CHAPTER TWENTY

65 16 3
                                    

"Hania tama na!" Pilit kong inaagaw sa kanya ang maliit na kutsilyong hawak niya.

"Wag mo akong pakikialaman Andrew! hindi mo alam ang pinagdadaanan at nararamdaman ko ngayon! " Pasigaw na sabi niya sakin sabay tapon sa kutsilyo sa sahig.

Hindi ako nakasagot at napapikit nalang at bumuntong-hininga.

"Wala ng rason para mabuhay pa ako Andrew! Lahat nalang pinagkait sakin!" Patuloy na sabi niya habang nakaupo na sa sahig at umiiyak.

" Wag kang mag-isip ng ganyan Hania. Alam mo kong gaano ka kamahal ng mga magulang mo. Naalala mo ba Kung ano ang sinabi ko sayo noon? Hania nabuhay tayo para maramdaman ang saya, problema, kalungkutan at kamatayan. Yun ang buhay hania pero ito ang tandaan mo, kung magpapadala ka sa kalungkutan at hindi mo ito lalabanan. Hindi ka uusad! palaging nandyan ka lang! Umiiyak, iniisip na nasa sayo na lahat ng problema, na pinagkaitan ka ng mundo, at ayaw mo ng mabuhay. Hania hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan. Ako, naranasanan ko din at inaamin kong naging ganyan din ako gaya mo noon. Pero unti-unti kong naiisip na kailangan kong bumangon dahil maraming tao ang nagmamahal sakin, iniisip ko kong ano yung mararamdaman ng mga taong nasa paligid ko, kung magpapadala ako sa lungkot at problema. Dahil kong nasasaktan ka Hania, nasasaktan din ang mga taong nasa paligid mo. " Pangaral ko dito, Dahan-dahan ko itong itinayo habang hawak ang kanyang kamay. Nakatungo ito at patuloy pa ring humihikbi

"Ilabas mo lahat ng sakit at puot dyan sa loob mo Hania. Andito ako, hindi kita iiwan"

Hindi ito sumagot sa akin at bumitaw sa pagkakahawak ko.

"Iwan mo muna ako Andrew" Saad nito at nahiga sa kama ng nakatalikod

" Hania dito lang ako sa sof-"

"Please?"

Nag alinlangan akong pumayag dahil baka may gawin na naman itong masama.

"Hindi ko na uulitin ang ginawa ko" Muling saad ni hania kaya napabuntong hininga nalang ako

"Magpahinga ka Hania. Pag may kailangan ka nasa kabilang kwarto lang ako. " Agad akong lumabas ngunit bago ito kinuha ko muna ang patalim na hinagis niya sa sahig.

Zanahania's POV

Ang sakit.
Ang lungkot.
Nakakadurog.

Bakit kailangang sakin pa mapunta ang lahat ng ito?
Ano bang naging kasalanan ko?

Patuloy ang agos ng hula ko habang nakatagilid ng higa sa aking kama.

Ramdam ko ang pamimigat ng aking katawan, ang antok at gutom.

Ngunit sa kabila ng mga ito, I can't forget what Andrew says while im faking asleep. Did he just tell me he loves me? Really? Siguro nasabi niya lang ang mga iyon dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Pinunasan ko ang aking mga luha at dahan-dahang bumangon. At sa pag bangon ko, ang biling sulat ni mama ang nasilayan agad ng mata ko. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak.

Pumunta ako sa may bintana at binuksan ito. Kitang-kita ko ang liwanag ng buwan at mga bituin.

Sana ganyan ka liwanag ang buhay ko.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now