38

18.5K 335 17
                                    

"So Ivanie anong business ng pamilya mo?" Natigilan siya sa pag subo ng pagkain.

"W-wal...."

"Granny let's not talk about it." Si Luvdix ang sumalo sa kanyang sasabihin.

"Why not? Being Klein dapat may magandang background ang makakatuluyan mo Luvdix, hindi kung sino-sino lang." Naramdaman niyang hinawakan ni Luvdix ang kamay niya ng mahigpit.

"Ma'am nong nabubuhay pa po ang mama ko, nagtatrabaho po siya bilang kasambahay at..."

"What?! Kasambahay?! Que horror!" Parang aatakihin si Guada sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na ang isang Klein ay makakatuluyan lang ng isang anak ng katulong.

"Ma." Ang daddy ni Luvdix.

"Granny." Si Luvdix at Tyron. Napayuko na lamang siya.

Napatingin siya maya-maya sa babae na katabi ni Tyron at kanina pa siya nako-curious kung sino ito. Napapailing lang ito.

"What?!...okay. I'm sorry Ivanie nabigla lang ako. Ituloy na lang natin ang pagkain." Natahimik na ang lahat. Aaminin niyang hindi na siya komportable ngayon parang nahihirapan na siyang lunukin ang kinakain.

"Oh nakalimutan yata natin ipakilala si Page. Ivanie this is Page the daughter of Manshiva Corporation. Actually fiance siya ni Tyron." Napatingin siya kay Tyron na nag smirk. Tila hindi nito nagustuhan ang narinig galing sa abuela pero mas pinili na lang nitong manahimik.

Nginitian lang siya ni Page at ganun din ang ginawa niya.

Iniba na ni Tyron ang usapan para makaiwas sa nakakailang na issue. Si Luvdix naman ay sobrang attentive sa kanya at nakikita niyang pasimpleng patingin-tingin si Guada sa kanila.

"My half mag ccr lang ako."

"Sige samahan na kita." Akmang tatayo si Luvdix pero biglang nagsalita si Page.

"I'll lead her Luvdix total I need to go there too."

"Are you okay to be with her?" Bulong nito sa kanya.

''Oo, saglit lang ako." Kinintalan siya ng halik nito sa noo bago nito pinakawalan ang kamay niya na kanina pa nito hawak.

Nakasunod na siya kay Page ngayon. Napakaganda nito at para itong living barbie na tulad ni Candice. Napabuntong hininga siya ng maalala ang matalik na kaibigan. Miss na niya ang babae. Someday gusto niyang maging maayos na sila ng kaibigan.

Pumasok sila isang kulay Gold na pintuan.

"So ikaw pala si Ivanie." Biglang saad ni Page.

"Ah oo."

"Tsk. I wonder kung ano ang nakita ng magkapatid sayo. Akala ko pa naman hay whatever! Looking at you now, my worried before are useless. I hope you stay away from Tyron because he is mine."

"I understand. Masaya ako na nahanap ka ni Tyron Page. Please take care of him, he is very nice man and he deserve someone who will love him."

"Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko but....well mukha ka namang mabait so I will advice you Ivanie. Granny doesn't like you. For sure she will ditch you out of Luvdix life. Ako sayo magpapakatatag na ako because Guada Klein is a monster one.G ood luck girl." Lumabas na ito at natigilan siya. Hindi niya alam kung dapat siyang matakot pero magpapakatatag siya para sa binata.

"Haaah!!" Laking gulat niya ng pagharap niya ay bumungad ang matanda sa kanya. "S-sorry po." Hindi umimik ang matanda sa halip ay binuksan nito ang faucet at naghugas ng kamay.

"I don't like you for my Luvdix. Bumalik ka sa kanya kung may maipagmamalaki ka na Ivanie. I don't care if you are cum laude or what." Mariin siyang tumutol.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon