Chapter 5. Ang Pinto ng mga Engkanto

8.5K 390 8
                                    

                      Habang naglalakad ay panay ang kuwento ni Angelo at pagbibiro kay Diana kaya hindi nila napansin na malapit na sila sa kabilang pampang. Aliw na aliw si Diana sa mga kuwento at pagbibiro ni Angelo at nararamdaman niyang sa napakaikling panahon na silang nagkasama ay nahulog agad ang  loob niya dito. Buo na ang binabalak niya sa kanyang isip, hindi niya gagawin ang iniutos sa kanya. Pababalikin niya ang binata sa kabilang pampang kung saan ito nanggaling kanina. Alam niyang mapaparusahan siya sa kanyang gagawin ngunit handa siyang tanggapin kung anumang parusa na ibibigay sa kanya. Ilang metro na lang ang layo nila sa kabilang pampang ng pinahinto ni Diana si Angelo.

" Ibaba mo na ang basket at bumalik ka na.Ako na lang ang magdadala niyan pauwi. Maraming salamat sa 'yo." nakangiting sabi nito kay Angelo.

" Sure ka?" tanong naman ng binata. " Malapit na lang naman, ihahatid na kita hanggang sa inyo."

" Huwag ka nang tumuloy," sagot ng dalaga. " Ako na lang ang bahala, kaya ko na 'to."

" Ako na," pagpupumilit ni Angelo." Tutal ilang hakbang na lang, nasa kabila na tayo."

" Bumalik ka na sa kabila habang may panahon ka pa," sabi ng dalaga. Kailangan niyang piliting makabalik si Angelo. Mapapahamak ito sa oras na makarating sa kabilang pampang.

" Anong habang may panahon pa?" tanong ni Angelo. Napahinto siya sa paglalakad at ibinaba ang basket na puno ng prutas.

"Danara! "

Napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang nakatayo sa kabilang pampang at nakatingin sa kanilang dalawa. Halos kamukha din ito ni Diana, maputi, mahaba ang buhok at maganda. Ang kakaiba lang dito ay ang kasuotan nito.Para itong nakasuot ng isang mahabang damit na gawa sa buhay na mga halaman. Kung titingnan ay para itong mga sanga at dahon na nakabalot sa katawan ng babae.

" Ikaw ba ang tinatawag?" tanong ni Angelo. " Dinig ko kasi Danara ang tinatawag."

" Oo, siya si Danara, ang mahal kong kapatid." biglang nagsalita ang babae na ikinagulat ni Angelo. Nasa tabi na nila ito at hindi niya namalayang lumapit. Ang inakala niya kaninang mga sanga at dahon ay bahagi pala ng disenyo sa kasuotan ng babae ngunit parang mga tunay na halaman ito. Kusang gumagalaw ito sa ihip ng hangin na parang may sariling buhay.

" Ang alam ko kasi Diana pangalan niya. Ngayong nakalipat na dito sa kabilang pampang, Danara na." sabi ni Angelo. ' Hindi kaya pagdating sa bahay ninyo ay si Dayanara ka na? Ano ba talaga pangalan mo?

" Siya pala si Orkidya, ang aking nakakatandang kapatid," pakilala ni Danara." Ang tunay kong pangalan ay Danara."

" Nagtagumpay ka mahal kong kapatid," sabi ni Orkidya sabay yakap kay Danara. " Nagawa mo agad ang iniutos sa 'yo. Matutuwa si Payhud."

Kinabahan si Angelo ng marinig ang pag-uusap ng dalawa. Ang una ay kakaiba ang kasuotan ng kapatid ni Danara. Hindi ito karaniwang tela at wala pa siyang  nakikitang ganitong disenyo sa tanang buhay niya. Sigurado siyang hindi ito gawa ng tao. Ang pangalawa ay duda siya sa paraan ng pagbati ni Orkidya kay Danara.

Nagtagumpay daw si Danara. Saan?

Sigurado siyang hindi sa pagbubuhat ng isang basket ng prutas.

May kutob siyang siya ang sinasabing pinagtagumpayan ni Danara. Napatingin siya sa kabilang pampang ng ilog. Natatanaw pa niya ito at kaya niyang takbuhin pabalik. Ito siguro ang sinasabi ni Danara kanina na bumalik na siya habang may panahon pa. Dahan-dahan siyang humakbang paatras.

Biglang lumingon si Orkidya sa kanyang kinaroroonan. Nagkunwari si Angelo na bibitbitin ang basket ng prutas.

" Tara na hatid ko na kayo para makabalik na ako," kinakabahang sabi ni Angelo habang inaapuhap ng kamay ang hawakan ng basket. Wala siyang mahawakan. Tumingin siya kung saan ibinaba ang basket kanina ng huminto sila.

Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon