Chapter 12. Ang Matandang Ermitanyo

7.7K 330 7
                                    

                        Napabalikwas si Kulas mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nagpalinga-linga ito sa paligid at ng matiyak na nandoon pa rin siya sa loob ng kuweba ay dismayadong nahiga uli ito.

Panaginip lang pala.

Akala niya ay totoo na ang nangyari kanina. May isang magandang babaeng puimasok sa kanyang kuweba habang natutulog siya at sinabing malapit na siyang makauwi.

Darating na daw ang papalit sa kanya bilang tapagbantay ng Bundok Mari-it. 

Kung totoo lang sana ang nangyari ay nagtatalon na siya sa tuwa.Hindi na niya matandaan kung kailan pa siya dito sa Bundok Mari-it. Hindi na niya mabilang kung ilang araw, linggo, buwan o taon na siya nakakulong dito sa mahiwagang bundok. Humaba at pumuti na ang kanyang buhok, ganun din ang kanyang balbas at hindi na niya nakikita ang sarili sa salamin mula noon pa. Natuto na siyang mamuhay ng mag-isa dito sa kagubatan, manghuli ng hayop at manguha ng mga bungangkahoy bilang pagkain. Ang damit niya ay mga pinagtagpi-tagping tela na paminsan-minsan ay napupulot niya sa kagubatan, posibleng galing din sa mga tao na naligaw din sa mahiwagang bundok na ito at gaya niya ay hindi na nakabalik at nilapa na ng mababangis na hayop. Ang pinanghahawakan niya lang para patuloy na mabuhay ay ang isang bagay na pinakakaingatan niya, ang gintong kuwintas na bigay sa kanya ng batang engkantado nang minsang tumugtog sila dito bago pa siya maligaw. Para kay Kulas, kahit gaano na siya katanda bago makauwi sa kanila, buhay-milyonaryo pa rin siya kapag naiuwi niya ang kuwintas.

'Yun ang bagay na ayaw niya sa mga sinabi ng babae sa kanyang panaginip. Kailangan niya daw ibigay ang kuwintas sa taong papalit sa kanya bago siya umuwi at pagkatapos ay huwag na daw siyang babalik sa Bundok Mari-it.

Hindi niya gagawin ang bagay na iyon. Gustong-gusto niya makauwi pero mas gusto niyang dala niya pauwi ang kuwintas. Ito ang kabayaran sa ilang taon niyang paninirahan dito sa gubat. Kapag nawala ito sa kanya ay wala ring saysay ang kanyang pag-uwi. Umalis siya sa kanila na  mahirap, uuwi siyang isang pulubi.

Walang kuwenta.

Sabagay, panaginip lang yun. Saka na niya pag-iisipan kapag nangyari na. Muling ipinikit ni Kulas ang mga mata at ipinapatuloy ang pagtulog.

Hindi pa siya gaanong nakakatulog ng bigla na naman siyang mapabalikwas dahil sa isang pamilyar na ingay na naririnig niya.

Mga bang-aw!

Sa tagal na niya dito, ilang beses na niyang narinig ang ganoong klase ng ingay. Ingay iyon kapag may hinahabol ang mga bang-aw na pagkain nila, ngunit ngayon lang niya narinig ang ganoon kalakas. Parang napakarami ng mga bang-aw at tila tuwanng-tuwa ang mga ito sa kanilang huli.

Lumabas siya ng kuweba upang tingnan ang nangyayari.

                        

                        Naisip ni Angelo, kailangan niyang magbakasali. Walang mangyayari kung panghihinaan siya ng loob.Hindi siya tatayo lang at hayaang gutayin siya ng mga bang-aw. Hanggat kaya niya ay pipilitin niyang makaligtas sa nakaambang panganib.

" Gusto niyo ng masarap na pagkain, puwes maghirap muna kayo! " wika nito sabay takbo paakyat sa mabatong bahagi ng bundok. 

Ito lang ang lugar na puwede niyang puntahan. 

" At least dito maraming bato," wika nito sa sarili habang patakbong umaakyat. " bago ninyo ako makain, mabubukulan muna ang ilan sa inyo."

Habang paakyat ay naramdaman ni Angelo ang paninigas ng kanyang binti at hita. Dahil sa matagal na pagtakbo at ngayon ay paakyat pa siya sa bundok, nanigas na ang kanyang mga laman at ngayon ay nagsisimula na siyang pulikatin. Ilang beses siyang nadapa sa pag-akyat ngunit pinilit pa rin niyang makalayo sa mga humahabol sa kanya.

Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon