17

17.7K 326 5
                                    

"Hey you are okay?" Tanong niya kay Luvdix dahil matapos nilang makalabas ng simbahan ay tahimik na ang binata. Mukhang nilamon ito ng malialim na pag-iisip.

"Yeah...its been a long time since the last time I went to church." Sagot nito at inakbayan siya. Ngumiti na lang siya, hindi na sila nag usap pero kontento na siya doon. Pinagbuksan siya nito ng pinto bago umimbes sa driver seat.

"Saan tayo ngayon?" Tanong nito.

"Ewan, ikaw ba? Saan mo ba gustong pumunta?" Balik niyang tanong, sa totoo lang gusto niya pang makasama ng matagal ang binata yun nga lang wala siyang ideyang kung saan magandang pumunta. Taong bahay lang din kasi siya eh, tsaka kung lalabas siya ay wala siyang kasama dahil wala siyang kaibigan bukod kay Candice dahil inilalayo niya ang sarili sa iba. Pano ba naman kasi puro kasiraan na lang ang naririnig niya sa ibang tao tungkol kay Luvdix.

She glad that she did not listen to them, siguro manghihinayang siya dahil hindi niya ito mai-experience na kasama ang binata.

"Akong bahala jan my half." At pinaandar na nito ang sasakyan. Isininandig niya ang ulo sa balikat habang nag mamaneho si Luvdix, grabe super saya niya pag kasama niya ang binata at naihiling na lang ng dalaga na sana wag matapos ang kasayahan niyang ito.

Napansin niya na pabalik sa condo nito ang tinahak nilang daan pero tumahimik lang siya. Malaking tiwala niya rito at kung saan siya nito dadalhin ay sasama siya. Ng iparada  ito ang sasakyan ay pinagbuksan ulit siya nito ng pinto at hinatak papunta sa elevator. Napansin niya na hindi sa floor nito ang pinindot sa halip ay sa last floor.

"Wow!" Nasambit niya na lang ng dalhin siya nito sa rooftop. "Pwede ba tayo dito?" Tanong niya.  

"Of course, dito ako madalas pag gusto kong mag isip. Walang umaakyat dito dahil puro busy ang mga tao sa baba, more on uuwi sila sa condo nila after work at mga pagod na iyon kaya nasosolo ko ang lugar na ito." Inalalayan siya nito umupo. Grabe maling kilos nila ay malalag-lag sila sa baba, biglang nag tayuan ang balahibo niya sa gunitaing naiisip. Nasa 30th floor sila.

"Takot ka no? Don't worry hindi tayo malalag-lag." Medyo nag aalangan pa din siya bumalik sa pag kakaupo. Nakalahad na ang kamay nito sa kanya. "Trust me." Biglang sumeryoso ang mukha nito. Ng tanggapin niya ang kamay nito ay kumislap ang mga mata ni Luvdix.

"Takot ka pa din ba?" Tanong nito. Umiling siya. Hindi na siya natatakot ngayon dahil hawak-hawak na nito ang kanyang kamay. Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ng bahagya ang hampas ng hangin sa kanyang mukha.

"Ang sarap pala dito." Naimutawi niya habang pinagmasdan ang mga istraktura sa baba. Kita din sa kalayuan ang dagat.

"Yeah that's why I love here. Nakakarelax pero mas masarap ako syempre." She rolled here eyes.

"Mukha kang elephante." Sabay kurot sa ilong nito.

"Wow huh. Sa gwapo kong 'to? Teka bat elephante?" Napabungis-ngis siya dahil hindi niya din alam kung bakit iyon ang kanyang nasabi.

"Ewan, bigla na lang lumabas sa bibig ko eh." Biglang natahimik ang kanyang katabi at base sa nakikita niyang expression sa mukha nito ay mukhang malalim ang iniisip nito. "Hoy my half joke lang naman, ang gwapo mo kaya." Kinalabit niya ito.

"Alam ko, gusto mo bang makakita ng elephant?" Kumunot ang noo niya.

"For real?" Paninigurado niya. Nakakita na din naman siya ng elephant sa zoo.

"Yes, tingin mo sakin nag jo-joke?" Hindi niya talaga maintindihan ang binata, minsan nagiging aroganteng ewan.

"Oo..okay lang. Pero nakakita na din kasi ako ng elephant sa zoo eh." Napahawak bigla sa baba si Luvdix at biglang ngumiti. Pasalamat talaga ang lalakeng ito dahil patay na patay siya rito, minsan gusto na niyang isipin na baliw ito dahil sa bilis mag bago ng mood at expression ng mukha.

"Okay." Sipleng sagot nito. Yun lang? Nais niya sanang itanong. Pero iba na ang kanilang pinag usapan.

"Tara na." Aya niya sa binata. Mabilis naman itong tumalon pababa at tinulungan siyang makakababa din. Pero sumabit ang palda niya kaya hinila niya iyon pero laking gulat niya ng makita ang pulang mantsa niya sa palda.

"Okay ka lang?"Mabilis pa sa alas kwatro na tumango siya sabay ngiti.

Mukhang napapantastikuhan naman si Luvdix sa plastic niyang ngiti.

"Tara na, baka ma traffic pa tayo." At nag patiuna na silang dalawa.

---

Luvdix'es POV

Pangalawang araw na siyang nababad trip kay Ivanie. Kibuin hindi siya nito kaya sa huli ay hindi niya din ito pinapansin. Nasisigawan na naman niya ito dahil umiinit ang ulo niya rito, hindi niya alam kung anong masamang hangin ang nasagap nito kung bakit ito nag kaganuon. Okay naman silang nong nasa roof top sila.

"Busangot mukha mo jan Luvdix?" Hindi niya pinansin si Miles na noon at kadarating lang. Nasa canteen siya.

"Tell us kung ano problemo mo?" Tanong ni Karl. Huminga siya ng malalim bago nag salita, tutal may sense naman itong kausap kesa kay Miles.

"So Ivanie kasi mukhang tanga, kibuin ako't hindi. Sinusungitan pa ako!" Nanggigil na saad niya. Siya ang taong walang pasensya kaya iniwan niya si Ivanie doon sa bench. Manigas siya!!

"Baka meron?" Sagot ni Karl. Natigilan siya. Naalala niya bahagya nito sinisilip ang likuran nito nong nasa rooftop sila.

"Eh ano naman kung meron siya? Ikakamatay niya ba yun? T*ngna ang Arte!" Badtrip talaga siya dahil wala naman siyang ginawang masama para mag kaganuon iyon.

"Gago ang sama no!" Sinamaan niya ng tingin si Karl pero parang balewala lang rito ang tingin niya.

"Kung meron siya ngayon, mabilis iyon mainis at magalit. Sensitive kasi ang mga babae lalo na kung meron sila. At panigurado ako na masakit ang puson non." Doon ulit siya natigilan. "Tapos magagalit ka sa kanya dahil akala mo na nag tatampo siya. Eh ma swerte ka nga kasi hindi mo nararamdaman ang sakit na tinitiis niya buwan-buwan. Intindihan mo siya dahil kahit siya ay hindi din nito mapigilan ang pagiging ganuon. Puntahan mo siya o bilhan mo kung anong gusto niyang kainin o di kaya yakapin mo siya or lambingin mo. Naku iniwan mo pa eh sa baka nga sa panahon na ito ay kailangang-kailangan ka niya at hindi niya lang masabi dahil nahihiya siya." Doon siya natauhan. Minsan naiinis siya kay Karl dahil ang daming alam nito sa buhay.

Walang salita-salita na tumayo siya sa kinaroroonan at binalikan ang kanyang girlfriend pero wala na doon si Ivanie.

Agad niya itong kinontact pero hindi sumasagot ang dalaga. Inis na ibinulsa niya na lang ang cellphone.

"A-ah Mishter.Klein?" Napaharap siya ng may kumalabit sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil hindi niya kilala ang patpating estudyanteng ito. Oo parehas sila ni Ivanie na maypag ka nerd, makapal ang salamin sa Mata at nakapusod ang buhok. Pero mas maganda pa din ang My half niya.

"WHAT?!" Inis na saad niya. Kung may balak itong mag pa cute sa kanya ay baka masapak niya lang ito ng wala sa oras.

"A-ah.." Halata sa mukha nito ang takot. "K-kashi..." Halatang dahil sa braces nito kaya may "sh" ito kung mag salita.

"Damn it!! Make sure that what you are going to say has a sense kung hindi ay malilintikan ka sa akin!! Mainit na nga ang ulo niya dahil sa hindi niya makita si Ivanie, idagdag pa ang asungot na ito.

"Si Ivanie nasa clinic." Mabilis na saad nito. Napakunot ang noo niya sa narinig.

"Bakit?! Anong nangyari sa kanya?" Pero bago pa man ito makasagot at mabilis na tumakbo siya para puntahan si Ivanie.

Tangna pag may masamang nangyari sa Ivanie niya ay papatay talaga siya!

-----

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon