Chapter 30

108 3 3
                                    

           Nasa isang kwarto sina Seki, Allen, Olivia, Autumn at Lei. "Hayaan mo na yun hindi na sya part ng buhay nyo" pag comfort ni Seki sa kaibigan. "Sorry Beb, hindi ko sinabi sayo na katrabaho ko si Marco" paghingi ng paumanhin ni Allen. Nag smile si Olivia "Okay lang wala ka kasalanan, okay na naman ako.. Okay na kami ni Autumn... Kahit ano mangyari ako pa rin ang ina nya at sya ay anak ko". Nag group hug naman ang tatlo. "Mama, Auntie Ako rin" sabi ni Autumn at sumali sa group hug.

             Tinanong naman ni Lei kung ano ba ang sitwasyon, ipinaliwanag naman ni Olivia ang nangyari, medyo malungkot sya sa nalaman nya "Totoo pala nangyayari yan.. Akala ko sa movies lang, pero tama ka ikaw pa rin ang nanay ni Autumn kaya laban lang. Hayaan mo na si Marco" pag assure ni Lei. Nag nod naman si Olivia at hinalikan ang pisngi ng anak "Thank you Ms. Lei, uhm kaya nyo po ba kami pinapunta dito para chikahin ako?". Tumawa naman si Lei "Somehow, pero may isa pa dahilan" ipinaliwanag ni Lei ang gagawin, sabay dating naman ni Kiyo na may dala mga paper bag.

           Nagkatinginan sina Seki, Olivia at Allen at napasigaw na lang sila "WHAAT??". Nagtakip ng tenga si Autumn, "Mama ang ingay nyo po nila Auntie".

.
.
.
.
.

           Pinaupo naman ni Sakuragi si Marco sa upuan at pinalibutan ng boys ito. Na intimidate naman ang employee "Easy lang kayo sa staff ko. Para naman sya kriminal sa ginagawa nyo" pagtatanggol ni Sendoh sa subordinate nya. Masamang tingin naman ang binigay ni Sakuragi kay Sendoh "Ex sya ni Oli! So iintrigahin ko sya". "Teka Sakuragi, may gusto ka ba kay Oli?" nag aalalang tanong ni Ikegami dahil inaalala nya si Jin. Tinignan nya ang kanilang HR Supervisor tahimik lang ito. "Ako gusto si Chibi? Nevah! Concern ako sa kanya kahit d pa kami okay parang kapatid tingin ko dun" paliwanag ni Sakuragi. Nakahinga naman ng maluwag sina Koshino, Fukuda at Ikegami. "Oi Marco, dali sagot na... Ano ba nangyari sa inyo ni Oli... Anak mo ba si Autumn?" tanong ni Kiyota.

           "Autumn pala ang pangalan nya..." may longing look si Marco na ikinainis ni Jin. Nakita ni Toru ang pagbuo ng kamao ni Jin kaya nagsalita sya "Marco, maari mo ba ikwento sa amin ano ba nangyari sa inyo ni Olivia?" magalang na tanong ni Toru. Nag nod naman si Marco "Si Olivia at ako ay mag boyfriend girlfriend kami ng maging third year college na sya. Hanggang sa magkatrabaho sya.. Naghiwalay kami almost mag 4 years ago na sa kasalanan ko, masyado focus si Oli sa work na nawalan na sya ng time na sakin... One time sinabi sa akin ni Oli out of the blue "Marco, if ayaw mo na sa akin sabihin mo lang, palalayain kita at hindi guguluhin kahit kailan... Huwag ka lang mang babae behind my back.. Kung may iba na sabihin mo sa akin hindi ako magagalit" ayun pala nahalata nya na may iba na ako inaantay lang nya sabihin ko sa kanya... pero hindi ko magawa... Hindi ko magawa na palayain si Oli, siguro kasi nasanay ako na nandyan sya sa tabi ko..".. Nag nod naman si Sakuragi "Ano nangyari pagkatapos?". Pinagpatuloy ni Marco ang kwento nya "Then ayun nga nalaman ni Olivia na may babae ako, nakita ako ng kuya nya na may kasama babae sa isang public transport... After that, nakipag break ako sa kanya sa text lang... Hindi ko kaya makita na umiyak si Olivia kahit kasalanan ko. Wife material na babae si Olivia sa totoo lang, maalaga maunawain wala sya pakialam kahit hindi ako mayaman, tanggap nya ako kung sino ako"...

            "Saan naman pumasok sa eksena si Autumn kung naghiwalay na kayo?" tanong ni Toru. "I tried reaching out kay Oli pero naka block ako sa lahat ng social media and hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Sabi ni Allen, ayaw ni Olivia na maging friends or acquaintance kami ni Oli pagkatapos ng nangyari sa amin. A year after, I got married sa asawa ko ngayon... We tried everything pero hindi maka conceive ang asawa ko.. Sa appointment namin sa OB nag suggest ito na itry namin ang surrogate mother.. Wala naman mawawala kaya pumayag kami.. May kamahalan ang gastos pero willing ang asawa ko at ang pamilya namin sa gastos.. Doon na muli kami nagkita ni Olivia... S'ya yung nirefer ng OB. Tinanong sya ng wife ko na si Adah, kung bakit sya napapayag ang sabi ni Olivia kailangan nya ng pera para sa kaibigan nya at pag aaral ng pamangkin nya... Alam ko na tinutulungan nya si Allen noon na magbayad ng pyansa ni Tito Hoshi. Hindi ako kinausap ni Olivia during that day, wala sya nagawa kung hindi tanggapin na kailangan nya gawin ang bagay na ito" paliwanag ni Marco.

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon