CHAPTER THREE

441 273 29
                                    

Andrew's POV

Hindi ko maipaliwanag kong ano ba tong saya na nararamdaman ko ngayon sapagkat ni minsa'y hindi ko ito naramdaman.

Noon pa lang hiniling ko na, na sana dumating ang araw na hindi lang ako isang kakilala kundi isa sa mga taong magiging importante sa kanya.

Hawak ko ang kamay ni hania habang naglalakad kami patungo sa cinehan. Nakakahiya mang sabihin na hinahawakan ko ang kanyang mga kamay pero napakasarap sa pakiramdam na hinahayaan niya akong gawin ang mga bagay na ito.

Yieeee hehehe ang lambot ng kamay niya!

"Andrew? Ok ka lang?" Nagtatakang tanong ni hania.

Hindi ko lang kasi mapigilan ang mapangiti dahil hindi ko inaasahan na magiging ganito kami kalapit ngayon samantalang noon hindi man lang niya ako nakikita kahit pabalik-balik ako sa bahay nila.

Wag mo kong tanungin! Nahihiya ako sa ganda mo :D

"Oo naman! Hehehe at saka bakit Andrew ang tawg mo sakin diba sabi mo bestfriends na tayo? kaya Bespards na! Hayssst!" Nalulungkot kunwaring sagot ko.

"Hahaha ok Bespards" tinawanan pa niya ako

Tumatawa na siyaaaaaaaa! Ganyan nga hania!! Lalo pa kitang pasasayahin!

"Good! Hehehe masunurin ka naman pala eh"

"Oo naman! Wait, where's yaya by the way? Call her please.. baka kanina pa tayo hinahanap non"

" Segi. umupo na muna tayo, ang dami pang nakapila sa tickets oh. Maya-maya nalang tayo bumili pag dating ni nanay. Ayos ba yon pards?"Sabay thumbs up pa ako! tumango lang siya at nginitian ako.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si nanay. Hindi pa naka-ilang segundo lang sinagot na nito ang tawag ko.

"Hello anak?..." sa kabilang linya

"Ahh nay asan kana po? bilisan niyo na po nay hihintayin ka namin ni hania dito sa may cinehan" Malambing na sabi ko

Syempreeee sweet akong anak eh hehehe

" Anak kayo na lamang ni hania ang mamasyal uuwi na lamang ako baka sumakit na naman itong tuhod ko. Ipagluluto ko kayo sa bahay pagka-uwi ninyo"

" Nay ayos lang po ba kayo? ihahatid ko na lang po kayo!" Nag-aalalang tanong ko sa aking ina.

" Ayos lang anak huwag mo akong alalahanin. Ibigay mo muna ang telepono at kakausapin ko"

" Segi po nay"

Pumunta ako kung saan naka-upo at naghihintay si hania at inilahad sa kanya ang telepono. Lumayo kasi ako kanina nong tinatawagan ko si nanay para hindi siya maisturbo.

"Kausapin ka raw ni nanay" Ngiting lahad ko sa cellphone

Binaba niya ang kanyang cellphone na kanina pa niya pinipindot-pindot at tinanggap ang inilahad ko.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now