30

21.6K 424 11
                                    

Naglalakad siya sa hallway ng school at batid niya na sa kanya nakatingin ang mga estudyante pero hindi na niya iyon pa binigyan ng pansin. Graduation na lang at diploma ang hinihintay niya. Nakakalungkot lang dahil akala niya ay kasama niyang ang kanyang Mama sa okasyon na iyon pero mali pala siya.

"Ivanie!" Natigil siya sa paglalakad ng marinig ang pangalan niya kaya agad siyang humarap. Nakita niya si Karl at Miles. They are walking to her direction. Bahagya siya ngumiti para sa mga ito.

"Condolence Ivanie." Sabay na saad ng dalawa.

"S-salamat."

"Kamusta ka na?" Karl asked.

"I-ito dahan-dahang nag momove on. Ang dami kasing nangyari eh..."Pinilit niyang pasiglain ang boses. "Kayo kamusta na kayo?" Balik niyang tanong sa mga ito.

"We're good...na miss ka namin Ivanie." Napangiti siya sa sinabi ni Miles. Kahit papaano ay naging kaibigan niya na din ang mga ito at masaya siya para roon. "Teka join ka naman sa amin mamaya oh...kahit saglit lang. Alam mo kasi birthday ko, dont worry tayo-tayo lang naman eh. So Ivanie idedecline mo ba ang request ni birthday boy?" Tanong sa kanya ni Miles.

"A-Ano kasi..A-alam mo..." Nag aalangan siyang sabihin.

"PLEASE! PLEASE IVANIE!" Nag puppy eyes pa si Miles sa kanya. Hay ang hirap naman hindian ang isang ito.

"O-okay.'' Muntik na niyang batukan ang sarili ng sa salita na lumabas sa bibig niya.

"That's our Ivanie. Walang na bawian yan ah. Mamaya after class namin pupuntahan kita sa room mo." Napatango na lang siya habang pinapanood ang paglaho ng dalawa sa kanyang harapan.

Napailing siya. Pano ito? Paniguradong nandoon din si Luvdix at magkikita na naman sila dalawa.

Madami ang bumati sa kanya.  Umupo siya sa bench na medyo may kalayuan sa mga estudyante. She watch as how leaves fall into the ground as it was blown by the wind.

Bigla niyang naisip kung hindi kaya niya ginawang mundo si Luvdix para ikutan ay ano ang buhay niya ngayon. She picturized that she is smiling and has a lot of friends.

"Masakit pa din. Iba sakit, mahapdi at kahit na pilit kung kalimutan ay hindi ko magawa...kailan kaya mawawala ang sakit at lungkot sa puso ko. Sana malapit na...Sana Lord mawala na yung sakit." She sigh.

Tumayo na lamang siya at tinahak ang daan patungo sa klase niya.

*****

Kahit naiilang ay pinilit na ngumiti ni Ivanie. Pool party pala theme ng birthday ni Miles at ito pa mismo ang nag provide sa kanya noon sa tulong ni Miyu.

"Ano ka ba, remove it na." Pangungulit ni Miyu sa kanya habang hinhila ang laylayan ng t shirt niya. Naka two piece siya sa ilalim ng T-shirt at short na iyon.

"M-mamaya na." Napatingin siya sa paligid. Akala niya ba at tayo-tayo lang eh jusmiyo buong eatudyante yata ang inimbitahan ni Miles eh sa malaking mansyon ng mga ito.

"Hmp! Okay ikaw ang bahala. Teka puntahan ko muna si Karl at stay put ka lang jan." Tumango na lang siya. Pinagmasdan niya ang paligid, yung iba nasa pool habang kipkip ang mga alak at yung iba naman ay nasa videoke area. Busy din sa pag ikot ang kaleidoscope. Everyone seems happy except her.

Nakita niyang dadaan ang waiter kaya inabangan niya ito. Kumuha siya ng isang drinks, she don't know what kind of liquor it is but she drink it straight. Napaubo siya lalo nat gumihit ang pait sa lalamunan niya.

"Ang pait!" Tanging nasabi niya na lamang. Humanap siya ng mauupuan at doon niya na ispotan si Luvdix. Mabilis siyang tumalikod at lumihis ng daan. Kung sana kasama niya lamang si Tyron ngayon kaso sobrang busy ang binata at out of the country ito ngayon.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon