Maaga akong nagising dahil may pupuntahan akong importante, maaga ding nakabalik sila yaya kaya nasabihan ko na sila kung ano ang dapat gawin kapag nagising na si Andrew. Inayos ko ang lahat ng kailangan ayusin dito sa maliit na simbahan sa hospital. Tinulungan ako ng mga nurse at alam na din ito ng doctor ni Andrew. Hindi nagtagal natapos din namin at handa na ang lahat. Alas 10 na ng umaga at paniguradong gising na kanina pa si Andrew kaya agad akong dumiretso sa sasakyan para makapagbihis ng susuotin ko.
Saktong 11:11 ay natapos na ako. Pumunta muna ako sa loob ng kwarto ni Andrew para silipin kong nakaalis na ba ito o hindi pa. Pagbukas ko ay wala ng tao, wala na din ang dextrose at oxygen ni Andrew kaya alam kong nasa simbahan na ito.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, magkahalong saya at takot. Saya na babaunin ko sa buong buhay ko at takot na baka pagkatapos ng masayang araw na ito sa buhay ko ay hindi ko na mararanasan pang muli.
"Ma'am Hania? Nasa loob na po sila. Congrats po! Masaya ako para sa'yo" Nakangiting bungad ng nurse na naging kaibigan ko.
"Salamat" naluluhang sagot ko.
Saktong pag-alis ng nurse ay bumukas ang pinto at tumugtug ang intro ng kantang Born for you agad akong naluha ng masilayan ko ang lalaking nasa harap ng altar na umiiyak habang hinihintay ako. Tumatagos sa puso ko ang mensahi ng kanta habang unti-unting lumalapit sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang kakaibang emosyon ni Andrew, umiiyak siya pero nakikita ko yung saya sa kanyang mga mata kahit ang lalim-lalim ng mga ito.That i was born for you
And you was born for meNaluluha akong sinasabayan ang chorus ng kanta. Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang maikasal sa lalaking mahal ko.
Nasa harap ko na ngayon si Yaya. Umiiyak at agad akong niyakap" Salamat anak" may emosyong saad ni yaya. Nagyakapan kami ulit. Lumapit sa akin si Anding na may dala ng singsing. Ang tamis ng mga ngiti nito, ramdam na ramdam ko yung saya niya
" Ate Hania siya po ba ang magiging kuya ko?" Hindi ko inexpect ang tanong nito kaya natawa ako.
"Oo siya nga Anding" Sagot ko at ginulo ang buhok niya.
Hindi na ako nagtagal pa dahil gustong-gusto ko ng yakapin ang lalaking naghihintay sa akin.
Tumutugtug pa rin ang musika ng makalapit ako kay Andrew. Pinahiran nito ang mga luha niya at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa wheelchair. Naluluha ako habang tinutulungan siya makatayo. Nang tuluyan na itong makatayo diretso ako nitong niyakap ng mahigpit." Hindi ko akalain na ikaw ang tutupad sa pangarap kong maikasal Hania. Napakasaya ko" Lumuluhang sabi nito
"Shhhh wag kanang umiyak. Ang gwapo-gwapo mo pa naman sa suot mo" umiiyak ma'y nakangiti parin ako.
Humarap na kami sa altar kong saan naroon ang pare na magkakasal sa amin. Hindi namin binitawan ang kamay ng isat-isa.
"Magandang umaga sa ating lahat. Ngayon tunghayan natin ang pag-iisang dibdib nina Mr.&Mrs Zahania and Andrew Sual. Sa haharapin ninyung bagong kabanata ng inyung buhay, batid kong may mga pangako kayong nais saibihin sa isat-isa" wika ng pare. Humarap kami ni Andrew sa isat-isa.
"H-hania, Hindi mo alam kong gaano mo ako napasaya ngayon. Akala ko hindi na mangyayari to pero tinupad mo. Ang laki ng pasasalamat ko sa diyos dahil dumating ka sa buhay ko, binigay ka niya sakin. Nalulungkot ako kasi alam kong haharapin mo mag-isa ang bagong yugto ng buhay nating mag-asawa. Kung kaya ko lang sanang baguhin ang takbo ng buhay, gagawin ko. Dahil gusto ko pang bumuo ng pamilya kasama ka. Susulitin ko ang mga oras na magkakasama pa tayo, kahit isang segundo sisimutin ko. Lagi mong tatandaan na kahit mawala ako lagi akong nandyan sa puso mo. Manatili kang tahakin ang buhay na may ngiti sa mga labi at mabuting kalooban. Maging matatag ka sa mga problemang dadating at harapin mo ito kasama ang diyos.
Mahal na Mahal kita Hania, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ng buhay ko" Mahabang sabi nito habang umiiyak. Sobrang hina ng boses nito at nahihirapang sabihin ang bawat salita na binibigkas niya."Andrew, mas pipiliin ko ang isang segundong kasama ka, kaysa sa isang taon na wala ka. Ayukong sukuan ka, ayukong mawala ka. Kaso ang damot ni tadhana satin. Sulitin nalang natin ang araw na ito ha? Maraming salamat dahil pumunta ka. Kahit ito lang makabawi naman ako sa lahat ng kabutihang nagawa mo para sakin, sa lahat ng sakripisyong nagawa mo para sakin. Hindi mo lang naman pangarap to kundi pangarap natin. kaya ito na, nagawa nating talikuran ang realidad at nakagawa tayo ng sarili nating mundo kung saan magiging masaya tayo. Mamahalin kita araw-araw Andrew. Hanggang sa kabilang mundo" umiiyak na sabi ko. Ang saya-saya ko pero naninikip ang dibdib ko.
Ang sakit sa dibdib tingnan ang emosyon ni Andrew. Nanghihina na siya pero pilit niyang nilalabanan ito para sakin, para samin.
Pinunasan ko ang mga luha ko ng dumating si Anding para ibigay sa amin ang singsing. Kinuha ni Andrew ang isa at isinuot ito sa akin, ganun din ang ginawa ko." Sa ngalan ng panginoon at ng mga taong nakasaksi ngayon, Zahania at Andrew isa na kayong ganap na mag-asawa" wika ng pare. Biglang tumugtug ang musika kasabay ng pagsigaw ng mga taong nakasaksi sa pag-iisang dibdib namin ni Andrew.
"Andrew, maaari mo ng halikan ang iyong asawa" Dagdag na sabi ng pare, halata sa boses niyang nahawa siya sa emosyon namin ni Andrew. Muli akong humarap sa asawa ko
"Mahal na Mahal kita Andrew" sensirong sabi ko at matamis na ngumiti.
"Mahal na Mahal kita Zahania" nakangiti ding sagot niya bago dahan-dahang lumapit sakin
Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa pisngi ko at unti-unting dinikit ang kanyang labi sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal sa halik sa pinagsaluhan namin.Tuluyan akong umiyak ng dampian niya ako ulit ng halik na may kasamang salita
" Hanggang sa muli nating pagkikita Mahal ko" huling salitang narinig ko sa kanya.
Nakayakap na ito sa akin ngayon.At alam ko na, ito na ang huling araw na nakasama ko siya. Nagawa namin. Nagawa naming magpakasal kahit nanghihina na siya. Tuluyan kaming natumba sa harap ng altar. Yakap-yakap ko ang katawan niyang binawian na ng buhay. Humagolgol ako ng iyak.
Ang sakit. Napakasakit tanggapin na tuluyan na siyang namaalam.Agad lumapit ang mga nurse at itinakbo ito sa Emergency room. Nagbabakasakaling mabubuhay pa si Andrew. Labis din ang pag-iyak ng mga taong nandito. Habang ako nalulunod sa sariling luha.
Wala na akong magagawa. Alam kong lumaban siya. Pero hanggang dito nalang talaga ang kwento naming dalawa.
Paalam Mahal ko. Hanggang sa muli.
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
Roman d'amourZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...