CHAPTER SEVEN

361 235 15
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata, hindi ko namalayang umaga na pala at napasarap ang tulog ko. Muli kong naalala yung nangyari kagabi siguro yun ang naging dahilan kung bakit antagal kong nagising ngayon at masaya ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na ba! at ayun 9:23 na ng umaga.

Akma akong babangon para maligo at makapag-ayos ng may bumungad saking nakangiting lalaki dala ang tray na may lamang bacon, egg, bread and milk. Nakaupo pa ito sa sofa ng kwarto ko at ngiting-ngiti sa akin.

Mygaaaad baka magulo ang mukha ko!!!! Kainiss

"Good morning hania"Ang ganda ng pagkakabati nito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

" Good morning" Sagot ko at agad na tumakbo sa banyo.

"Hahaha San ka pupunta hania kumain kana!" tawag pa sa akin ni Andrew dahil ang bilis kong tinalikuran siya. Eh pano ba naman kasi hindi ko alam na andito siya sa kwarto habang ako kakagising lang.

Dali-dali akong nag hilamos, nag toothbrush , naligo at nagbihis para lumabas na ng banyo. Paglabas ko andon si Andrew sa sofa hawak pa rin yung tray na dala niya kanina. napangiti pa ako dahil nag abala pa siyang dalhan ako ng breakfast at talagang hinintay pa niyang matapos ako.

"Good morning again beautiful" Ngiting bungad sakin nito at dinala ang tray sa kama ko.

B--beautiful? whaaaaat?

"Ah hehehe Good morning andrew. Nag abala ka pa" Nahihiyang sagot ko na hindi pa makatingin ng deritso sa kanya.

" Syempre eh ang tagal mo namang nagising hindi ka pa kumain kaya sinabi ko nalang kay nanay na ako na ang magdala ng pagkain mo dito baka nag eemote ka na naman. "Ngisi pang sagot niya sakin tsaka ginulo pa ang buhok ko.

"Stop ruining my hair Andrew! Hmmm thank you by the way. " Tinakip ko pa yung kamay niyang gumugulo sa buhok ko bago siya nginitian at kunin ang tray na dala niya.

"Your welcome hania, tsaka gusto mo mag swimming tayo? " Hindi ako makapaniwala sa tanong niya. Seriously? Swimming?

" S-swimming?" nagtatakang tanong ko.

"Oo para hindi ka naman ma bored dito sa kwarto mo mag isa kaya Game?" Ngiting tanung pa niya sa akin.

" Can't you see tapos na akong maligo andrew. Kakabihis ko nga Lang" Sagot ko sa kanya sabay turo sa sarili ko.

" Eh di maligo ulit? ako din naman tapos na akong maligo eh. Segi na hania" Pagmamatigas pa nito. Ang kulit talaga kahit kailan.

" Ok fine! fineee! But before that help me finish this food you brought"

" Ha? eh para sayo lang yan" Nagtataka pang tanong niya.

" This is too much Andrew come on! Sa tingin mo ba mauubos ko to?"

"Ok segi hehehe tutulungan nalang kitang ubusin to. baka ako pa pagalitan ni nanay kapag nalaman niyang kunti lang kinain mo"

Nilapag ni andrew ang tray sa may maliit na mesa katabi ng kama ko at sumunod na din ako para umupo at magsimulang kumain.

Naiilang akong sumubo dahil ngiting- ngiti siyang nakatingin sakin habang kumakain ng bacon.

Teka? Bakit nga ba ako naiilang? Wala naman siyang ginagawa. Is this normal?! Eh hindi naman ako naiilang sa kanya nong una! Is this ..... NO! stop imagining stupid things hania!!

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now