Maaga gumising sina Toru at Allen para maghanda sa pagpunta sa site. Tinext na ni Allen ang manager ng lugar na iyon at nag confirm na tutuloy sila ngayon. Nasa mini dining area ang dalawa at nagbreakfast. Sumabay sila kumain sa owner at pamilya nito. Masaya naman ang may ari dahil mabait ang mga guest nila. Sinabi din ng matandang babae na humihina na ang sales nila dahil sa mga naglalabasan na mas modern na mga inn. Kahit na ganun marami rami pa din naman ang dumadayo sa kanila at binabalikbalikan din sila. Nakita naman ni Toru na nalungkot si Allen sa ibinalita sa kanila "Hwag po kayo mag-alala Ma'am. I endorse po namin ang inn ninyo. Maganda po at mababait ang mga staff ninyo" wika ni Toru. Ngumiti naman si Allen sa sinabi ng kanyang boss. Nagpasalamat naman ang may ari. Sinabi nya na family business na nila ito at minana pa nya sa kanyang lola.
Nagpaalam na ang dalawa. May parking space ang inn. Dinala ni Masa-san ang isang sasakyan para may magamit sila. Nalaman na lamang ito ni Toru ng iniabot ng babae ang isang sobre na naka seal. Nang buksan nya ito nasa loob ang car keys at isang maikling liham...
Toru-kun,
Binilin sa amin ni Sanyu ni Sir Ren at Ms. Sana na ipagamit sa inyo ni Allen ang sasakyan. Malayo ang site kaya mapapagod at mapapagastos lang kayo lalo kapag palagi kayo mag cab.
Mag-iingat kayo.
Masa
Binasa ni Toru ang liham kay Allen. Nag nod naman si Allen at sumakay na sila. Tama nga si Masa sapagkat malayo pala ang site at madalang ang mga pampublikong sasakyan. May mga pag ulan ulan din ngayon araw. "Sabi sa news, may padating daw na bagyo at magtatagal hanggang 2 linggo" comment ni Allen. Naka focus sa manibela si Toru pero sumagot sya "Oo, super typhoon nga daw ito. Malakas ang magiging mga ulan may kasama kulog at kidlat". Kinabahan naman si Allen dahil sa paparating na bagyo at napansin ito ni Toru "Okay ka lang ba?". Nag nod naman si Allen at sinabi na wala problema. Tumahimik na ang dalawa at nagpatuloy mag byahe papunta sa kailangan nila inspeksyunin.
May naka abang na matandang lalaki sa may guard pagkababa nina Allen at Toru ng sasakyan. May dala camera si Allen at notebook. Kilala naman ng binata kung sino ito at ipinakilala ang dalawa.
"Good morning Mr. Yamamoto. Si Allen pala ang secretary ko. Si Mr. Yamamoto naman ang President ng Operations Department of HPE Hokkaido" pagbati at pagpapakilala ni Toru
"Ikinagagalak ko po kayo makilala Mr. Yamamoto. Allen Daisuke po" pagpapakilala ni Allen at nag bow nag bow din si Yamamoto at sinabi na ikinagagalak din nya makilala ang secretary ni Toru"Ms. Allen, Mr. Moto na lang itawag mo sa akin ang haba kapag buo Haha. Sir, Bakit po naka casual lang kayo? Nakakahiya. Ako po yung bihis na bihis" comment ni Yamamoto
Ipinaliwanag naman ni Toru ang nais nya mangyari. Bahagya natawa si Yamamoto tahimik lamang na nakikinig si Allen. "Kaya kung ano man ang itrato nila sa akin or ikilos hwag ka mag rereact Mr. Yamamoto" pakiusap ni Toru. "Haha sige po Sir. Ang cool nyo pa din hanggang ngayon" nag wink naman ang nakakatanda sa dalawa at sinabihan din ang guards na duty. Nag nod naman ang mga ito. Nagtawanan naman ang lahat. Tumunog ang orasan ni Allen "Mga Sir, madami pa po tayo kailangan gawin" paalala ng dalaga. Nag nod naman ang dalawa at pumasok na agad sila.
Ipinakilala ni Yamamoto sina Toru at Allen. May nagtanong kung kamag anak daw ba ni Toru ang mga Hanagata. Iba ang first name na sinabi nila, ang sinabi nila ay siya si Sakuragi Hanagata. Pigil naman ang tawa ni Allen. "Aa. Magka apelyido lang siguro kami ng may ari ng company hindi kami magkamag-anak" paliwanag nya. Nag nod naman ang lahat.
Nagsimula na mag-ikot ang dalawa kasama si Yamamoto sa stock room, ininspect nila ang mga records kung tama ba ang nakalagay sa order form at sa dumating na mga materyales, amount at iba pa bagay. Chineck nila kung sakali may discrepancy man. May dala si Toru na laptop para madali ang pag checheck nila. May katabi na phone si Allen tinatawagan naman nya ang mga suppliers nila tinatanong nya ang mga order numbers, O.R para lamang ma verify. Wala naman naging problema, na bigyan na ng notice last week ni Yamamoto ang suppliers nila na ihanda ang mga copy ng transactions under HPE dahil may need na maverify. Pumayag naman ang mga ito. Big client nila ang HPE at handa tumulong ano man ang kailangan. Sinigurado nila na confidential ito at hindi malalaman ng mga employees ng HPE.
Sumunod na pinuntahan ng tatlo ang HR Department ng site. Chinecheck nila kung tama ba ang nakalagay sa system na time in time out ng mga employees versus sa naka log sa guard. Protocol dito na kapag aalis ang employees para mag lunch out man or may kailangan puntahan, bukod sa biometrics kailangan ito i-log ng guards. May mga nakalista din na visitors at luckily match naman ang mga data. May ilang erasures sa time card ng mga probationary pero may sign naman ito ng HR kaya ayos lamang. Ang mga time card ay para lamang sa mga employees na nag training pa lamang. Tumatagal ito ng isang buwan. After ay magiging probationary na ang status nila kaya mag shift sila sa biometrics.
Nagpatuloy ang pag-inspection ng dalawa. Pangatlong araw na nila iniispect ang site. So far so good naman base sa kanilang assessment dahil mababait, masunurin at professional ang mga employees sa Hokkaido "Mas okay pa mag inspect dito kaya sa Kanagawa" comment ni Toru. Natawa naman si Allen "Shrue, na istress drillon kami ni Ms. Lei noong may nag audit don".
"Shrue? Istress Drillon?" tanong ni Toru. Namula naman si Allen at ipinaliwanag.
"Ay.. Si Oli kasi, True po yung shrue at stress lang yun dinagdagan lang nya ng apelyido. Babae bakla yun eh"Natawa naman si Toru sa kalokohan ng kaibigan ni Allen "Magkakasundo sila ni Sakuragi". Umiling naman si Allen "Hayss..". "Bakit?" tanong ni Toru. Sinabi naman ng dalaga na hanggang ngayon galit pa din si Olivia kay Sakuragi "Maramdamin pala si Olivia. Baka naman magkabati na din sila" comment ni Toru. "Sana nga. Naawa na natatawa ako kay Sakuragi-kun. Gusto daw nya magsorry na para okay na sila ni Oli. Tapos aasarin nya na ulit daw friend ko para mag away ulit sila. Sira din eh". Napailing na lang si Toru "Makalokohan talaga yun si Sakuragi".
.....Nasa Engineering, Safety and Maintenance Department naman sila ngayon pang apat na araw na pag inspect ng dalawa. Napansin ni Toru na madami lalaki ang tumutingin sa kanyang secretary at mga nagpapacute.
"Excuse me, nasan ang receiving copy ng notice na ito dated June 20, ××××" tanong ni Toru hindi naman sya pinansin ng mga lalaki at panay pa cute kay Allen. Busy si Allen sa pagsagot sa tanong ng ilan taga engineering department ng napansin nya wala sumasagot sa tanong ng boss kaya inulit nya ito.
"Ms. Allen, ito na yung file na hinahanap mo. Dated June 20, ××××. Received the same day at 11:12am" comment ng junior IT at iniabot ang file sa dalaga. Tinanggap naman ito ni Allen "Thank you Sir". Ngumiti sya kaya namula ang mukha ng lalaki.
"Hay..." chorus ng ilan boys.
Pinipigilan naman ni Toru na mainis at pagalitan ang mga ito dahil talagang ginagalit sya. Unang araw pa lang nila mag inspect ni Allen dito pansin na nya ang mga galawan ng mga lalake. Pinagmamasdan ni Toru ang mga staff na may lost puppy look habang naka focus kay Allen. Binabasa ni Allen ang documents at naka scrunch ang nose nito at naka pout. Sinabi ni Toru na kailangan nya kumalma na act like everything is normal. Tumatawa na lamang ang ilang senior staff at supervisor dahil sa kalokohan ng boys. Nagpasalamat naman sa isip si Toru sa isang supervisor dahil hinampas nito ng nakaroll na papel ang mga ulo ng wala focus at mga pesteng staff na nagpapacute kay Allen.
"Sir, ito na po yung file" sabi ni Allen habang lumapit kay Toru. Nakita ng binata ang isang ngiti na naka reserve lang para sa kanya "At least iba ang ngiti na binigay ni Allen sa mga peste kanina" bulong nya sa isip. May moment naman ang dalawa habang abala sa pag discuss nag comment naman ang isang supervisor. Hindi ito naring nina Toru at Allen "Talo na kayo Boys. Kaya mag trabaho kayo dyan". "Hai" sagot naman ng mga ito.
Hanggang makauwi ang dalawa sa inn ay naiinis si Toru. Naramdaman naman ito ni Allen "May problema ba Toru?" tanong nya. Umiling naman si Toru, "Kumain muna tayo bago ko sabihin sayo". Kinabahan naman si Allen pero nag nod sya. Sa baba nag dinner ang dalawa. Nagpalit lamang sila ng damit pantulog bago bumaba para kumain. Ala-sais kinse na ng gabi nakabalik ang dalawa mula sa site.
"Ano kaya ang nangyari? Bakit nagkaganyan si Toru" tanong ni Allen sa kanyang isip habang may bahagya pagkabog ng dibdib.