Andrew's POV
"Mahal na Mahal kita Andrew, kahit napakasakit ng ginawa mong pagsisinungaling sa akin" Umiiyak na sabi ni Hania dala-dala ang isang papel.
"Hania, hindi ako nagsinungaling sa'yo! Kahapon ko lang din nalaman. Maniwala ka naman sakin, inaalala ko ang magiging reaksiyon mo kapag sinabi ko sa'yo agad habang nasa ganyang sitwasyon ka pa din!" Dahan-dahan na din kumakawala ang mga luha ko.
"Sinungaling ka Andrew! Minahal kita ng sobra! Pinagkatiwalaan kita! Pero ito yung ipapalit mo sakin?" Sinasapak na niya ang dibdib ko. Sinusubukan ko itong yakapin pero ayaw nitong magpahawak
" Hania ayuko ng ganito tayo, paniwalaan mo naman ako" Umiiyak na nanlulumong pakiusap ko
"Mula ngayon, hindi na tayo magkakilala" malamig na sagot nito sakin at agad na tumakbo sa maulan na daan.
Agad ko itong sinundan, hindi ko namalayan na may ambulansyang paparating at nasa gitna ng kalsada si Hania. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
"Hania!" Malakas na sigaw ko at agad tumakbo patungo sa kanya
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa matinding panaginip. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ano ba namang panaginip yun!" Saad ko sa sarili at bumuntong hininga na lang.
Hindi ko lubos maisip kung ano yung kasinungalingang sinasabi ni Hania sa aking panaginip.
"Wala naman akong tinatago sa kanya ahh? Hayst! Panaginip lang yun Andrew" muling saad ko sa sarili at agad nagtungo sa banyo para maghilamos at magsipilyo.
Pagkatapos kong mag ayos sa sarili at agad akong bumaba para tulungan si nanay sa gawaing bahay. Ipagluluto ko din si Hania ng agahan at iaakyat ko nalang ito sa kwarto niya.
Nang makababa ako ay nasilayaan ko agad si nanay na nagluluto ng agahan.
" Magandang umaga nay" Bati ko sa aking ina at hinalikan ito sa pisngi.
"Gising kana pala anak" Ngiting sagot din ng aking ina.
" Nay, ako na po ang magluluto ng agahan ni Hania, dadalhin ko nalang po sa kwarto niya" May ngiti sa labing saad ko. Nakita ko ang palihim na pagngisi ni nanay ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
" Oh siya segi. Ikaw na muna dyan sa kusina dahil may lilinisin pa ako doon sa labas" tumango ako bilang sagot sabay ngiti ng marahan.
Kinuha ko muna ang mga ihahanda kong lulutuin sa refrigerator bago pumunta sa kusina at nagluto. Lumipa ang ilang minuto natapos ko nang lutuin ang agahan para kay Hania, inihanda ko na din ito sa isang tray.
Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang umakyat. Pagdating ko sa labas ng kwarto ni Hania, bumuntong hininga muna ako bago kumatok. Nakatatlong katok na ako ngunit hindi pa din ito sumasagot.
" Tulog pa siguro to" sabi ko sa sarili at napagdesisyunan ko ng pumasok sa loob.
Kasabay ng pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang makalat na kwarto, mga basag na frames, natapon ang mga unan at kumot
Bigla akong kinabahan at hinanap si Hania.
Anong nangyari?
Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil sa labis na kaba, pag-aalala at pagkabalisa. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngunit ang mga mata ko'y hinahanap si Hania
"Ako ba ang hinahanap mo?" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Hania
Nandoon pala siya sa gilid ng sofa kaya nahirapan akong makita siya agad. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa mga natunghayan ko sa kanyang mukha
Magulo ang buhok, namumutla at ang lalim ng kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan kong bakit nangyayari na naman ito.
Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kanya ngunit bigla itong nagsalita
"Ang kapal naman ng mukha mo para pumunta pa dito?" Nagtaka ako sa tono ng boses niya.
" A-anong nangyari Hania? Pumunta ako dito para dalhan ka ng agahan pero-" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil agad itong nagsalita.
"Naasan ang pinakamamahal mong nanay?" Malamig na dugtong nito na ikinabigla ko na naman.
Ano bang nangyayari sa'yo Hania?
" Bakit hindi mo pa siya sinama dito, para masaya?" Sarkastikong dagdag niya. Hindi ko talaga maintindihan
"Hania, hindi kita maintindihan" Naguguluhang sagot ko dahilan para tingnan niya ako ng masama.
Magsasalita pa sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok si nanay. Nagtataka din ito.
"Anong nangyari dito?" Napahawak si nanay sa dibdib niya ng masilayan niya si Hania.
Agad tumakbo si nanay para puntahan si Hania ngunit nabigla ako sa ginawang pagtulak ni Hania sa nanay ko dahilan para mapaupo ito sa sahig
"Hania! Ano bang ginagawa mo!" Nasigawan ko ito at tinulungan makatayo si nanay.
"Anong ginagawa ko? Eh kayo? Alam niyo ba kung ano ang nagawa niyo?!" Pasigaw na sagot nito. Sa una hindi ko maintindihan pero nang tumingin ako sa aking ina. Don ko nalaman kong bakit siya nagkakaganito. Biglang nanikip ang dibdib ko, ito na ang kinakakatakutan ko.
"H-hania, anak" umiiyak na si nanay sa pagtawag kay Hania
" Wag mo akong matawag-tawag na anak dahil hindi kita nanay! Alam mo kung ano ang nararapat na itawag sa'yo? Manloloko! Mapagkunwari! Makasarili!" Umiiyak na sigaw nito kay nanay.
Nasasaktan ako sa ginagawa niya sa aking ina ngunit mas nasasaktan ako nakikita kong sitwasyon niya.
"Hania makinig ka, nagawa ko lang ilihim ang aking mga nalalaman dahil sa kagustuhan ng iyong mga magulang. Ayukong pangunahan sila dahil wala akong karapatan! Isa lang akong katulong, patawarin mo ako" Umiiyak na paliwanag ni nanay. Pinipilit pa nitong lapitan si Hania ngunit hindi niya magawang makalapit.
"Buong buhay ko tinuring kitang parang totoo kong ina! Sa araw-araw kasama kita! At dahil don may karapatan kang sabihin sa aking kong ano ang totoo! Bakit pati ikaw ya? Bakit pati ikaw nagawa akong pagsinungalingan? Ang sakit! Ang sakit-sakit! akala ko iba ka, iba ka sa mga magulang ko. Pero wala ka palang pinagkaiba sa kanila!" Humagolgol ito ng tuluyan. Nasasaktan din ako, dahil ang dalawang taong importante sa buhay ko ay unti-unti ng magkakalayo ang loob sa isat-isa. Hindi ako handa sa ganitong bagay.
Hindi na nakapagsalita si nanay dahil sa labis na pag-iyak. Maging ako, walang lumalabas na salita sa bibig ko, ni hindi ko magawang ipagtanggol ang nanay ko.
"A-akala ko may natitira pa akong kakampi, akala ko may masasandalan pa ako sa mga oras na kailangan ko kayo, pero wala. Kayo nalang sana ang lakas ko pero sinungaling din pala ang taong mga tulad niyo!" May bahid na galit at lungkot na sabi ni Hania.
"Andrew, ikaw ang dahilan kong bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumangon noon. Maraming salamat sa lahat at sa tingin ko, ito na din ang huling araw na magkikita tayo." Diretsong sabi niya sakin sabay lumabas sa kwarto.
Dahil dito tuluyang tumulo ang mga luha ko, iniiwasan ko noon ang mga bagay na makakapaglayo sa amin ni Hania, pero ito na, nangyari na ang isang bagay na kinakakatakutan ko.
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
RomanceZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...
