Chapter 20. Ang Pagkikita

8.4K 337 17
                                    

                                    Napahinto sa paglalakad si Danara ng mapansin na nagtipon-tipon ang kanyang mga kalahi sa lugar kung saan ginaganap ang pagbibigay ni Payhud ng dagdag na kapangyarihan sa mga engkantado na nakapasa sa pagsubok.  Sa lugar din na ito sila ipinapatawag ni Payhud kapag may nais itong sabihin sa kanila. Nakita niyang nanonood si Orkidya kaya nagpasiya itong lumapit para magtanong.

"  May mga binigyan na naman ng bagong  kapangyarihan? " tanong nito sa kapatid.

" Oo," sagot ni Orkidya. " Gaya pa rin ng dati, malalakas na kapangyarihan para sa kanyang mga tapat na alagad. May isang bago na binigyan ng Pana na Aradayon. Hindi ko alam kung ano nakita sa kanya ni Pinunong Payhud pero sa tingin ko ay isa lang siyang mahinang engkantado. "

"  Kalahi ba natin o ibang engkantado?" tanong ni Danara.

" Isa daw Lagawan at tinalo niya sa isang labanan si Dapdap. " sagot ni Orkidya.

" Galing pala siya sa paligsahan ng mga engkanto. Kung tinalo niya si Dapdap, isa siyang napakalakas na engkantado." wika ni Danara. " Wala pang tumatalo kay Dapdap. Siya pa lang ang una."

" 'Yun nga ang usap-usapan. Hindi naman daw natalo si Dapdap. Natuwa lang si Payhud sa engkantadong ito kaya binigyan ng dagdag na kapangyarihan. " sagot ni Orkidya.

" Baka may nakita sa kanya si Payhud na ikinatuwa nito kaya siya ginawaran ng dagdag na kapangyarihan. " sabi naman ni Danara sa kapatid. " Ano daw ang pangalan niya? "

" 'Yun nga ang ikinagagalit ko," sagot ni Orkidya. " Nagbibigay siya ng kapangyarihan sa kung sinu-sino na mga engkantado samantalang 'yung ginawa mo na mismomg kalahi niya ay sinuklian lang niya ng mababang antas na kapangyarihan. Kung totoong hindi naman tinalo ni Lagalag si Dapdap, dapat ay hindi ito binigyan ng dagdag na kapangyarihan.  "

" Lagalag ang pangalan niya? " tanong uli ni Danara. Ngayon lang siya nakarinig ng engkantadong may ganoong pangalan.

" Oo," sagot ni Orkidya. " at ang sabi ng mga nakakita sa kanya ay mukha daw siyang isang mababang-uri. Sige,maiwan muna kita at may gagawin lang ako."

" Sige, Orkidya," sagot ni Danara. Kinabahan siya ng marinig niyang mukhang mababang-uri ang engkantadong si Lagalag. 

Hindi kaya si Angelo ito na nakarating dito sa kanilang teritoryo?

Napailing si Danara. Lubhang malayo ang kinaroroonan ni Angelo at mahihirapan itong makarating dito sa kanila. Ang isa pa, tinalo daw ni Lagalag si Dapdap sa paligsahan. Imposibleng talunin ni Angelo si Dapdap. Sa nakita niya kay Angelo, wala ito ni katiting na kapangyarihan.

Si Angelo pa lang ang nakita niya at nakausap ng malapitan na isang mababang-uri. Kung kamukha ni Angelo si Lagalag, kailangan niya ring makita ito para malaman kung mukha nga itong isang mababang-uri.

Hahanapin niya si Lagalag.

                                        Tuwang-tuwa si Joshua habang pinagmamasdan ang bago niyang sandata. Napakaganda nito kumpara sa nauna niyang pana na nakuha niya kay Laipan. Mas malaki ito ng konti, mas mahaba ang mga palaso at pinakamaganda dito ay hindi ito nauubusan ng palaso. Gustong gusto niya ito subukan ngunit napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga naroon kaya minabuti na lang niya na hindi magpahalata. Isinukbit niya ang pana sa kanyang katawan at inilagay ang lalagyan ng palaso sa kanyang likuran. Sabay na naglaho ito ngunit nararamdaman niya pa rin na nasa katawan niya ang mga ito at hindi lang nakikita.

"  Ang lakas naman ng loob mo humingi ng isang magandang sandata kay Payhud gayung hindi ka naman isang Arbore! "

Napalingon si Joshua sa pinagmulan ng boses. Isang magandang babae ang nasa kanyang harapan. 

Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon