50-FIN

29K 496 20
                                    

"I'm kinda nervous right now but..I just wanna say I'm so honor not because I'm your maid of honor but knowing you Ivanie is an honor for me. I did some stupid things on you before but here we are, still friends." Biglang nagcrack ang boses ni Candice. "Seeing you now wearing a beautiful wedding gown made me realized that the girl I always played with is already grown up. Gosh I so love you Ivanie and thanks for accepting me to be your best friend again despite of everything. I wish all the best for both of you." Napaiyak ako at naramdaman ko ang kamay ni Luvdix sa kamay ko. Lumapit si Candice sa akin at yumakap ng mahigpit.

"Thank you Candice, stop crying you also ruining my make-up." Saad ko dahil naiiyak na din ako. Natawa lang ito at bumalik na sa upuan kung saan nandoon si Carrick. I don't know what happened but I found out that the two are already dating. Whatever is going on them,I know Carrick will take good care on Candice.

Nakita ko na si Miles naman ang humawak ng microphone.

"Ehemm, mic test. Ako ang taong hindi naniniwala sa love, forever at happy ending. Para sa akin ay ang love ay isang baduy na salita na nakakaidiri. But It was all change when I witnessed Ivanie's love for Luvdix. I saw a girl before who's madly in love to a bad boy. He's a pain on ass for her but despite of heart breaks he gets from my best friend she never fall-out-love. Sabi ko sa sarili ko noon paano niya nakakaya yun? Baka may pinakain na gayuma si Luvdix kay Ivanie kaya ganun na lang ang pagmamahal nito. Pero akala ko talaga pre mamamatay ka na kaya sa isip-isip ko liligawan ko na lang si Ivanie." Minura ito ni Luvdix at inakbayan ako. Natawa naman ang mga guest pati na din si Miles.

"Pero talaga pre seryoso nagawi sa isipan ko iyon. I really envy my bestfriend to have someone who love him even in the worst part of his attitude, his flaws. Then I finally believe in love and that girl sitting there is my proof." Sabay turo nito sa babae na namula ngayon. Her name is Sandy Fauer at alam kong bata pa ito. 18 or 19 pa yata kaya 8 years ang gap nila ni Miles. Kasama nito ang best friend na si Blanchefleur Mina na nameet ko na noong nakaraan dahil ipinakilala ito ni Miles sa akin.

"But of course wala pa ding makakatalo sa love story niyo. Alam ko kung gaano kahirap ang inyong pinagdaanan and both of you deserve happiness. Never ko pa yatang nasabi ito sayo Luvdix but pre I love you and I'm happy na bumalik ang sigla mo and you have your Ivanie now. I wish everything the best sa inyo dalawa and congratulations." My brand new husband is so lucky to have a friend like Miles.

"Hindi ko na hahabaan pa Ivanie and Luvdix. Alam ko na excited na kayo sa honeymoon niyo. Congratulations sa inyo at naway magpakarami kayo. Thank you." Si Karl na tawa ng tawa at bumalik sa tabi ni Miyu.

Akala ko si Kuya Gun ay mag memessage din pero tumanggi ito. Parang naluluha pa sila ni Daddy kanina. Nagsimula na ang kainan at sayawan.

"Are you happy?" Napatingin ako kay Luvdix.

"Tingin mo?'' Balik kung tanong.

"Oo aba napangasawa mo kaya ang Luvdix Klein kaya alam ko na ang saya mo dahil karangalan iyon para sayo." I rolled my eyes.

"I love you conceited." Bulong ko.

"I love you too my half. Grabe ang pinagdaanan natin pero wala eh para sa akin ka talaga kahit ilang taon na ang lumipas kahit na ilang milya ang layo natin sa isat-isa ay sa akin ka pa din pala babagsak...excited na ako mamaya." Nahimigan ko ang pilyo sa tinig nito.

I rolled my eyes again.

"Grabe hindi ka pa din nagsasawa?" Tanong ko.

"Bakit ikaw nagsasawa na?" Umiwas ako ng tingin.

"Hindi." Natatawa naman si Luvdix.
Wala eh hindi nakapag hintay ang isang ito ginapang talaga ako, nakalusot sa pagbabantay ni Kuya Gun sa akin. Aba sino ba naman ako para paghindian ang napakagwapo kung asawa, pati yata tomboy ay hindi aayaw kay Luvdix.

"Good kasi kahit ako never na magsasawa sayo kahit araw-arawin pa natin."

"Tumigil ka na nga mamaya may makarinig pa sayo eh." Sita ko rito. Pagtawa lamang ang sagot nito.

Napangiti tuloy ako. Ilang butil ng luha ang iniyak ko, ilang araw na nawalan na ako ng pag-asa, Oo may time na umayaw na ako pero nagpahinga lang pala ang puso ko. Siguro nga part of me will always know na si Luvdix lang talaga ang lalake para sa akin. Totoo pala talaga na kailangan muna na madami kayong pagdaanan kasi iyon ang magtuturo sa inyo kung paano maging matatag sa situation na hindi mo pa alam kung ano ang kahahatnungan. Basta ang alam ko kahit ilang milyong beses man na magkamali si Luvdix ay hindi ako mapapagod na magpatawad. Aba ngayon pa ba na patay na patay na din siya sa akin at ayaw ng bumitaw sa akin. Alam ko na madami pa kaming pagdadaanan pero syempre dadaanan lang namin at hindi kami tatambay doon.

Natigil ako sa pag-iisip ng may maamoy ako.

"Ano yun?" Tanong ko kay Luvdix.

"Huh?Alin?"

"Umutot ka na naman ba?" Naasar kung tanong.

"Uy grabe my half ah, namimili naman ako ng lugar tsaka bakit ako lang ang inaakusahan mo?Madaming tao oh." Depensa nito sa sarili. Nagduda na tinitigan ko siya. Wala eh, mahal ko talaga ang isang ito na kahit na madami akong nadiskubre tungkol sa kanya ay hindi natinag ang pagmamahal ko. Ganun nga yata pag nagmahal ka tanggap mo na ang lahat.

"Here tikman mo 'tong bake cheese ball masarap." At iniumang nito sa akin iyon at parang umikot yata ang paningin ko ng maamoy ko iyon.

"ILAYO MO SA AKIN YAN!" Lahat ng guest ay natigil pati na din ang nagtutugtug ng violin. Tinakpan ko ang bunganga ko dahil pakiramdam ko ay masusuka na ako. Hindi ko na napigilan at sumuka na ako sa sahig.

Nakita ko na tumayo sa Luvdix pero panay naman ang hagod nito sa likod ko.

"Ladies and gentleman. Just continue your meal and my wife is not feeling well...and this is double celebration. My wife is pregnant." Anunsyo nito at sumigabo ang palakpakan.

"I love you my half." Saad nito at niyakap ako. Ramdam ko na sobrang saya ng asawa ko ngayon at hinalikan pa ako sa labi. Napasimangot ako ng maamoy ko na naman ang mabahong iyon.

"I love you too."Naghihina kung sagot. Yeah I think.... surely I'm pregnant.

END

Thank you guys super. Mamimiss ko sila Luvdix at Ivanie. At yung regular voters and commentor ng MBH. Alam niyo na kung sino kaya at salamat.

NEXT ~~} I'm his Revenge

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon