9

18K 346 6
                                    

Natutuwa si Ivanie habang nag luluto siya ng dinner para kay Luvdix, nakikita niyang nag re-review ang binata. Seryoso nitong binabasa ang mga libro, pakiramdam niya tuloy ay isa siyang nanay na masayang-masaya sa anak dahil sa wakas ay nag aaral na ito.

"Hey tara kain na tayo." Tinapik niya ang likod nito. Pero sa halip na tumayo ay kinuha nito ang kanyang kamay at hinalik-halikan.

"Hey may kamukha ka?" Biglang saad nito. Bahagya tuloy siyang na conscious sa kanyang anyo. May suot pa siyang apron at bahagya pang nag alpasan ang mga hair strands niya.

"Sino?" Parang alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Yung katulong namin sa Mansyon. 


"Wait inaalala ko pa kung sino huh..ammm....nasa dulo na ng dila ko eh." Nakahawak pa ang kamay nito sa baba na tila maamong tupa na nag iisip.

"Kunin mo na lang kaya sa dulo ng dila ko." Biglang saad nito at bahagya pang inilabas ang dila. Ang sexy nito tingnan kaya. Napaka pilyo talaga.

"Tumayo ka na jan at kakain na tyo." Sa halip ay sagot niya.

"Ayan na, naalala ko na My half." Tuwang-tuwa ito.

"Sino? Yung katulong niyo sa Mansyon?" Inunahan na niya.

"Uy grabe ka My half huh...hind no."

"Eh sino nga?"

Ngumiti muna ito ng matamis bago sumagot. "My future wife...yeah you really look like my future wife." Hindi siya naka imik sa sinabi nito.  "Wearing apron, then she'll approach me for our dinner. She looks messed with her hair, but pretty mess." Hindi pa din siya makaimik dahil parang may nakabara sa lalamunan niya.

"Kaso may kulang."

"A-Ano?" Sa wakas ay nahanap na niya ang kanyang boses.

"Our children...many kids were playing. May kamukha mo at kamuka ko. Ang saya siguro non no?" Parang nag ni-night dreaming ito bigla na tila pinipicture out nito ang mga pangyayari sa isipan nito. Grabe na talaga ang sinasabi nito.

"Tara na. Baka lumamig na yung pag kain." Hinila na niya ito papalapit sa mesa.

"Eh bat parang hindi ka natutuwa sa sinabi ko?" Biglang saad nito ng maka-upo sa upuan.

"Ano ang nakakatuwa doon?" Sagot niya pero sa totoo lang ay sobrang saya niya ngayon. Naiisip na pala nito ang mga bagay na iyon kaya ibig sabihin ay seryoso talaga ito sa kanya.

"Wow My half ang hard mo huh! Wag mong sabihin na ayaw mong mag-kaanak sa akin?" Muntik na niyang maibuga ang tubig na ininom. Ng mapatingin siya kay Luvdix ay parang bad trip na ito kaya nataranta tuloy siya. Ayaw na niyang bumalik ito sa laging mainitin ang ulo.

"Ilan ba ang gusto mong anak? Dapat konti lang kasi mahirap manganak no." Saad niya. Maya-maya ay seryoso itong nag iisip.

"Okay kahit anim na lang my half." Parang gustong lumuwa ng mata niya sa narinig.

"Okay ka lang? Sobrang losyang na ako non my half tsaka hindi madaling manganak no, kala nito." Angal niya.

"Okay sige apat na lang. Last na yun my half, wala ng tawad yun huh."

"Okay deal." Sang-ayon niya.

"Wait..." Tumayo ito bigla at may kinuhang papel at ballpen. Maya-maya ay may isinulat ito at pinirmahan.

"Oh ikaw naman." Natawa siya sa sinulat nito.

LETTER OF AGREEMENT

IVANIE GOMEZ AND LUVDIX KLEIN WILL HAVE THEIR FOUR (4) KIDS IN THE FUTURE. BOTH SIDE ARE AGREE ON THIS AGREEMENT AND SIGNED ON THE SAID DATE.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon