3

19.2K 352 6
                                    

Mag aalas dyes na ng gabi ay wala pa din si Luvdix at kinakabahan na siya kung ano na ang nangyari rito. Second Anniversary nila ngayon at ang unang plano ay manonood sila ng sine pero dahil may alis daw ito ay sa condo na lang daw sila mag ce-celebrate. Hahabol daw ito pero ano'ng oras na wala pa din ang binata.

"Nasaan ka na ba Luvdix." Hinaing niya. Palakad-lakad siya sa malaking sala ni Luvdix. Good thing na ibinigay sa kanya ng binata ang passcode nito sa condo unit kaya naman nakakapasok siya roon kahit wala ang binata.

Sinubukan niyang tawagan ito pati na din ang kaibigan nito pero wala talaga. Out of coverage.

"Jusko saan ba kita hahanapin Luvdix." Parang sirang kinakausap niya na lang ang kanyang sarili. Kanina pa text ng text ang kanyang Mama at pinapauwi na siya. Pero hindi naman siya matatahimik hangga't hindi pa nakauwi si Luvdix. Madaming tumatakbo sa kanyang isipan kung baka may masama na nangyari rito.

"Sayang naman ang hinanda ko." Saad niya ulit at napatingin sa mesa. Sobrang effort ang ginawa niya pero mauuwi lang pala sa wala. Pero wala na siyang paki-alam doon, ang importante ay malaman niyang okay lang ang binata kung nasaan man ito.

Naalerto siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang iyon kinuha sa sofa.

"Hello?" Bungad kaagad niya, nag babakasakaling si Luvdix na iyon.

"Ah...I-Ivanie si Miles ito. Kasi ano...si Luvdix lasing na lasing eh."

"Huh? Nasaan ba kayo? Pupunta ako jan." Mabilis siyang lumabas sa unit ni Luvdix ng sinabi ni Miles ang lugar. Hindi niya alam kung paano papunta doon pero ano nga naman ang silbi ng google map diba.

"Manong sa Hidden Resort po tayo." Saad niya ng makasakay sa taxi. Malapit ng mag alas dose at delikado sa isang babae na bumyahe ng mag isa. Pero hindi niya alintana ang sarili dahil mas nag aalala siya kay Luvdix. Bakit ba kasi ito naglasing?  Bakit hindi siya nito sinipot? May nagawa ba siya na kasalanan?

"Miss alam mo ba ang lugar na iyon?" Biglang tanong nong driver sa kanya.

"O-oo manong." Pag sisinungaling niya. Pero nakatingin naman siya sa google map kaya kampante siya, yun nga lang wag siyang gaguhin ng driver. 

Napapikit siya ng hindi pa parehas na sandals ang nasuot niya sa pag mamadali. Yung isa ay tsinelas na pambahay at ung isa ay sandal. Bahala

Nakahinga siya ng maayos ng ligtas siyang makarating sa Hidden Resort. Agad siyang pumasok sa loob at napansin niya isang private resort pala iyon.

"I-Ivanie..." Sumalubong sa kanya si Karl.

"Bakit kayo nandito? Anong ginagawa niyo rito?" Hindi niya maiwasan na hindi mainis sa mga ito. Bakit sinama ng mga ito si Luvdix eh.

"P-Pasensya na Ivanie." Nagulat si Karl ng magalit si Ivanie. Unang pagkakataon niyang makita na nainis ang dalaga sa kanila. Mabait kasi talaga ito.

"Nasaan na si Luvdix?" Tanong ni Ivanie.

"Nasa loob." Sumunod siya rito at napangiwi siya ng makitang naka higa na sa lapag si Luvdix dala ng kalasingan.

"My half...." Tawag niya sa lalake at bahagyang tinapik-tapik ang pisngi. Umungol naman ito at dahan-dahan binuksan ang mga mata.

"Bakit ka ba nag lasing? Diba Anniversary natin ngayon?" Hinaplos niyang buhok nito. Gulo-gulo ang buhok pati ang polo nito, na kulang na lang habulin ng plantsa dahil sa gusot.

"I-ikaw pala yang gishfriend ko." Lasing na nga ito dahil tila hindi na nito kilala kung sino siya. Hinanap niya sa kanyang mata sina Karl at Miles na noon ay nasa likuran pala.

"Patulong naman, uuwi na kami." Agad naman nilang pinagtulungang buhatin si Luvdix na noon ay ayaw pang umuwi. Akmang ihahatid pa sana kami ni Miles pero alam niyang may tama na din ang dalawa. Mas mabuti kong mag taxi na lang sila ni Luvdix.

Hirap na hirap siyang iakyat si Luvdix papunta sa unit nito. Sa lakeng mama nito ay ano lang ba ang kakayahan ng 5'5"? Nakasampa ang buong katawan nito sa kanya habang naglalakad sila pero tiniis niya ang bigat ni Luvdix.

Pawis na pawis siya ng tuluyan ng makapasok sa unit nito. Akala mo nag marathon siya sa sobrang pawis niya. Ng ihiga niya ang binata sa kama ay umungol ito. Agad na kumuha siya ng basang bimpo para punasan si Luvdix.

"Ang shakit!!" Nagulat siya ng dumaing si Luvdix.

"A-anong masakit my half? Saan" Nag aalalang tanong niya rito at itinabi muna ang dalang bimpo. Bahagya niya enix-xamine kung baka may sugat ito sa katawan.

"Dito..ang shakit makita...b-bakit kashi shiya umalish...bat niya ako iniwan." Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Luvdix. Sino ang nang iwan rito? Bakit sinusuntok nito ang dibdib nito?

Napailing na lang siya. Lasing na nga ang binata kaya sinimulan na niyang linisan ito. Pawis na pawis na ang polo nito kaya pinalitan niya ng sando at tinangal ang sapatos nito. Ng makitang okay na ang binata ay kinumutan niya ito.

Hinalikan niya ang pisngi ng binata at niyakap.

"I love you my half...nandito lang ako palagi tandaan mo yan kahit bad ka." Saad niya.

Tumayo na siya para umuwi at akmang bubuksan na niya ang pinto ay biglang umungol si Luvdix.

"C-Candice."

Natigilan siya sa paghawak ng sedura at hinarap ang lalake.

Tama ba ang narinig niya?

O guni-guni lang iyon.

"I-Ivanie." Tawag nito. Parang nakahinga siya ng maluwag ng pangalan pala niya ang tinawag nitong muli. Tsk nahihibang ka na talaga Ivanie at bakit naman tatawagin ni Luvdix ang pangalan ng best friend mo? Sita niya sa sarili.

"Oh?" Muli siyang bumalik sa kama nito.

"Wag mo ako'ng mahalin ng masyado." Mulat na mulat ang mata nito habang titig na titg sa kanya. Natigilan siya ng makitang seryso ang binata na parang nawala ang kalasingan nito.

"Sira ka ba? Paano hindi kita mamahalin? Eh boyfriend kita. Mahal na mahal kita my half at hindi ko kayang mawala ka sa akin. Baka ikamatay ko iyon." Honest na saad niya rito. Nakita niyang nag-alala ang mukha nito at muli ding pumikit.

"Kahit ipagtabuyan mo ako Luvdix ay hindi ako bibitaw. Kakapit ako hangga't kaya ko. Hindi ako bibitaw." Malungkot niyang saad sa binata. Hindi ito sumagot at napansin niyang malalim na ang pag hinga nito. Tulog na nga.

Nag desisyon na siyang umalis. At ng tuluyan na siyang makalabas sa sa kwarto nito ay hindi na niya nakita ang pagmulat ng mata ni Luvdix. Napailing na lamang ang binata at muling ipinikit ang kanyang mga mata.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon