ka ba. Haha" paliwanag nya. Nirub ng binata ang likod ni Allen, napansin nya na naka pout pa rin ito "Oh bakit naka pout ka pa.. May hindi ka ba nagustuhan sa paliwanag ko?". Bahagya tinaas ni Allen ang kanyang ulo para mag eye contact sila ng boyfriend, "Not yet... Eto... pano ito lingerie? Hmm... Don't tell me para kina Mama at Ate mo may ganito rin?". Napatawa muli si Toru sa sinabi ni Allen "Aww, ang cute talaga ng girlfriend ko... To tell you honestly, Miss Allen Daisuke... Binili ko yan kanina para sayo". Nagtaka naman si Allen, paano makakabili si Toru eh hindi naman ito umalis ng bahay.
"Paano ka nakabili nito eh hindi ka umalis tsaka sarado pa ang mall?"
"Kilala ko ang isang manager ng mall. Nag order ako kanina online, pinangalan ko sayo syempre"
"Okay... pero baka malaman nila na in relationship tayo? Di'ba secret muna?"
"Don't worry... Hindi nila malalaman.. Nasagot ko na po ba lahat ng agam agam nyo Ma'am" asar ni Toru
"May isa pa" tipid na paliwanag ni Allen dahilan para mag alala si Toru
"Ano yun Baby??"
"Paano... mo... nalaman... ang size... ko... sa lingerie..." utal utal na tanong ni Allen habang nag blushInayos ni Toru ang antipara na suot nya, inaabangan naman ni Allen ang isasagot ng binata, "Baby... nakita ko na, at nahawakan so alam ko na" seryoso sabi nya. "Toru!!" inawat na naman ni Allen ang boyfriend at hinampas ang tyan nito. "Oii, nanakit ka na Ali.. Tsaka nakita mo na rin ang akin ah" asar ni Toru sa dalaga. Pulang pula naman si Allen hindi nya inexpect na may ganitong side ang boss / boyfriend, sumeryoso naman si Toru at hinalikan ang noo ng girlfriend "I'm sorry Ali... inaasar lang kita somehow, ang cute mo kasi kapag flustered ka. Sige baba na ako, magbihis ka na.. Mamasyal tayo". Naiwan naman si Allen na nakatayo sa gitna ng kwarto, pinagmasdan nya si Toru habang papaalis at sinara ang pinto.
Bumalik si Allen sa bathroom at sinaksak nya ang hair dryer na binili rin ni Toru bago pa ito dahil naka box pa, handy rin dahil maliit lang "Para siguro sa akin rin 'to.. For personal use lang eh.. Aww sweet naman ni Toru.. kahit mang aasar sya kanina" kinausap ng dalaga ang sarili. May nakita rin sya na panty liner kasama sa paperbag ng mga toiletries na bigay sa kanya "Ay taray maalam sya... Pinabili kaya sya ni Miss Kiyo dati ng tampons kapag biglaan nagkaperiod. Ano kaya itsura ni Boss ng first time bumili ng napkin or pads Haha" . Sinuot na nya ang lingerie na binili ng boyfriend para sa kanya, black lace set ito, may skin tone shade sa brassiere na part dahil sa padding. Pagkatapos ay sinuot nya ang light gray panty hose bago ang skirt na color black na tweed fabric hanggang gitna ng kanyang hita. Sumunod ay ang polo longsleeve na color white na ribbon tie design. Para sa buhok ay ginamit nya ang kanyang puting ribbon at pinusod ito. "Aww, ang ganda ko sa ootd na ito.. In fair" kilig na sabi ni Allen. Sinamsam at iniayos nya ang mga ginamit kanina at binalik sa lagayan nila. Nilagay nya ito sa isang sulok ng bathroom counter ni Toru.
Sinuot nya ang step in na pinahiram ni Toru sa kanya at bumaba na sa sala, nakita nya si Toru na nagbabasa ng dyaryo, naka white long sleeve polo rin ito ngunit naka tupi ang mga manggas para hanggang sa may siko, naka levi's denim pants and naka top sider na brown leather, "Toru" tawag ni Allen mula sa ibaba ng hagdan at tumakbo papalapit sa binata. Tiniklop ni Toru ang binabasa na dyaryo at nilagay sa kanang tabi, umupo si Allen sa espasyo na available para magkatabi sila ng boyfriend. "Glad to know na kasya pa sayo ang binili ko noon" wika ngg binata. "I'm glad too.. And I commend kita Toru because ang ganda ng pinili mo na damit.. May taste ka in fair. Haha" compliment ni Allen. "Ako pa ba.. Salamat Ali, I should take it as a compliment" tugon ni Toru. Nag nod ang dalaga at sinabi na dapat dahil compliment naman ang sinabi nya. May naalala naman si Toru at kinuha ang isang box na nasa ilalim ng center table ng sala set.
"Ali.. here sana kasya ang size na binili ko for you" inabot ni Toru ang kahon
"Thank you.. Shoes ba ito?" nilagay naman ni Allen sa kanyang lap ang kahon
"Yes... Before you ask, Nagtanong ako kay Uncle Hoshi about your shoe size pero sabi niya, wala sya idea sa 'girl stuff' noong nagkaperiod ka nga daw buti na lang nasa prison sya kasi hindi nya alam gagawin kapag nagkataon baka dalhin ka daw nya sa ospital,
mapahiya lang daw sya"
"Haha si Papa nga yan... Nag papanic simpleng bagay lang about sa 'girl stuff'.. So, how did you know my shoe size?"
"Tinanong ni Uncle Hoshi ang mga kaibigan mo, alam nya na secret pa lang relationship
natin besides him na nakaka alam"
Nag nod naman si Allen at binuksan ang kahon "Aww... red doll shoes, how cute.. Thank you Toru", niyakap saglit ng dalaga ang boyfriend at sinuot ang sapatos. "Sukat ba?" alanaganin tanong ni Toru. Nag thumbs up si Allen "Yes.." nakita nya ang dalawang pares ng socks alam nya na para sa kanila ni Toru ito "Baby... why my socks here sa box?" takang tanong nya. "Ah, plano ko na mag ice skating tayo bilang date, then mag simple lunch and after bibili tayo ng damit mo pamasok mo.." paliwanag ni Toru. Natuwa naman ang dalaga at pumalakpak ang kamay "Exciting... ice skating, nako ang tagal ko na hindi nagagawa yan.. Highschool pa kami nina Oli at Seki ng huli ko na experience yan... Pero paano kung may makakita sa iyo.. Dami pa naman reporter na nag aabang sa inyo Sir" ngunit nalungkot rin sa huli dahil sa mga reporter na umaaligid sa kanyang boss.
"Anong Sir ka naman... Tama ka sa mga reporters na yan... Nag hanap sila ng scoop para masira ang image ng HPE..," pag sang ayon ni Toru. Sinabi ng binata ang naisip nya lugar na pwede sila mamasyal ni Allen ng wala makakakita sa kanila dahil hindi sikat na puntahan ito, "Oo nga noh, may 3 na skating ring dito sa lugar.. Yung 2 yung sikat, yung 1 mejj lang kasi mahal naman don Haha" comment ni Allen. Nag smirk si Toru "Pamilya ni Hasegawa ang may ari no'n grand parents nya... Wala naman interest si Kazushi do'n hilig nya mag investigate kaya nga alam nya na gusto kita matagal na" pag amin nya. Nagulat naman si Allen "Richkids po pala circle of friends ninyo" realization nya. Hinawakan ni Toru ang kamay ng dalaga "Don't be intimidated... Wala naman sa amin lalo na sa akin kung hindi mayaman ang isang tao or mataas ang estado sa buhay.. Nasa character at personality". "Thank you Toru" tugon ni Allen at nag kiss ang dalawa. Tumayo si Toru mula sa pagkakaupo at niyaya na ang girlfriend na umalis sila.
.
.
.
.
.