Makalipas ang tatlong linggo matapos maaksidente si Allen ay bumalik na sa trabaho. Noong nakaraang linggo, araw ng Miyerkules bumalik sa trabaho si Toru. Nagkaroon pa ng maliit na pagtatalo ang dalawa, nagaalala ang binata sa kalagayan ng girlfriend, ngunit sa huli ay napapayag rin sya ni Allen dahil si Kiyo ang nag prisinta na mag alaga sa dalaga, "Its unfair na ikaw lang ang may Work from Home set up, Toru... I want to do that too" sinabi ni Kiyo kina Toru at Allen ng dumalaw ito sa bahay ng kapatid. Kinausap rin ni Allen si Kiyo about sa kalagayan ng kanyang mga magulang, thankful sya at inaasikaso siya ng boyfriend pero hindi nya maitanggi na namimiss rin nya ang kanyang mga magulang.
-FLASHBACK-
Nagbabasa ng libro si Allen si Toru naman ay abala sa pagsagot ng mga emails gamit ang kanyang laptop. Nasa sala silang dalawa at nakaupo sa couch. Naramdaman ni Toru na pinagmamasdan sya ni Allen kaya humarap sya dito, nagkatinginan ang dalawa, nakita nya ang bahagya pagpula ng pisngi ni Allen dahilan para mapa smirk sya, "Ali... you want to ask me something" statement nya, kilala na nya ang girlfriend at kabisado rin ang mga kilos nito. Hindi naman tumanggi si Allen "Hehe... obvious pala ako... ano..." hindi naman natapos magsalita ang dalaga at sabay sila ni Toru napatingin sa main door.
DING DONG
"May inorder ka ba na food?" tanong ni Allen
"Wala... " tugon ni Toru"May ineexpect ka bang visitor?"
"None at the moment... I'll check who is it"Pinatong ni Toru ang kanyang laptop sa center table bago tumayo, pinuntahan nya ang pintuan at tinignan mula sa maliit na screen kung sino ang bumisita sa kanya. Nang makita kung sino ito ay mabilis nya pinagbuksan ng pinto "Ate..." untag nya na may pagtataka sa boses. Ngumiti naman si Kiyo "Hello... baby brother, kumusta ka naman" itinaas nya ang bitbit na plastic bag "Here, I brought some food since mag lunch time na", kinuha naman ni Toru ito "Nag abala ka pa Ate.. Salamat". Nakapamewang si Kiyo at may pang asar na ngiti "Syempre concern pa rin ako sa wellbeing mo... Besides, baka magkapatong kayo ni Allen mahirap na kaya bumisita ako.... wala tayo family ihaharap kay Uncle Hoshi" namula naman ang batok ni Toru "Ate... " may pangaral sa boses nito malakas na tawa lang ang naging tugon ni Kiyo. Pagkatapos mag asaran ng magkapatid -- or should we say, pagkatapos asarin ni Kiyo si Toru since wala naman comeback ang binata ay pinatuloy na nya ang bisita sa bahay nya.
Nakita ng dalawa na focus si Allen sa libro na binabasa nya, satisfied naman si Kiyo na decent pareho sina Allen at Toru, of course she's rooting na magkatuluyan ang dalawa pero conservative ang pamilya nila lalo na ang kanilang ina na traditional courtship ang sinusunod ng pamilya. Magaan rin ang pakiramdam ng dalaga na makita na recovered na ang soon to be sister in law nya, she's claiming it alam nya na walang ibang gusto ang kapatid kung hindi si Allen, "Indenial pa lang sya..." bulong nya sa isip. Naputol naman ang musing nya ng tawagin ni Toru ang atensyon ng secretary nito.
"Allen... nandito si Ate Kiyo binibisita ka"
"Hi Ms. Kiyo... " bati ni Allen, tatayo na sana ang dalaga ng awatin siya ni Kiyo"Allen, Dear... don't need to stand, makakasama sayo... Anyway, kumusta ka?"
"Mabuti naman po ako Ms. Kiyo... pasensya na po hindi ako makapasok agad""Ayos lang yun ano ka ba, mas importante na makarecover ka.."
Magkatabi ang dalawa sa upuan, si Toru naman ay kababalik lang at may dala na plates at ang pagkain na dala ni Kiyo kanina "Dala ni Ate" tipid na paliwanag ng binata, ngumiti naman si Allen "Thank you po... " pag address ni Allen sa kapatid ng superversor nya. Nag wink naman si Kiyo "Welcome... baka kasi hindi ka nakakakain ng totoong food since sa bahay ka ni Toru nakatira", alam naman ni Toru na inaasar lang sya ng ate nya "Ano ibig mong sabihin Ate Kiyo... masarap and I assure you edible ang mga niluluto ko". Nag giggle si Allen sa antics ng magkapatid "Ano... Ms. Kiyo, totoo po sinabi ni Sir Toru edible po yung meals na prinepare nya... Hindi ko nga po alam na marunong si Sir sa kusina" may pink dust sa pisngi ni Allen "Ooh... so much better para naalagaan ka talaga ng kapatid ko" comment ni Kiyo. Nag nod si Allen "Opo Sir Toru is taking care of me..." may solemn look ang dalaga, nagalala naman si Toru kung hindi nagustuhan ng girlfriend ang pagaalala nya, si Kiyo naman ang nag voiceout ng concern ng binata "Malungkot ka Allen... anong problema?" nag aalala rin si Kiyo sa secretary ng kapatid.