18

17.7K 357 9
                                    

Natigilan si Luvdix ng walang taong maabutan sa bungad ng clinic. Ni walang Doctor,nurse at mga staff doon. Ganito ba ang mga nag tatrabaho rito? Bigla niyang naisip pero maya-maya ay napasabunot siya ng buhok ng maisip na baka pinagtitripan lang siya ng nerd na iyon. Napamura siya ng malutong. Humanda ito sa kanya.

Akmang aalis na sana siya doon ng makarinig ng munting ungol kaya natigil siya sa paglalakad. Nag desisyon siya na pasukin ang mga kwarto roon, nagbabakasakaling nadoon si Ivanie.

Tama nga siya.

Nakahiga ang dalaga habang takip ng kaliwang kamay nito ang mata at ang isa ay nakahawak sa puson nito. Mabilis niya itong nilapitan at nanlaki ang mga mata nito ng makita siya.

"M-my half." Ang cute pa din nito kahit na nagulat ng makita siya pero napansin niyang pinagpapawisan ito kahit centralized naman ang paligid.

"Okay ka lang? Bakit ka nandito? Okay ka lang?Anong masakit?" Sunod-sunod niya tanong at dinaluhan ito sa kama. Parang maiiyak naman ang dalaga pero pinipigilan nito na bumagsak ang luha.

"S-sorry kung nainis ako sayo kanina at hindi kita pinapansin." Agad na saad ni Ivanie.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Anong nangyari sayo?" Muli niyang tanong.

"M-masakit lang ang puson ko." Sagot nito.

"What? Teka nasaan na ang Doctor rito? Puta anong klaseng Doctor at staff meron sila dito at wala sa oras na ito? siniswelduhan sila...Tara dalhin na kita sa hospital." Akmang kakargahin niya na ang dalaga ng mabilis itong umiling at bahagyang natawa.

"Sira hindi pa ako mamamatay...Masakit lang talaga ang puson ko pero maya-maya ay okay na ako." Natatawa pa ding saad nito. Nainis naman siya dahil totoong nag aalala siya rito, malay niya ba kung gaano kasakit ang nararamdaman nito ngayon.

"Nakuha mo pang tumawa...nakainom ka na ba ng gamot?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Yup, pinainom na ako ni Nurse Joy. Break ng mga staff kaya wala sila rito at hindi naman malala ang nararamdaman ko kaya pumayag na akong magpa iwan." Paliwanag pa nito pero hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Break? Eh alam naman nilang hindi natin alam kung kelan dadating ang emergency...pano kung may nangyari sayong malala? Maibabalik ba nila ang buhay mo?" Nanggagalaiti niyang saad. Naisip niya pa lang na mawawala sa kanya si Ivanie ay para na siyang mababaliw. Pero natigilan siya sa kanyang naisip...

"Don't worry okay na talaga ako, promise. Tsaka wala pa naman akong nababalitaan na namatay sa dysmenorhea my half kaya wag kang OA jan....hey okay na talaga promise." Hindi na siya sumagot at tinitigan lang ang dalaga.

"Usod ka doon ng konti.." Saad niya.

"Huh bakit?" Nag tatakang tanong nito pero umusod naman. Kaya walang babala na tumabi siya rito.

"Hoy..ano ka ba! Baka makita tayo! Luvdix." Pilit siyang tinutulak ng dalaga kaya ikinulong niya ito sa kanyang bisig. Natahimik ito bigla.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon