7

18.5K 332 4
                                    

"Ah!.." Impit niyang tili. Nagulat na lang siya ng biglang may humila sa kanya sa library kung saan ay naghahanap siya ng books sa shelves. "M-my ha...hmmp!" Naputol na ang sasabihin niya ng tuluyan ng bilanguin ng mga labi ni Luvdix ang labi niya. Pilit niyang pinapagana ang utak lalo na at nasa library sila, baka may makakita sa kanila at yari sila.

"I miss you...I miss your lips." She rolled her eyes. Simula ng halikan siya nito dalawaang linggo na ang nag daan ay basta-basta na lang ito nanghahalik. Walang patawad kahit saan man silang lugar, kaya siya ang kinakabahan eh. Paano kung may makakita na prof? Panigurado sa office ang bagsak nila.

Isinandig siya nito sa isang shelves at buti na lang ay nasa pinakadulo sila ng library.

"B-baka may makakita sa atin!" Marahan niyang itinulak ang binata pero mas lalo yatang na turn on ito sa pag angal niya, lalo nitong idinikit ang katawan sa kanya. Ang lapit ng mukha nila kaya hindi niya maiwasan na igala ang kanyang mga mata sa gwapong nilalang na ito.

Ang mga mata nito na parang laging nangungusap, ang ilong na kay tangos na minsan ay naisip niya na baka nag paretoke ito sa sobrang perpekto, at ang mapupulang labi nito. Alam niyang naninigarilyo ang binata at nakakapagtaka kung bakit mapula pa din ang labi nito.

"My half, wag mo akong tingnan ng ganyan at baka matunaw ako." Namula siya sa sinabi nito kaya umiwas siya ng tingin rito pero ng ma realize na boyfriend niya naman ang binata ay nakipaglaban siya ng tingin rito.

"Ang gwapo mo pala, may girlfriend ka na ba? Kung wala, tayo na lang." Saad niya. Kunwari hindi niya kilala ang binata.

"May girlfriend ako eh." Kunwari na sumimangot siya at sinabing "Sayang". Nagulat siya ng dahan-dahang tanggalin ni Luvdix ang salamin niya sa kanyang mga mata. Akmang aangal siya pero pinatahimik siya nito sa isang halik. Daya. "Pero kung ikaw lang din naman ipapalit ko sa girlfriend ko ay pwede na. Alam mo ba yung girlfriend ko na yun ay napaka talino tsaka mabait. Pero mas gusto na yata kita eh, kaya iiwan ko na iyon para tayo na." Napahagikgik siya ng tawa sa kalokohan na sinasabi nito.

"Kawawa naman siya." Pasakay niya sa biro nito.

"Hindi siya kawawa dahil matapang siyang babae. Mas matatag pa nga loob non kesa sa akin kaya kung iiwan ko siya alam ko na kakayanin niya. Alam mo ba nakakainggit ang papalit sa akin dahil nasa kanya na ang lahat. Though, may pagkamanang ang isang yun pero alam ko na madaming may gusto doon. Kaya kung iiwan ko siya alam ko na makakayanan niyang wala ako....at mahahanap niya ang taong magmamahal sa kanya ng totoo." Natigilan siya ng seryosong nag sasalita si Luvdix. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang mga luha. Natigilan din si Luvdix sa nakitang luha at nataranta ito bigla.

"H-hey..." Akmang pupunasan nito ang kanyang mga luha pero umiwas siya.

"A-akin na yang salamin ko." Kinuha niya iyon sa binata at akmang iiwan na sana niya ito.

"Hey I was just joking. Ikaw nag simula nito diba?....shh tahan na." Pang-aalo nito at niyakap siya. Natakot siya bigla sa sinabi ng binata, para kasing totoo ang ipinapahiwatig nito.

"H-hindi ko kaya." Saad niya bigla.

"Ang alin?" Tanong nito. Tumingin siya sa mga mata ng binata.

"Hindi ko kaya na iwan mo ako. Hindi ako matapang kung wala ka..hindi ko kaya. Wag mo akong iwanan please hindi ko talaga kakayanin yun. Ayoko..ayoko na dumating yung pag kakataon na..na...na lalagpasan mo ako tapos parang estranghero na lang tayo sa isa't-isa. Hindi ko kaya mabuhay ng hindi ka na sa akin...hindi ko kayang makita na pagmamay ari ka na ng iba."  Humagulhol na lang siya. Iniimagine niya pa lang na mangyayari iyon ay para na siyang pinapatay.

Natigilan naman si Luvdix habang pinagmamasdan ang dalagang umiiyak sa dibdib niya. Parang nginangatngat ang dibdib niya at naguguilty.

"Ipangako mo na hindi...hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari Luvdix." Hilam na ang luha sa mga mata ni Ivanie. Takot na takot ang dalaga na baka nga iwan siya ng binata. "P-Please."

"O-Oo..nangangako ako." Kumalma naman si Ivanie sa sagot ng binata pero nakayakap pa din ito. Habang si Luvdix naman ay natigilan, kaya niya ba talaga na wag iwan ang dalaga? Paano kung...paano kung..

"Mr. Klein and Miss Gomez! What are you two doing here?" Sa sobrang gulat nila ni Luvdix ay sabay silang nag layo sa isa't-isa. Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha. Kinabahan siya ng makita si Miss Lavignia na isang librarian, baka ipadala sila ni Luvdix dahil sa PDA.

"Miss Lavignia, we are so sorry for mentioning us in this deed." Si Luvdix ang sumagot.Tumaas ang kilay ni Miss Lavignia. Pero sa isip-isip ng Miss kung ipapadala nito sa office ang binatang Klein ay baka i-pull out pa ng mga Klein ang shares nito sa School na iyon. Kaya bibigyan niya na lang nang warning ang mga ito.

 "Ayoko ng maulit ito. This is warning for both of you and when I saw you once more. Understand?" Saad ni Miss Lavignia.

"Yes Miss." Sabay na sagot nila ni Luvdix at umalis na ang Miss. Ng tuluyan ng nawala sa kanilang paningin si Miss ay nakatitigan sila. Nakaramdam ng hiya si Ivanie sa inakto kanina pero kasi nag pakatotoo lang talaga siya. Si Mama, Candice at si Luvdix ang importanteng tao sa buhay niya at hindi niya kakayanin kung may mawala man lang sa isang sa mga iyon.

"Tara na. Mag lunch na tayo. May class ka pa mamaya." Aya sa kanya ni Luvdix at inakbayan siya. Simula talaga ng araw na halikan siya nito ay naging extra sweet na ito sa kanya. Hindi na din ito laging nakasimangot or mainit ang ulo pero ang nakakatuwa sa lahat ay pinipilit nito ang sarili na gawin ang mga school papers pero with guidance niya pa din.

Totoo talaga ang pinapaniwalaan niya noon. Love is Hope and Love is Patience. Alam niyang may pagkatamad ang binata lalo na sa school pero hindi siya nawalan ng pag asa na mag babago ito. Never niya itong sinukuan kahit sobrang init ng ulo nito or minsan hindi siya sinisipot sa usapan nila.

Masakit iyon dahil pakiramdam niya minsan ay hindi siya mahal ng binata pero kasi sa Love kasabay ang pain non. Kung nag mahal ka ay dapat handa ka ding masaktan. Mahal niya ang binata kaya hangga't kaya niyang e-endure ang pain ay kakayanin niya.

"My half." Saad niya.

"Oh?"

"Totoo ang  pangako mo na iyon? Hindi mo ako iiwan?" Muli niyang tanong.

"O-Oo naman My half." Lumawak ang ngiti niya.

"Salamat. Panghahawakan ko ang pangako mo." Masayang naglakad na sila palabas ng Library pero hindi na niya nakita ang paglunok ni Luvdix at bahagyang nagpawis ang noo nito kahit centralized ng aircon ang school.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon