24

16.3K 353 10
                                    

"My half mag kwento ka naman nong nanood kayo ng sine? Ano nag enjoy ba si Candice?" Pangungulit niya sa binata pero tila wala itong balak na mag salita. Nasa school sila at sa wakas ay tapos na din ang kanyang mga requirements kaya may panahon na ulit siya kay Luvdix.

"Uy my half." Tawag niya ulit.

"PUTA NAMAN! PWEDE BA IVANIE TUMAHIMIK KA! KITANG NAG LALARO AKO EH!" Napaawang siya ng sigawan siya nito at sinamaan pa siya ng tingin nito. Sobrang gulat siya dahil ito ulit ang unang beses ng sinigawan siya nito simula ng maging okay sila.

"I-I'm s-sorry. Gusto ko lang naman malaman eh." Mababang tono niyang saad.

"BAKIT ANO BA ANG GUSTO MONG MALAMAN EH NANOOD LANG NAMAN KAMI NG SINE!" Pasigaw pa din nito saad.

"My half hindi mo naman kailangan sumigaw eh." Sita niya dahil nakakaagaw na sila ng attention sa mga kapwa estudyante nila. Hindi siya pinansin ng binata at busy pa din sa cellphone nito. Nalungkot siya bigla dahil bigla na lamang nanlamig sa kanya ang binata. Galit ba ito dahil hindi na niya ito nabigyan ng panahon noong nakalipas na weeks?

"Sorry talaga my half at naging busy ako ah. Dont worry tapos na ang mga requirements ko kaya magkakaroon na ko ng time sayo." Nakita niyang natigilan sa paglalaro si Luvdix at kunot noong napatingin sa kanya.

"Baka may mga gagawin ka pa. Walang problema sa akin kung wala ka ng time." Natigilan siya dahil pakiramdam niya ay itinataboy siya ng binata.

"W-wala na my half." Saad niya at nakita niyang na disapoint ito. "Ano saan mo gusto pumunta?" Pilit niyang pinasaya ang boses kahit ramdam niyang iba na ang binata sa kanya.

"Puro alis na naman Ivanie. Kakaalis lang namin kahpon ni Candice tapos alis na naman ngayon!" Tilay yamot na yamot na saad nito.

"My h-half w-wala ka yatang nabanggit na sa akin na umalis pala kayo ni Candice, ang pagkakaalam ko ay noong nakaraang week kayo nanood ng sine."  Natigilan na naman ulit at binata at naging mailap ang mga mata nito.

"Sinamahan ko lang mag shopping." Mabilis na saad nito. Pero napansin niyang medyo nangitim ang binata dahil anging tan ang kulay nito. Nagiging ganito lang ang kulay nito pag naliligo sa dagat. 

"Ah." Simpleng saad niya. Natatakot na siyang muling mag salita dahil baka masigawan na naman siya nito. Nagtataka siya kung bakit ganito na ang pakitungo sa kanya ni Luvdix. Nawala na ang lambing nito sa kanya sa halip ay napalitan na ng panlalamig.

"My half anong gusto mong kainin?" Muling niyang attempt na mag salita dahil nakakabinging katahimikan na ang bumabalot sa kanila pero nakasigaw na naman ang binata.

"PUCHA TALAGA NAMAN OO! TINGNAN MO NATALO AKO, BAHALA KA NA NGA JAN!" Nag walk out ang binata at naiwan siyang napatulala. Akmang susundan niya sana ito pero nag bago ang kanyang isipan dahil baka masigawan na naman siya nito.

Sa halip na sundan ito ay tumuloy siya sa comfort room. Pumasok siya sa isang cubicle doon at saktong pagka-upo niya ay may narinig siyang mga yabag.

"Poor her. Sabi ko na nga ba at hindi sila mag tatagal."

"True! My gosh walang-wala siya kay Candice kaya kung totoo man ang kumakalat na naghalikan si Luvdix at Candice sa bar ay matutuwa ako." Napahawak siya sa dibdib.

"Oo naman. Alam mo ba nong malaman ko na naging sila ay naniwala talaga ako na ginagamit lamang siya ni Luvdix para taga-gawa ng mga projects and then nong nakita ko na sweet na sweet sila ay nagtayuan talaga ang balahibo ko. Gosh naisip ko talaga na bulag na si Luvdix. Anong nagustuhan niya kay Ivanie. PANGIT! MANANG AT MAHIRAP! Hindi talaga siya nababagay kay Luvdix." Naikuyom na lang niya ang kanyang kamao.

"Kaya super boto ako kay Candice for him. Mas bagay sila dahil mas parehas silang mayaman. Tara na nga guys." Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha. Never siyang nag papaapekto sa sinasabi ng iba pero iba ngayon. Parang tagos sa kanya dahil totoo naman ang sinabi ng mga ito.

Mabilis na hinagilap niya ang kanyang cellphone at tinext si Candice na mag kita sila at agad naman itong pumayag.

Nag hintay siya sa coffee shop. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She just wanted to talk to her kung totoo ba ang kanyang narinig.

"Best malalim yata ang iniisip natin ah." Nagulat na lang siya at nasa kanyang harapan ang kaibigan.

"A-ah nandiyan ka na pala." Nasabi na lang niya. Umupo si Candice sa harapan.

"A-ah Candice nabangit sa akin ni Luvdix na sinamahan ka niya pala kahapon." Ang ngiti ni Candice ay unting-unting nawala at hindi na ito makatingin ng diretso kay Ivanie.

"A-Ah oo b-bestfriend k-kasi busy ka eh....." Napatango siya at katahimikan ang bumalot sa kanila ngayon.

"Ikaw, si Mama, at si Luvdix lang ang meron ako. At ayokong dumating sa punto na sa tatlong iyon ay may mawala sa akin." Habang sinasabi niya iyon ay tuwid niyang tiningnan sa mata si Candice.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakita niyang napalunok si Candice.

"Nothing..I just wanted to say I love you Candice. I really do. You are my best friend and my sister." Masyado na niyang kilala ang kaibigan at alam niyang may mali. "I trust you." Nakita niyang tumiim ang mga labi nito at ngumiti sa kanya pagkatapos.

"I know you're implying on something...sabihin mo sa akin ng diretso Ivanie. Tell me, ano ang gusto mong sabihin." Tila'y nanghahamon ang tingin ni Candice sa kanya.

"Kung dumating man ang pagkakataon na may kasalanan kang magawa sa akin tandaan mo handa kitang patawarin. Hindi ka pa man humihingi ng patawad ay napatawad na kita." Saad niya. Nakita niyang natigilan ito at naging guilty ang mukha.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon