21

16.6K 322 10
                                    

"Tama na 'to my half, masyado ng madami ang mga ito tsaka ang laki na ng gastos mo." Sita niya sa lalake. Ang daming mga binili para sa kanya at sa kanyang Mama. Nahihiya na nga siya rito dahil ni singkong duling wala siyang nai-ambag sa trip nilang ito. Kaya ng sabihin niya iyon ay magaling ang sagot nito "Wala ka ngang naiambag na pera, pero sa buhay ko sobra na. Excess na nga eh kaya kahit man lang dito ay magantihan kita."

Nasa walking street sila at namili ng pasalubong, sikat ito lugar sa Thailand. Para itong divisoria at puro mga Thailand products lamang ang nandoon at sobrang daming tao. Binilhan din nila ang dalawang kaibigan ni Luvidx. Mamayang gabi ang flight nila pabalik sa Manila. One night lang sila sa Thailand dahil may pasok pa sila pareho.

"Tingin mo sakin mahirap? Barya lang sa akin yan." Ayan na naman ang aroganteng mayabang na tuno ng boses niya. Pero kasi totoo naman din ang sinabi nito, sa yaman ba naman ng mga Klien barya nga lang talaga ang gastos nila rito.

Panay ang pili nito ng damit ng bigla siyang napatingin sa malaking screen ng TV na nakadikit sa building. Si Candice iyon na rumarampa suot lamang ang lingerie sa isang prestiyosong brand ng underwear.

Super proud talaga siya sa kanyang kaibigan. Sobrang kilala na ito sa buong mundo at isa ito sa tinitingala super model sa Industriya nito. Wala sa loob na napatingin siya kay Luvdix at bahagya siyang nagulat na titig na titig ito sa screen kung saan andoon si Candice.

Nakita niya ang pag hanga sa mga mata nito. Parang may-kirot siyang naramdaman sa kanyang puso pero agad niya iyong iwinaksi iyon.

"A-ah my half." Agaw niya sa attention nito at natauhan naman agad ito. Ng mapatingin ito sa kanya ay para itong nahuli na nagnanakaw ng candy. Tumikhim pa ito at nag iwas ng tingin sa kanya.

"T-tara kumain na tayo. A-anong gusto mong kainin?" Maya-maya ay sabi nito.

"Basta wag maanghang my half." Ngumiti siya. "Ano nakapili ka na ba ng bibilhin? Naku my half super dami na nating nabili." Daldal niya dahil parang na awkward sa kanya ang binata.

"Okay..Gusto mong itry ang Ice cream durian? Masarap yun." Mabilis siyang tumango at inakay na siya nito papunta sa Ice cream parlor.

Nakatalikod na sila ni Luvdix sa screen pero wala sa loob na binalikan niya ng tingin ang screen kung saan andoon ang advertisement ng kaibigan. Nag flash doon ang mukha ng kaibigan na parang nakangiti pero naka smirk. Parang sinasabing "I cant get what I want" Umiling siya. Paranoid ka talaga Ivanie, sita niya sa sarili.

-------

"So kamusta ang bagong kasal?" Natigilan si Ivanie sa pagsubo ng sandwich sa sinabi ni Miles. Nasa canteen sila ngayon at kasama niya si Luvdix. "Oh bat ganyan ang reaction mo Ivanie, hindi ba magaling sa alam mo na si Luvdix?" Ng ma realize ang sinabi nito ay namula siya.

"Grabe kayo. Pinag-usapan talaga kayo dito sa school talo pa artista eh." Si Karl. Nagtataka na talaga siya sa pinag sasabi ng mga ito.

"Bakit?" Tanong niya habang si Luvdix ay panay COC lang sa cellphone nito.

"Yung profile picture ni Luvdix sa Facebook kung saan nakasakay kayo sa Elephant at may halikan pang drama. Naks ang lakas maka pag-ibig eh, parang honeymooners talaga."Si Miles ang sumagot na nanunudyo ang tingin. Ngayon alam na niya kung bakit ganuon ang tingin sa kanya ng mga kapwa estudyante doon.

"A-ah hehe." Yun na lang ang nasabi niya. Tinutoo pala talaga ni Luvdix ang sinabi nito na iD-DP nito iyon. Kinuha niya ang phone at chineck ang facebook ng binata. Naka-upload na pala lahat ng pictures nila doon.

Hindi niya napigilan ang mapangiti sa caption nito sa DP.

 SHE'S MINE

Like. Comment. Share

(y) Stacy Cruz, Ina So, Justine Cruz and 80,678 like this

Napanga-nga siya sa likers ni Luvdix, grabe ang dami. Bahagya niyang binasa ang mga comment doon. May nag comment na pangit daw siya at napansin niya na may reply kaya kinlick niya iyon.

Amanda Kloe  Gosh she's so ugly.

 Reply   

Luvdix Klien ARE YOU  TALKING TO YOURSELF? SHOW ME YOUR FACE IN PERSON AND I WILL NEVER HESITATE TO PUNCH IT BITCH  !     

Like. 30,648


Napanga-nga na lang siya ulit. Grabe kahit yun pinatulan niya pa? Hindi na nag reply ang Amanda. Huminga na lang siya ng malalim at nag log out na. Natutuwa siya na denidefend siya ni Luvdix pero ayaw niya talaga yung mga ganuon usapan, hanggat maaari ay ayaw niya ng gulo.

Nagulat siya ng maramdaman ang pag sandig nito sa kanyang balikat pero nakatutok pa din ang mga mata sa nilalaro nito.

"She deserved it, wala akong hindi magandang sasabihin kung hindi niya sinabi iyon." Napatingin siya sa katabi ng bigla itong magsalita. "Ayoko ng ginaganun ka dahil ako talaga ang makakalaban nila." Malamig na saad nito. Napatingin na lang siya kina Karl at Miles. Nagkibit balikat lang ang ito na parang ipinaparating sa kanya na Si Luvdix Klien yan eh.

Hindi na lang siya nag salita. Baka pag awayan pa nila iyon eh pero nagulat sila ng biglang magtilian ang mag estudyante doon. Kahit si Luvdix ay bahagya ding napatalon sa upuan at iisa lang ang direkson na tinitingnan ng mga estudyante doon ngayon at iyon ay ang nasa likod nila. Kaya nagtatakang napatingin siya sa taong nasa likod nila at ganuon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"Hello bestfriend." Saad nito.


My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon