4

19.2K 361 9
                                    

"Anak hindi ba sobra na yang ginagawa mo?" Napaangat siya ng mukha. Nakasubsob kasi siya sa tambak na school papers ni Luvdix dahil nasa Boracay ang binata kaya siya ang nakatoka sa mga gawain nito.

"Ma kaya ko naman ito eh, tsaka madali lang to." Paninigurado niya sa kanyang Ina. Hindi lingid sa kaalaman ng ginang na halos si Ivanie na ang gumagawa ng mga assignments ni Luvdix. Noong una ay wala lang sa kanya iyon pero nitong mga nagdaang araw ay halos gabi na umuwi ang dalaga at may mga dala pang mga papers.

"Anak mahal mo ba talaga si Luvdix?" Ngumiti si Ivanie at mabilis na sumagot sa Ina.

"Oo naman Ma, wala akong ibang minahal na lalake kung hindi si Luvdix lang. Tsaka alam niyo naman mo na naging man hater ako simula ng iwan tayo ni Papa, tanging si Luvdix lang ang nagpabalik sa akin na buksan ang puso ko." Malungkot na hinawakan ni Sylvia ang buhok ng kanyang anak. Hindi niya masisi na hindi mag tanim ng sama ng loob ang kanyang anak sa tatay nito pero pinipilit niyang palabutin ang puso ng anak.

"Anak makining ka." Umupo ang ginang sa maliit na kama ng anak. Maliit lang ang kanilang inuupahang bahay dahil tuwing umaga ay nasa mansyon siya ng bahay ng best friend ng anak niya dahil isa siyang katulong doon. "Wala naman akong problema para kay Luvdix pero sana dahan-dahan lang kung baga, mahalin mo siya pero mag-tira ka ng isang porsyento sa sarili mo. Bata ka pa at madami pang pwedeng mangyari."

"Ma kung nag-aalala kayo na baka saktan ako ni Luvdix ay nag kakamali po kayo. Mahal po ako non kahit topakin yun, tsaka hindi kami magtatagal ng ganito kung hindi namin mahal ang isa't-isa." Paliwanag kaagad ni Ivanie.

"Nag papaala-la lang ako anak. Mahal kita at kaya ko sinasabi sa iyo ito ay dahil ayoko sa huli ay ikaw ang masaktan. Masarap mag mahal pero masakit kapag nasaktan. Sige na tapusin mo na iyan at ako'y matutulog na." Nasundan na lang ng tingin ni Ivanie ang ina. Alam niya naman na hindi siya saskatan ni Luvdix.

Agad niyang kinuha sa bag ang cellphone para madismaya dahil wala man lang text messages galing kay Luvdix.

My half, kamusta jan? Kumain ka na ba? Wag kang mag papagutom huh. Mag enjoy ka lang jan my half. Good night and I love you.

Sent

Pero ilang minuto na niyang na send ang mensahe pero walang reply mula rito. Napabuntong hininga na lang siya at nag desisyon na tapusin ang school papers ni Luvdix.

From: My half

Ginagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo?

Napakislot siya ng tumunog ang cellphone at dali-daling binasa.

Yes my half. Actually malapit ko na siyang matapos.

Sent

From: My half

Good. The best ka talaga my half, don't worry at may pasalubong ako sayo pag uwi namin. Sige na matutulog na ako. Good night my half.

Kinilig ng sobra si Ivanie sa pagiging sweet ni Luvdix. Minsan lang maging sweet iyon kaya sobra ang kilig na nararamadaman niya.

My half advance thank you pero ikaw lang sapat na, makita lang kita ay masaya na ako. Na motivate tuloy akong tapusin itong paper works mo. Okay good night my half, I love you.

Sent

May ngiti sa labi ni Ivanie habang pinapatuloy ang mga school works. Alang-alang kay Luvdix ay gagawin niya ang lahat kahit mapuyat man siya kung kapalit noon ay ang kasayahan nito.

-----

Napailing na lang si Luvdix sa kakornihan ni Ivanie at mabilis iniligay ang cellphone sa bulsa. Nasa isang bar sila sa boracay ngayon at puro chill-chill lang ang ginagawa nila. Syempre hindi mawawala ang mga babae at yayariin niya ang babaeng nakakandong sa kanya ngayon.

"Sino yun Luvdix?" Tanong ng babae.

"Girlfriend ko." Balewalang sagot niya habang busy ang mga kamay sa balakang ng babae. May nabubuhay na halimaw sa pag katao niya ngayon at hindi pwedeng hindi niya mailabas iyon.

"What may girlfriend ka pala?" Gulat na tanong ni Jessica, Ericka, franchesca...ah basta may ca sa dulo.

"Yes...but don't worry kung ano ang mangyayari mamaya ay hindi malalaman ng girlfriend ko. Nasa Manila yun tsaka may tiwala sa akin yun." Ngiting demonyong saad niya.

"Ang bad mo Luvdix ah..pero buti na lang wala dito ang girlfriend mo...walang disturbo sa gagawin natin mamay." Malanding saad ng babae. Akmang maghahalikan na sila ay biglang nang gulo si Karl.

"Luvix, alalahanin mo si Ivanie." Tinaasan niya lang ang kilay nito na nais iparating "Wag kang epal Karl." Kahit kailantalaga ang isang ito, lagi kontra bida.

"Gago ka talaga pre. Picturan kaya kita jan at ipadala ko kay Ivanie." Panakot pa nito kaya natawa na lamang siya.

"Gago, mabilis lang bolahin ang isang yun. Konting lambing ko lang non ay okay na agad kami kaya wag ka ng mag sayang ng panahon pa. Tsaka nakikinabang ka din naman ah kasi siya ang gumagawa sa paper works natin kaya wag kang ulol pre. Ako ang nag sasakripisyo kaya makisama ka na lang." May bahid ng inis na saad ni Luvdix.

"P-pero nakakaawa si Ivanie eh....nagpapakahirap ang tao ngayon habang ikaw..." Ayaw pa din sumuko ni Karl.

"Oh ano? Gusto mong hiwalayan ko na si Ivanie para wala ng gagawa sa mga gawain natin? Sus kayo din, sabay-sabay tayong babagsak pre alam mo naman na tamad tayo. Kung tutuusin wala na ako pwedeng patunayan kay Dad pero ewan ko lang sa inyo?" Si Miles naman ay parang walang pakealam sa kanila. Parehas talaga sila ni Miles, happy go lucky.

"Bahala ka." Ngiting panalo si Luvdix.

Lumabas na lang ng bar si Karl at iniwan ang dalawang kaibigan. Actually kaya naman nilang gawin yun, matatalino sila pero yun nga lang tamad. Mas inuuna nila ang chill-chill. Pero sa totoo lang ay natakot siya ng sabihin ni Luvdix na hihiwalayan na nito si Ivanie. Kawawa ang babae sa huli dahil alam niyang mahal na mahal nito ang kanilang kaibigan.

Napakabait ni Ivanie para gaguhin lang ni Luvdix. Napabuga na lang siya ng marahas at nagsimulang maglakad papaunta ng hotel suite nila. He hate what Luvdix doing behind Ivanie's back.

He hope that someday Luvdix notice the diamond on his hand before it slip away...


My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon