CHAPTER SIXTEEN

162 85 7
                                    

We got home early dahil walang pasok sa afternoon. Andito ako sa kwarto nagbabasa ng librong hiniram ko kay Andrew. Lean on my shoulder ang title nito

Nasa prologue pa lang ako ng story ramdam ko na yung sakit na dinanas ng Character na babae sa kwento. It seems like we have a similar life story dahil namatayan din ito ng magulang at tanging siya na lang mag-isa sa buhay.

Napatanong ako sa sarili ko. Bakit kailangan pang mag hirap ng isang character sa kwento? Hindi ko naiintindihan ang mga Author kung bakit pinapahirapan nila ang kanilang mga character sa loob ng kwento.

What if mangyari din sa kanila ang mga sinusulat nila sa kwento? Did they think it is easy to handle?. Napabuntong hininga nalang ako at itiniklop ang librong binabasa ko dahil ayuko ng malaman ang susunod na mangyayari sa kwento.

I went out to have some foods dahil 2pm palang ng hapon. At nadatnan ko si yaya na nanunuod ng TV.

"Hi Yaya. What are you watching? " Ngiting bungad ko habang naglalakad patungo sa kanya

"Ah pinapanood ko itong CD na may lamang video mo"
Nakangiti ding sagot ni yaya.

Nagtaka ako dahil wala naman kaming CD's dito sa bahay. At lalong hindi ko alam na ako ang laman ng vedio.

"San mo po nakuha yan yaya?" Nagtatakang tanong ko

"Nahulog kasi nong naglilinis ako sa kwarto mo kaya pinulot ko at pinanuod. halika tingnan mo" Nakalahad pa ang kamay ni yaya sa akin para makalapit ako at matingnan ang pinapanuod niya

I don't know how to explain this feeling inside me but i think im afraid to watch that vedio. Parang kinakabahan ako. Hindi ko alam kong anong nangyayari sakin pero pinilit ko pa rin lumapit. And here it goes...

Biglang bumagsak ang mga luha ko ng makita kong ako nga ang nasa video, kasama ang aking mga magulang. ito yung araw na 5th birthday ko, Ang mga sandaling hindi ko malilimutan kasama ang aking mga magulang.

Umupo ako katabi ni yaya at agad nitong hinagod ang likod ko dahil hindi ko na mapigilan ang pag-iyak dahil naalala ko ang mga sandaling kasama ko pa sila

"Hania baby, come here it's time to blow your cake"

Tawag ni mama sakin sa video na pinapanuod namin. Ayaw ko pa ngang lumapit dahil andon ako sa mga regalong nakahanda para sakin. Natawa pa si yaya dahil hindi ko maiwan ang mga regalong iyon.

Binuhat ako ni daddy at tumatawang hinalikan ako sa pisngi.

"Mamaya na yang mga regalo mo ha? Baby everybody's waiting for you to blow your candle. Aren't you excited?

"I'm excited daddy!" Sobrang excited kong tugon kay daddy

" Come here sweetie." Kinuha ako ni mama kay daddy at pinaharap ako sa cake na para sakin

"Happy birthday to you....... Happy birthday to you.... Happy birthday happy birthday.... happy birthday to you!" Kanta ng nakararami sa akin, handa na sana akong ihipan ang kandila ng pinigilan ako ni mama

"make a wish first" Ngiting bulong nito sakin, tumango naman ako at pinikit ang aking mata at humiling ng

Sana palagi kaming masaya nila mommy at daddy

Yun ang naging hiling ko nong araw na yun pero binaliktad ng tadhana. Tumulo na naman ang luha ko kaya hindi na natapos ang video dahil pinatay na ni ang TV.

"Huwag ka ng umiyak, Ang cute cute mo pa naman sa video" Sabi ni yaya habang pinupunasan ang luha ko.

Napangiti naman ako kay yaya. Palaging siya ang nagcocomfort sakin twing ganito ako dati noong bata pa ako at hanngang ngayon hindi siya nagbabago

Niyakap ko si yaya at bumulong ng pabiro

"Alam ko yaya at hanggang ngayon cute pa rin ako. Mas cute pa sa anak niyo" Natawa pa ako sa binulong ko kaya natawa din si yaya at umiiling na umalis sa pagkakayakap ko.

Nagkatinginan kami ni yaya at sabay na
"Hahahahahahaha" Natawa.

"Ano na namang kalokohan ang sinusumbong mo sa nanay ko ha? hania?" Bungad ni Andrew galing sa pinto kaya napalingon kami ni yaya. may dala itong Drive thru Jollibee.

Ngumisi ako bago sumagot

"Hindi ikaw ang pinag-uusapan namin wag kang feeling" Ngiwi ko sa kanya at tsaka lumapit dahil ang sarap ng dala niyang pagkain

"Pahingi ako" Parang batang sabi ko kaya tumawa si Andrew sabay kurot sa pisngi ko. Namula naman ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

"Para sayo yan" Ngiting sabi ni Andrew at ibinigay sakin ang dala niyang pagkain

"Thank you" Nahihiya pang sabi ko

"Your welcome hania" Sagot ni Andrew na sinabayan ng matamis na ngiti

"Things gonna do by love"

Napalingon kami ni Andrew kay yaya dahil sa sinabi nito at ngisi-ngising naglakad na patungong itaas

Natawa kami ni Andrew dahil sa sinabi ni yaya

"Umienglish na si nanay ngayon ah Hahaha" Umiiling pa si Andrew kaya natawa ako

" Kumain kana ba? Hindi ako nakapag paalam na aalis ako kanina may pinabili kasi si nanay eh."

" Di pa ako kumain may pinanood kasi kami ni yaya"

" Anong pinanuod niyo?"

"Wala yun Hehehe tara na Andrew gutom na ako eh"

" Segi Tara na, Ubusin mo yang dala ko para sayo ha? "

Ngumiti lang ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa Dining area. Kumuha si Andrew ng Plato para lagyan ng pagkain, kumuha din ako ng Juice para sa iinumin namin

" Kain kana hania" Hinila ni Andrew ang upuan para sakin kaya umupo ako at ngumiti sa kanya

"Thanks. Upo ka na rin" Sagot ko rin pero umiling ito

"Kumain na ako hania. Segi na kumain ka na aakyat muna ako para maligo, ayos lang ba?"

" Oo segi. Sigurado ka bang kumain ka na?"

" Oo naman yess!" Sabay gulo sa buhok ko kaya natawa ako sa kanya

" Kumain kana. Maliligo muna ako" Kumaway ito bago umakyat sa kwarto niya. napailing nalang ako sa inasta niya at nagsimula ng kumain

Patapos na akong kumain pero hindi pa nakababa si Andrew at yaya siguro may ginagawa pa si yaya at nag-aayos pa si Andrew. Kaya naisipan kong umakyak muna sa kwarto ko.

Hinahanap ko ang cellphone ko dito sa kama pero hindi ko nakita kaya hinanap ko sa drawer ko. Akmang kukunin ko na sana ang cellphone ko dahil nandito nga pero nakaagaw sa paningin ko ang isang envelope na ngayon ko lang nakita dito

Natabunan kasi ito ng Picture frame na nabasag noon.
Kinuha ko ito at pinagpagan

Ano kaya to?

Nagtataka akong binuksan Kong ano ang laman ng envelope na ito.

May isang nakatuping papel na may nakasulat
' Anak alam kong dadating ang oras na makikita
mo ang envelope na ito. Sana huwag kang magalit
sa amin ng daddy mo pagkatapos mong mapanuod
at mabasa ito. Mahal na Mahal Kita anak

_Mama

One tear scape from my eyes after reading my Mama's letter. Bakit naman ako magagalit sa kanila ni daddy? Ano ba ang laman ng envelope na ito?

Nagtataka, Naguguluhan, Natatakot at Nasasaktan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa envelope na ito.

Sana mali ang iniisip ko mama......




Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now