Chapter 9

424 14 0
                                    

Paisley POV

Arrggh ang sakit ng ulo ko hinihilot ko yung sentido ko at sumandal sa head bored ng kama.

Teka pano pala ako nakauwi dito? Si sky....

Flash back

Ma's lalo akong nawala sa sarili ko ng mas pinalalim ni sky ang paghalik niya sakin tutugon din sana ako ng bigla siyang tumayo at iniwan ako na dissapoint ako at para akong iiyak.. Ano? Ganon na lang yun?

Imbes na tatayo diretso ko na lang nilagok yung alak na nasa bote at parang tubig lang yun sa paraan ng pag inom ko.

Its been 20 minutes pero hindi parin bumalik si sky kaya sinikap kong tumayo kahit nahihilo na ako.

"Oucchh!!" Sabi ko ng nabangga ako ng isang babae.

"What the? Tignan mo anong ginawa mo sa damit ko!" Galit na sabi ng babae.

Wow damit lang yan te masyado kang maarte bilhan pa kita ng isang box na damit eh arte.

Hindi ko na siya pinansin at tumayo na kumuha ako ng alak sa malapit na lamesa at sinaboyan ang babae.

"Ahhh! Bakit mo ko sinabuyan!" Galit na galit siya na parang kakain ng tao.

"Ha? Ewan ko tanong mo na lang kay st. peter." Umalis na ako bwesit na babaeng yun mas lalo pang sinira ang mode ko.

Nakalabas na ako kaya umupo mo na ako sa tabi ng dagat para mawala ang init ng ulo ko. Alon lang ng dagat at tugtog ng bar ang nakapagingay sa nakakabinging katahimikan dito ng may kakaiba akong narinig.

"Ohh.."

Natakpan ko ang bibig ko ano yun.. tumitingin ako sa paligid pero wala namang tao kaya hindi kona lang pinansin.

"Ohh faster...uhmmm."

Ungol nga yun kinikilabotan ako kaya aalis na sana ako ng...

"Sky..ohh good I miss that ahh!!"

Sky? Ewan ko pero hindi naman ako nasaktan kaya unti unti akong lumapit don sa may rock formation at natakpan ko ang bibig ko.

Sky..may kasamang babae si sky at may ginawa silang milagro..bakit? Pinaasa lang ba ako ni sky?

Hindi naman ako iiyak bakit naman ako iiyak ano sila patay?

Tumakbo akong bumalik sa bar at walang tigil na uminom...

"Hi beautiful." Sabi nong foreigner sakin gwapo naman siya.

"Mmm hi." Nakipagshake hands naman ako sa kanya.

"Don't mind if I joind you?"

Tumango ako.

"Hey Mr. I have a joke gusto mo bang makinig."

"Of course to the beautiful like you." Dumikit naman siya sakin.

"May 3 unggoy nawala ang isa..hinanap nila nasan?"

"In the forest?"

"Hahaha gaga ka." Binatokan ko siya. "Edi nasa tabi ko hahaha."

"Oww.."

"May isa pa bakit daw ang cute ko?"

"Because your beautiful?"

"Enngkkk gaga ka talaga." Sinampal ko na naman siya. "Awww." Dinig kong daing niya.

"Siyempre cute na ako ng fetus pa ako haha."

"Matalino ka ba Mr.?"

"Yes."

My pervet husband tried to rape and kill me Where stories live. Discover now