CHAPTER THIRTEEN

217 135 12
                                    

Kararating lang namin sa school at napakaraming studyanting nagtatawanan, kukwentuhan at may iba ring kararating lang din gaya namin. Nakangiti ko silang pinagmasdan habang pababa ng kotse.

Andito kami ngayon sa may parking lot at wala pa rin kaming kibuan ni hania. Hindi ko na siya kinulit kanina dahil nakalagay ang headset sa tenga niya.

Hindi ko rin alam kung bakit parang ang sakit neto para sa akin. Yung hindi man lang pakinggan ang mga paliwanag mo.

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng may ngiti pa rin sa labi. Syempre hindi ako pwedeng sumimangot. Ayukong ganito kami dahil ang hirap ng hindi pinapansin.

"Tara na? Hahanapin pa natin kung saang classroom tayo" Ngiting bungad ko pagkabukas ng pinto.

Wala man lang siyang reaction sa pagbungad ko. Sasagot na sana si hania ng may nagsalita.

"Andrew! Magkaklase tayo Hehehe kararating mo lang din? Parang excited pang sulpot ni Mica

Ngumiti muna ako bago sumagot" Ahh oo kararating lang namin. Mabuti naman kung magkaklase pala tayo" tapos tingin kay hania na walang reaction na nakatingin sakin.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para alalayang makababa sa kotse, ng akmang tatanggapin na ni hania ang kamay ko muling nagsalita si Mica.

"Akala ko mag-isa ka lang hehe may kasama ka pala" Lumapit pa ito sa akin at tiningnan si hania tsaka kinawayan. Naiilang akong ngumiti kay hania na nakalahad pa rin ang kamay.

Tiningnan niya lang ito at sarkastikong ngumiti bago bumaba at iniwan ang kamay kong nakalahad para sa kanya.

"Sabay nalang tayo Andrew" Ngiting-ngiti pang sabi ni Mica habang sinusundan akong kinuha ang bag ni hania at ang akin sa back set ng kotse. Nakatingin lang si hania sa akin nginitian ko naman siya.

"Ah segi sabay tayo." nakangiti ding sagot ko

"Bag mo" Ngiting lahad ko sa bag ni hania.

Agad naman niya itong kinuha
"Let's go" Sabi niya at naunang maglakad.

Agad naman akong humabol sa kanya at humabol din ng lakad si Mica at tumabi sakin. Kaibigan ko si Mica pero sana hindi muna kami nagkita ngayon dahil lalong nadagdagan ang init ng ulo netong bestfriend ko.

Haysssst.

"Kamusta kana Andrew na miss kita ahh" Sabi niya sakin. Ngitian ko lang ito ngunit napamaang ako dahil agad siyang humawak sa braso ko.

"Hehe Ok lang naman ako." Sagot ko na nakatingin sa kamay niyang nakahawak sakin.

Tiningnan ko si hania at nahuli ko at mata niyang nakasulyap sa kamay ni Mica na nakahawak sa braso ko.

Alisin mo Andrew!!!

"Hindi mo man lang ba ako na miss Andrew? Huhuhu nakakatampo kana Ahh." hinihila niya ang kamay ko kaya may mga studyanting napasilyap sa amin.

Tumawa lang ako at kunwaring kinakamot ang ulo ko gamit ang kamay kong hinahawakan na niya ngayon.

"Diba ikaw si Zahania? Tanong niya kay hania na wala man lang ka ngiti-ngiti sa labi.

Nakakapanibago ka hania....

"Yes why? walang interes na sagot neto.

" Hehehe hindi ba ako nakwento ni Andrew sayo?" Nagulat ako sa tanong niya at agad akong napatingin kay hania na nakatingin din sakin.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now