31

20.3K 410 16
                                    

Kanina pa palinga-linga si Luvdix. Where is she? Ang alam niya inimbitahan ito ni Miles. Possible kaya na hindi ito pumunta kasi nandoon siya? Nalungkot siya at parang sumikip bigla ang dibdib niya. Wala na siyang magagawa nasaktan na niya ang dalaga ang tanging magagawa niya ay mapalapit ulit dito.

"Sino na naman yang hinahanap mo huh?!" Napatingin siya sa dirkesyon na maingay at nanlaki ang Mata niya.

"Gago kelan ka pa dumating?!" Natawa naman ito sa sinabi niya. It was Gun Savion Dun.

"Tragis kahapon lang. Grabe wala pa ding pinagbago ako pa din pala ang pinaka gwapo sa ating apat." Saad nito, he rolled his eyes.

"Lul hindi ako baba sa termino ko na pinakagwapo hanggat walang pruweba. Patawad kaibigan nabigo ka sa iyong hangarin."Biglang sabad ni Miles na lumapit na din sa kanila.

"Sige na ipapaubaya ko na sa inyo yan total sa realidad ako naman talaga ang pinakagwapo sa atin." Pinagtulungan nilang suntukin si Karl. Natigil lang ang kaguluhan nila ng dumating si Miyu.

"Hoy tigilan niyo nga si Karl at kayo ang pagtitirisin ko Jan eh." Napatingin sila lahat pero natigilan siya ng makita ang babaeng kanina niya pa hinahanap. Nakangiti ito pero hindi sa kanya nakatingin kung hindi kay Gun. Napatingin siya kay Gun at nakangiti din ito kay Ivanie. Puta masakit!

"Ivanie...nice to see you again." Rinig niyang saad ni Gun. Akmang sasagot na sana si Ivanie ng bigla itong inunahan ni Miles.

"Paanong magkakilala kayong dalawa?!" Tanong ni Miles.

"Actually kanina lang Miles." Tumango-tango naman si Miles at noon niya lang napansin na sa kanya na pala natingin ang lahat, sa wakas ay napansin din siya ni Ivanie na halatang nagulat ng makita siya.

"Ang mabuti pa ay magkantahan tayo guys."Biglang saad ni Miyu at akmang susunod na sana sila rito ng biglang dumating si Candice. Isa pa pala ang babae na ito na pinoproblema niya. Mabilis itong lumapit sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Sa gilid ng kanyang Mata ay nakita niya ang pag iwas ng tingin ni Ivanie at nagpatiuna na lang ito pero hindi niya nagustuhan ang pagsunod ni Gun rito.

***

Mabilis siyang umiwas ng tingin ng makita niyang hinalikan ni Candice si Luvdix. Tapos na sila at wala na siyang karapatan na mag selos pa. Wala sa loob na nagpatiuna na lamang siya.

"So ex mo pala si Luvdix?" Hindi na siya nag abalang lumimingon dahil kilala niya ang boses na iyon. Na-upo siya upuan.

"Okay kung ayaw mong pag usapan ay mabuti pang kumanta na lang tayo." Ikinurap-kurap niya ang kanyang mata sabay iling.

"H-hindi ako marunong kumanta eh." Pag sisinungaling niya. Baka maiyak pa siya kung kakanta siya, muling nagawi ang tingin niya nila Luvdix at papalapit ang mga ito sa pwesto nila.

"Eh ano gusto mong gawin?" Napatingin siya muli rito, papalapit na sila Luvdix at kailangan na makagawa siya ng paraan na makaalis siya doon. Ewan niya din sa Gun na ito at siyang ang kinukulit samantalang ang daming Babae ang nakatingin rito at mas magaganda pa kesa sa kanya.

"Swimming." Mabilis niyang saad ng saktong makaupo na ang grupo nila Luvdix na kaharap na niya ngayon.

"Gusto mo mag swimming Ivanie? Sige hiramin mo muna ang Miyu ko." Saad ni Karl. Umiling siya.

"A-ah wag...." Akmang magsasalita.

"Wag na Karl. Ako kasi ang inaaya ni Ivanie. Diba vanie?" Napaawang siya hindi dahil sa sinabi nito pero dahil sa bigla nitong paghubad ng damit.

One, two, three, four, five, six, seven....eight!!!  Eight na pandesal sa tiyan nito. Grabe ang abs.

"Na starstruck yata si Ivanie sa abs ni Gun." Natatawang saad ni Miyu kaya napayoko siya bigla. Takte nakakahiya! "Diba Luvdix? Mukhang bagay silang dalawa?" Nag angat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ng seryosong mukha ni Luvdix.

"It's not my business anyway." Umiwas siya ng tingin. Wala na nga talaga itong paki sa kanya. Napatingin siya kay Candice na agad naman uniwas ng mahuli niya itong nakatingin. Oo nga naman may Candice na ito at ichapwera na siya. Ano lang ba ang isang pidangga sa isang super model na pinapangarap ng mga kalalakehan sa buong mundo. Sumikip ang dibdib niya sa kanyang naisip.

"Then it will be my business." Biglang saad ni Gun sa kanya sabay ngiti. "Probably Ivanie will be my business now." Nagtatanong na mukha ang na ibinigay niya kay Gun pero kinindatan lang siya ng lalake.

Inilahad ni Gun sa kanya at kahit na nalilito ay tinanggap niya iyon. Pero sabay yata silang nabigla. Alam niyang parehas na natigilan silang dalawa ng maglapat ang kamay nila. Sino ka ba talaga Gun?

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon