My day isn't nice at all. Ganito talaga siguro kapag masyado kang excited, napapalitan ng katataka-takang pangyayari sa paligid.
Hindi mawala sa isip kung bakit naging suplado si Andrew sa pagsagot kay Mr. Cruz dahil ang pagkakaalam ko hindi naging ganun kahit kailan ang isang Andrew Sual na kilala ko.
Hindi rin mawala sa isip ko ang mga salitang iniwan ni Mr. Cruz bago ito lumabas. Ang dahilan kung bakit tuluyang nasira ang araw ko. I don't know what he mean about daddy's problem dahil sa mga panahong kasama ko siya wala naman itong sinabing problema sa amin.
"Hania Tara na lunch muna tayo bago tayo umuwi" Bungad ni Jasher kagagaling lang sa labas.
" What? Bakit uuwi na? May afternoon class pa tayo" Nagtatakang tanong ko.
"Ah hehehe Mr. Cruz told me na sabihan ang mga classmates nating umuwi na dahil may tatapusin pa silang meeting. But i don't need to voice it out, they already know as excepted" Ngiting sagot ni Jasher sabay kindat.
"What a day! Haysst first day pa lang wala ng pasok sa afternoon? Haha"Ngising sabi ko pa na kinatawa din nitong kaharap ko
" Hahaha don't mind that Zahania. So let's go?" Nakalahad ang kamay niya sakin pero tumango lang ako sabay ngiti.
Lalabas na sana kami ni Jasher ng biglang tumayo si Andrew at lumapit samin. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin
"San ka pupunta?" Nakataas ang kilay na sabi niya.
"We're having lunch Andrew. Alam kong hindi ka sasama sakin kasi susulitin mo yung araw niyo ni Mica right? It's ok i understand" Ngiting sabi ko pero ang totoo nahirapan akong sabihin yun sa kanya.
Yun naman talaga ang gusto niya.. Wala na akong dapat na ikabahala.
"Don't worry dude I'll with her" Sabi ni Jasher. Tiningnan Naman ito ni Andrew at tsaka umiling
" Hindi na pare sabay na kaming kakain." Sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palabas. Napasinghap ako sa ginawa niya at nakita ko si Jasher na nakatunganga.
"Sorry" Pabulong na sabi ko sa kanya. Alam ko namang naiintindihan niya dahil tumango ito at pilit na ngumiti
Bumaling ako sa taong humila sakin palabas. Nakahawak pa rin ito sa kamay ko at nakatingin lang unahan.
Bakit ba nagkakaganito to? Iniwan niya pa yung Mica niya! Este Kaibigan niya tssk!
"What now Andrew?" Nakataas kilay na sabi ko
Ngumisi lang siya at agad na huminto at humarap sa akin.
"Sino yung lalaking yun ha hania?" Nakapamewang pang ani niya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot
"He's Jasper kababata ko" Walang ganang sagot ko
Bakit parang galit siya eh wala naman kaming ginagawang masama ni Jasher diba?! Sila nga ni Mica tumatawa tawa pa!
"Talaga ba? May gusto ata yun sayo eh" Nakangusong sabi niya.
Parang biglang nawala yung inis ko dahil sa inasta niya ngayon. Ang lalim ng pagkakanguso niya at parang bata sa harap ko
"Hindi. Walang gusto sakin yun" Pagkaklaro ko pero nakanguso pa rin siya at hindi ako tinitingnan
"Bakit sumasama ka sa kanya kanina? Tapos hindi mo pa ako pinapansin hania" Hindi pa rin ito makatingin ng deritso sakin kaya lihim akong napangiti
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
RomanceZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...
