14

17.7K 323 7
                                    

Biglang napabalikwas ng bangon si Ivanie ng maramdaman na hindi na siya makahinga. Laking gulat niya ng makita si Luvdix sa tabi niya na sa malas ay tulog na tulog.

Kaya pala hindi na siya makahinga dahil halos kalahati ng katawan ng binata ay nakasampa sa kanya.

Noon niya lang napansin na nasa suite na sila, suite ni Luvdix. Paano kaya siya nito dinala rito ng hindi nagigising? Galit pa din kaya ito sa kanya?

Bumalik siya sa pagkakahiga at pinagmasdan ang gwapong nilalang na mahimbing na natutulog.

Luvdix Klien. 

This man.

"My half." Bulong niya rito. Bahagya siyang napangiti ng kumunot ang noo nito, pati ba naman sa pagtulog into ay nagsusungit ito.

"You're lying next to me... And I'm a half a sleep wandering what I did to deserve this moment..to be with you. And while you're here beside me breathing easily, all I can think about is what I can do tomorrow to be better for you than I was today." Saad niya habang kinuha ang kamay ni Luvdix at marahang hinalikan.

Minsan natatakot na siya. Masyado na niyang mahal ang lalakeng ito higit pa sa sarili niya. Possible palang magmahal ka ng higit pa sa sarili mo no? Proven na niya kasi eh.

"I love you my half." Kinintalan niya ito ng halik bago siya tuluyang tumayo para lumipat sa sariling suite niya.

Bukas kakausapin niya ito. Ayaw niyang galit ito sa kanya dahil hindi siya matahimik.

Palakad na siya papunta sa kwarto niya ng mapansin ang isang magazine sa mini sala ng suite ni Luvdix.

Napangiti siya ng si Candice ang pabalat non...Pero teka bakit may magazine doon? Ah baka complementary na ng hotel. Alangan naman si Luvdix ang may dala non. Natawa siya sa naisip. Impossible.

...

Biglang napabalikwas ng bangon si Ivanie ng maramdaman na hindi na naman siya makahinga. Laking gulat niya ng makita si Luvdix sa tabi niya na sa malas ay tulog na naman.

Teka...P-panong..b-bakit katabi niya si Luvdix?  Ang naalala niya ay lumipat siya sa sariling suite. Panaginip lang ba iyon?

Pero Hindi..suite niya na ito. Lumipat si Luvdix?

"Ivanie...wag kang malikot. Inaantok pa ako." Inis na saad ni Luvdix na nakasubsob ang mukha sa unan.

"A-ay sorry... teka bat ka nandito sa suite ko?" Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. Tumayo na lang siya para kumuha ng damit at ng mapatingin siya sa comfort room ay napasimangot siya.

Pano 'to? Yung comfort room kitang-kita lalo na kung gagamitin niya ang bathtub. Bakit kasi ganuon yung style non eh. Ah makikiligo na lang siya sa suite ni Luvdix.

"Ehem..My half." Gising niya rito para mag paalam na makikiligo siya sa suite nito.

"Ahmm." Ungol lang nito pero takte bakit iba yata ang dating ng ungol nito sa kanya.

Litsiii Ivanie huh! Yang utakers mo na po-pollute na. Umayos ka!!

Kastigo niya sa sarili.

"A-ah kasi My half..ano kasi, makikigamit lang Sana ako ng banyo mo kasi maliligo na ako." Pag papaalam niya sa binata.

"Bakit makikigamit ka pa? May sarili ka na mang bathroom." Tuluyan ng nagising ang binata. Kahit bagong gising ang gwapo pa din kaya crush na crush niya pa din ang kasintahan eh.

Pero balik tayo sa kasalukuyan. Hindi niya tuloy mabasa kung ang tumatakbo sa isipan ni Luvdix dahil poker face ito.

"Okay lumipat ka na lang sa suite mo para makaligo ako." Suhestyon na lang. Aba siniswerte ito, free watch habang naliligo siya? Hindi porket baliw na baliw siya rito ay papayag siya. Kailangan niya munang pag isipan. dejoke

"Ayaw. Sige na maligo ka na at manonood ako." Nanlaki ang Mata niya at naglalaro naman ang nakakalokong ngiti sa labi ni Luvdix.

"Ano ka sini...Ay kalabaw!!" Bigla siya binuhat ni Luvdix at dinala sa bathroom.

"Luvdix Klein!!" Tili niya ng buksan nito ang shower at nabigla siya sa sobrang lamig ng tubig.

"Sabay na tayo maligo para mapaliguan kita. Amoy mandirigma ka na my half." Natatawang saad nito. Abat Amoy mandirigma daw siya?

Patuloy pa din ang pagbuhos ng shower sa katawan nila.

"Kapal nito.Kala mo hindi ka din amoy mandirigma? Mahal lang kita kaya tinitiis ko ang amoy mo." Ganti niya rito. Pero kasinungalingan lang iyon dahil takte, laging mabango si Luvdix.

"Ah ganun huh!" Mapanganib na saad nito tsaka siya kiniliti. Halos mapaupo na siya sa tiles sa sobrang tawa. Maiyak-iyak siya ng tigilan na siya ni Luvdix.

Basang-basa na sila ni Luvdix. Hingal na hingal siya at ng mag angat siya ng tingin rito ay ang labi nito ang sumalubong sa kanya.

She had no choice but to close her eyes and to feel his kiss. She wrapped her hands through his neck when he pinned her to the wall. They both didn't mind the cold water running into there bodies, all they care is there passionate kisses.

Siya na mismo ang tumulak rito dahil Hindi na siya makahinga.

She saw lust into his eyes, kaya napalunok siya.

Bakat na bakat na sa damit ni Luvdix ang abs nito.

"Do you want to this Ivanie?" Biglang tanong nito.

"Marry me first." Nagulat siya sa lumabas sa bibig niya. Nakita niya din na natigilan si Luvdix at unting-unti nawawala ang desire na nakikita niya sa mukha nito kanina. Tila bigla itong napaso sa salitang kasal.

"Go take a bath. I'll just wait you at the lobby." Sàad nito bago tuluyang umalis sa bathroom. Naiwan naman siyang tulala.

"Hay tanga mo Ivanie." Batok niya sa sarili, nabigla niya yata si Luvdix.

So it means that he doesn't want to marry me? Huwag naman sana!

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon