11

18.4K 337 2
                                    

"Why aren't you answering my calls either my messages?" Mapanganib na tanong ni Luvdix sa kanya  matapos na magkita sila sa isang coffe shop na nasa labas lang ng school. Tapos na din kasi ang klase ng binata. Napalunok siya dahil first time niyang nakita ito'ng ganuon, well lagi naman itong galit pero iba ngayon.

"Amm..k-kasi hindi ko namalayan." Totoo naman eh, hindi niya namalayan ang mga calls at text nito. Tsaka nawili siya kausap si Tyron kaya hindi niya narinig ang ring tone niya. "Hinatid ako ni Tyron." Pero mali yata na sinabi niya pa iyon dahil mas lalong sumama ang mukha nito sa kanya. "Nag-magandang loob lang ang kapatid mo my half." Dagdag niya dahil kinakabahan na siya.

"So ganun? Pag siya naghatid okay lang? Tapos ako hindi? Kaya siguro ayaw mo mag pahatid ay dahil nag usap na kayo no?" Kunot na kunot ang noo nito. Pero sa halip na magalit sa sinabi nito ay ngumiti siya.

"Ano ang ngingiti-ngiti mo jan? May nakakatawa ba huh?!" Umiling siya.

"Ang cute mo kasi mag selos my half eh." Natatawa niyang saad.

"Huh?! Ako mag seselos sa gong gong na iyon? Nah never!" Umiba pa ito ng tingin. Cute talaga nito pag nag seselos, tapos in denial pa.

"Okay. Sabi mo yan my half eh." Sagot niya at tuwang-tuwa pa din sa asta nito.

"Stop smiling. Hindi nakakatuwa Ivanie." Sumeryoso na siya.

"Tsk. My half kahit sobrang dami nag gagwapuhan lalake jan sa tabi ay iba pa din ang gusto ng puso ko. Lage ko silang kinokompara sayo dahil mas perfect ka para sa akin though topakin ka ay kasama ko iyong minahal. Kaya my half wag ka ng jelly kay bayaw huh. Mas love kita kaya." Saad niya at isinandig ang ulo sa balikat nito. Hindi umimik si Luvdix pero inilagay nito ang mga braso sa likod niya para akbayan siya.

"T-tsk. H-hindi ako nag seselos doon no. Mas gwapo kaya ako doon. Tsaka alam ko naman na ako lang ang mahal mo eh kaya nga kampante ako." Napangiti siya sa sinabi nito.

"Perfect my half."

"Pero sa susunod, ayoko ng malaman na sumasama ka sa kanya. Ayoko ng nakikita na kasama mo siya o kahit sinong lalake. Dapat ako lang! Naiintindihan mo?" Sus hindi daw nag seselos pero grabe nag mga bilin.

"Okay. Copy my half."

"Good."

"Teka. Gusto mo bang sumama?" Tanong nito maya-maya.

"Saan?" Balik niyang tanong.

"May outing kami kasama ng mga kaibigan ko, sa Batangas lang naman mga one night lang tayo doon." Nagulat na naman siya dahil unang beses siya nitong inaya sa mag outing nito.

"Sige my half sama ako." Excited siya dahil sa wakas makakapag out of town na sila ni Luvdix at syempre makaka bonding niya ang mga kaibigan nito. Maya-maya ay naramdaman na niya ang kamay nito sa kanyang likuran kaya bahagya siyang napaatras sa kinauupuan. Parang may alam na kasi siya sa susunod nito na gagawin at madami pa naman tao sa paligid.

"What?!" Patay malisya nitong tanong dahil pinanlakihan niya ito ng mata.

"Madaming tao." Mariin niyang saad.

"Huh? Bakit? Hinawakan ko lang ang likod mo ah, anong masama?" Medyo napahiya siya doon kaya hindi siya umimik.

"Tsk. Joke lang. So pag tayong dalawa lang pwede? Huh?" Tanong nito sa kanya.

"Bakit nag papaalam ka ba kung ginagawa mo iyon?" Balik niyang tanong rito.

"Hindi..Bakit naman ako mag papaalam?" Ugali nga naman ng lalake'ng ito, sarap tirisin kung hindi niya lang mahal talaga.

"Eh di hindi na mag papaalam." May bahid na inis na saad niya. Kapikon eh!

"Hindi ako mag papaalam kasi..." Binititn pa nito ang sasabihin habang titig na titig sa kanya. Dumukwang ito para halikan ang noo niya. "Kasi pag-aari ko ito..ito..ito at ito." Hinalikan siya sa pisnge, sa ilong at sa kanyang labi. "This is my teretorial and mine only. Naiintindihan mo ba yun Ivanie Gomez?" Parang wala sa sarili na tumago siya.

"Good." Saad nito habang siya ay parang natulala at nakalimutan ang mga tao sa paligid. She noticed that Luvdix never fails to amuse her. He changed, yes a very good changed. Mas lalo siyang nahuhulog sa boyfriend niya eh.

"Oh natahimik ka na?" Isang simpatikong ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

"A-Ah g-galing mo kasing mag pakilig eh." Natuptop niya ang kanyang bibig pero huli na dahil narinig na ng binata.

"You are so cute my half." Kinurot-kurot nito ang pisnge niya.

"HEY LOVE BIRDS IN THE SAME FEATHER FLOKS TOGETHER." Bigla na lamang sumulpot sa kung saan ang dalawang kaibigan ni Luvdix. Umupo pa ang mga ito sa harapan nila habang may bitbit na frappe.

"Storbo!" Malamig na saad ni Luvdix.

"Pre wag mo naman kaming ganyanin. You know it hurts." Umakto pa si Karl na nasasaktan. "Hey Ivanie, kamusta?" Bati nito sa kanya.

"Okay lang naman Karl, kayo kamusta na?" Balik niyang tanong.

"Never been okay Ivanie." Sagot ni Miles. "So sama ka this week end Ivanie?" Tanong nito.

"Oo sama ako para makapag-bonding naman tayong lahat." Sagot niya.

"Tsk, ayoko nga. Tayo lang ang mag bobonding Ivanie." Masungit na saad ni Luvdix. Natawa na lang siya sa isip bata na akto nito.

"Sinasabi ko sayo Ivanie, hindi ganyan yan noong bata pa yan. Anong pinakain mo at ang mean sa amin palagi?" Si Karl na binato pa ng tissue si Luvdix pero gumanti naman ang huli.

Natawa na lang siya ng nakigulo na din si Miles. Pero nakatutok lamang nag kanyang mga mata kay Luvdix kung paano ito tumawa ng hindi makaganti si Miles pabalik dahil pinag tulungan na ng dalawa. Sino ang mag aakala na ang tatlong ito na sikat sa school nila ay may itinatagong kaisipang bata.

Swerte niya lang at nasaksihan niya iyon.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon