Final Chapter . Ang Bayani ng Talisay

11.9K 683 105
                                    

                                                Isang salu-salo ang inihanda ng mga Aves bilang pasasalamat sa kanilang tagumpay sa labanan at sa paggaling ni Falcon at karamihan sa mga Aves mula sa karamdaman. Kaiba sa karaniwang pagdiriwang ng mga nagwagi, kasama sa kanilang salu-salo pati ang mga Arbore.

" Nais ng aking ama na ibalik ang dating samahan ng mga Arbore at Aves," paliwanag ni Pitta kay Joshua habang nakaupo sila sa hapag-kainan at hinihintay na ihain ang mga pagkain.

" Mas mabuti kung ganon," sagot ni Joshua. " Mahirap kasi ang hindi nagkakasundo ang mga naninirahan sa iisang lugar lang . Mas maraming naaapektuhan na ayaw at walang kinalaman sa labanan kaysa mismong mga naglalaban."

" May ipapakiusap sana ako sa iyo," sabi ni Pitta sa binata.

" Ano  yun? " tanong ni Joshua.

" Kung maaari ay ilihim mo ang mga nangyari dito sa amin." pakiusap ng dalaga " Huwag mo sanang ipagsabi kahit kanino. Makakatulong iyon para sa kapayapaan namin."

" Walang problema." sagot ng binata. " Isipin ko na lang na isa lang itong panaginip."

" Sana rin maunawaan mo na may ginawa kaming hindi pangkaraniwan para mapanatiling lihim ang aming ugnayan sa iyo." dagdag pa ni Pitta.

" Nauunawaan ko." sagot ni Joshua. " May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero totoong nangyayari."

" Maraming salamat kung ganon." natutuwang sabi ng engkantada.

" May pakiusap din ako sa 'yo." sabi naman ni Joshua.

" Ano yun? " tanong naman ni Pitta.

" Kapag nagkita tayo sa school, huwag mo akong tatawaging Lagalag." sabi ng binata. ' Kapag ginawa mo iyon ay may masamang mangyayari sa 'yo."

" Bakit, ano ang gagawin mo kapag tinawag kitang Lagalag sa school?" natatawang tanong ni Pitta.

" Siyempre, kapag tinawag mo akong Lagalag, tatawagin din kitang Pitta. " sagot ng binata. " Masamang pangyayari 'yun lalo na kapag kasama ko si Angelo."

" Oo nga, masama nga," natatawang sabi ni Pitta. " Ang lakas pa naman ninyo mang-asar."

Natigil sa pag-uusap ang dalawa ng inihain na ang mga pagkain sa mesa.

" Kumain ka ng kumain." sabi ni Pitta sa binata " Alam kong gutom na gutom ka.'

Sang-ayon ang binata sa sinabi ni Pitta. Ilang araw na ring hindi nasasayaran ng maayos na pagkain ang kanyang tiyan. Nagsimula na siyang kumain.

Pagkatapos kumain ay muling kinausap ni Pitta si Joshua.

" Bilang Lin-ay ng lahing Aves, nais ko iparating ang taos-puso naming pasasalamat sa iyo. Hanggang sa muling pagkikita, Lagalag."

Hindi na nakasagot si Joshua. Gaya ng nangyari dati, pagkatapos niyang kumain ay nakaramdam siya ng matinding antok. Nahihirapan siyang idilat ang mga mata at parang pinaghehele siya para matulog. 

Dahil na rin sa sobrang pagod at puyat, hindi na nagawang labanan ni Joshua ang matinding antok. Yumukayok siya sa upuan at tuluyang nakatulog.

                                                Gusto nang tumakbo ni Angelo pauwi sa bahay nila Mario para malaman kung totoo nga ang sinasabi nito.

" Totoo ba ang sinasabi mo Mar? Nakatulog si Joshua mula noong nawala ako at hindi pa nagigising hanggang ngayon? " hindi makapaniwalang tanong ni Angelo.

" Oo," sagot ni Mar. " Nung umaga na nawala ka, pumunta kami sa kabilang pampang para hanapin ka. Nung umuwi kami, nagpaalam siya na magpapahinga lang at pumasok sa kuwarto. Mula noon ay hindi na siya nagising."

Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon