Chapter 4. Ang Panibagong Biktima

8.2K 359 8
                                    

                Maagang nagising si Angelo kinabukasan. Mahimbing pang natutulog si Joshua kaya hindi na niya ginising ang kaibigan. Lumabas siya ng kuwarto at nang makitang walang tao sa may sala ay dumiretso siya sa kusina.  Wala ring tao, naisip niya, baka siya pa lang ang gising. Lumabas siya bahay at doon ay nakita niya si Aling Carmen na nagpapatuka ng mga alagang  manok.

" good morning po," bati ni Angelo sa matanda. 

" Magandang umaga anak," sagot ng matanda. " may mainit pang kapeng barako sa may takure sa kusina. Kumuha ka na lang doon para mainitan ang sikmura mo."

" Thank you po," sagot ni Angelo." Kuha na lang po ako mamaya. Si Mario po, gising na?"

" Sumama sa tatay niya at tiningnan yung mga inumang na bitag sa bukid kung may nahuling tikling. Patitikimin daw kayo ng pritong tikling." sagot naman ni Aling Carmen.

Alam ni Angelo ang sinasabi ni Aliing Carmen. Ganoon din dati ang ginagawa nila ng Kuya Edgar niya kapag nandoon sa San Gabriel. Nanghuhuli din sila ng tikling. Ang tikling ay isang ibon na karaniwang makikita sa palayan. 

" Malapit lang ho ba dito ang bukid ninyo? " tanong ni Angelo. Gusto ko ho sanang sumunod kina Mario."

" Malapit lang. Paglabas mo diyan sa kalsada,kaliwa ka tapos  deretso lang. Pagdating mo sa dulo, sundan mo lang yung bakas papuntang ilog.  Bago ka dumating ng ilog makikita mo na yung bukid namin. nandoon si Mario at ang Mang Andoy mo." paliwanag ng matanda. " Magtanong ka na lang diyan at may mga tao na diyan sa labasan."

" salamat po,' sagot ni Angelo. " Pupuntahan ko po sila."

" Sige, at mag-ingat ka." sabi ni Aling Carmen." Siyanga pala, kapag hindi mo sila nakita, bumalik ka na lang dito. Huwag kang tatawid sa kabilang ibayo ng ilog. Bawal na ang pumunta doon. Baka iligaw ka ng mga engkanto, hindi ka na makabalik."

" Sige po, tatandaan ko po." sagot ni Angelo. Naisip niya , baka iniisip ni Aling Carmen ay laking Maynila siya kaya naisip nitong maliligaw siya dito sa probinsiya. Laking probinsiya rin siya at sanay siya sa mga pasikot-sikot ng bundok at gubat.

Paglabas niya ng kalsada, may nakita siyang isang matandang babae na may bitbit na isang basket na gulay. Tinanong niya ang daan papuntang ilog. Sinundan niya ang sinabi ng babae at ilang saglit lang ay tinutunton na niya ang daan papunta sa ilog. Mayamaya lang ay nasa harapan na niya ang ilog ng Talisay.

Malawak ang ilog, di-hamak na mas malawak kaysa ilog sa probinsiya nila. Sa lawak nito ay halos hindi mo na makikita kung may tao sa kabilang ibayo. Maliban sa ilang parte nito na may natitira pang kaunting tubig, halos tuyo na ang kabuuan ng ilog. May nakita si Angelo na mga taong namumulot ng mga bato sa gilid ng ilog malapit sa kinaroroonan niya. Lumapit siya at nagtanong kung nakita ng mga ito si Mang Andoy.

" Nandiyan lang sila, kasama yung anak niyang panganay," turo ng isa sa mga lalaki na may saklay, ang pinakamatanda sa grupo.. " Nakikita mo  yung nakaharang na puno ng kawayan, ikot ka lang diyan. Sa kabila niyan, nandun sila  Andoy."

" Salamat po," sagot ni Angelo.

Malapit lang ang itinurong lugar ng lalaki kung saan naroon sina Mario at Mang Andoy. Halos wala pang isandaang metro ang layo mula sa kinaroroonan niya. Mabagal lang ang lakad ni Angelo habang patingin-tingin sa paligid. Tama nga ang sabi ni Mario, maganda ang lugar nila. Kung hindi nga lang tuyo ang ilog ay masasabi niyang halos perfect getaway na itong Talisay. Sa kabilang ibayo ang sinasabing mahiwagang bundok. Halos puro kulay berde na ang makikita mo dahil sa kapal ng mga puno at halaman. Naisip ni Angelo, isa itong rainforest, isang buhay na gubat. Kapag pumayag si Joshua ay yayayain niya itong akyatin nila ito. Bihira na lang ang ganitong gubat sa panahon ngayon at sayang ang pagkakataon kapag pinalampas pa nila, at yung sinasabi ng mga tagarito na nakakatakot, hindi siya nakakaramdam ng takot kapag si Joshua ang kasama niya.

Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon