'Umalis kana, Di kita kailangan'
'Umalis kana, Di kita kailangan'
Ilang beses nagpaulit-ulit ang mga katagang sinabi sakin ni hania bago ako tuluyang lumabas ng pinto na dala-dala pa rin ang pagtataka at kirot sa aking dibdib
Naiintindihan kita hania...
Iintindihin Kita..
Napabuntong hininga akong bumaba ng hagdan at parang wala sa sariling lumilinga sa tahimik na sulok ng bahay.
Nadatnan ko si nanay na nakaupo sa may hapag kainan habang nakatulalang nakatingin sa kawalan.
Nagtataka akong pumunta sa kinaruruonan niya.
"Nay?" Hinawakan ko ang balikat niya at marahang ngumiti.
" Andrew? Kamusta si hania? anong nangyari sa kanya? nakausap mo ba?" May bahid na pag-aalala ang boses ng aking ina. Napabuntong hininga naman akong umupo sa tabi niya.
"Naaawa ako kay hania nay" Nakatungong sabi ko
"Anong nangyari Andrew?" Nag-aalala pa ring tanong ni nanay.
" Nalaman niyang hindi siya tunay na anak ng kanyang mga magulang nay" Ngumiti ako ng mapait habang hindi ko mawari ang reaksyon ni nanay.
" Alam na niya" Pabulong na sabi ni nanay ngunit narinig ko.
" Bakit nay?" Nagtatakang tanong ko
" Alam na niyang hindi siya tunay na anak ng mga kinilala niyang magulang" Mapait na ngumiti si nanay sa kawalan. naguguluhan akong napatingin sa kanya.
"Hindi ko maintindihan nay, bakit? A-ang ibig kong sabihin, alam niyo? N-nay" Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa mga oras na ito.
May alam ka nay?
Ngunit hindi mo sinabi kay hania
"Alam ko Andrew" Naluluhang sagot ni nanay. Napamaang ako at tumingin sa kawalan habang pinipigilan ang mga luha kong gusto ng kumawala
"N-nay" Wala akong ibang masabi dahil nasasaktan ako.
" Alam ko na hindi tunay na anak si hania, Andrew. Alam kong nagtataka ka kung bakit may nalalaman ako at kung bakit hindi ko sinabi ang mga ito kay hania." Tuloy-tuloy ng umagos ang mga luha ni nanay at hindi ako matingnan ng deritso sa mata.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at bumuntong-hininga bago tanungin si nanay.
"Bakit nay? Labis na nasaktan si hania! Kung makikita mo yung lungkot sa mga mata niya--" Hindi ko matuloy-tuloy ang nais kong sabihin dahil naiisip ko ang masakit na kalagayan ni hania.
"Andrew, wala akong karapatang pangunahan ang kanyang mga magulang para sabihin sa kanya ang totoo! Pinakiusapan ako ng mga magulang ni hania na wag kong sabihin ang mga narinig ko. Aksidente kong narinig ang mga magulang niyang nag-uusap tungkol sa katutuhanang hindi nila tunay na anak si Zahania." Pagkukwento ni nanay habang nakatingin sa kawalan.
Hindi ako sumagot, sa halip ay pinunasan ko ang mga luha ko.
" Matagal kong hinintay ang pagkakataong malaman ni hania ang totoo. Andrew, hindi ko ginustong magsinungaling kay hania dahil tinuring ko nang parang tunay na anak ang batang iyon. Nalulungkot at nasasaktan ako dahil sa mga dinanas niyang ito. Sana mapatawad niya ang kanyang mga magulang dahil hindi lang nila gustong masaktan si hania kaya hindi nila nasabi ang katutuhanan. At sana mapatawad niya ako" Tuluyan ng humagolgol ng iyak si nanay. Dali-dali ko namang hinimas ang likuran niya habang ako'y lumuluha pa rin.
"Nay, sana ngayong alam na ni hania ang totoo, sabihin mo pa rin sa kanya na may nalalaman ka. Ang sakit sakit para sakin na makita siyang nagkakaganito."
" Kanina habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, hindi ko mapigilang maiyak dahil nakikita ko yung lungkot at sakit sa kanyang mga mata kahit pa nakapikit. Klase-klaseng ekspresisyon ang nakikita ko sa kanya. Nandun ang pait, pighati at pagsusumamo na makalabas sa sakit na kanyang nararamdaman." Ang sakit sakit saking sabihin na nasasaktan si hania.
"Natatakot ako sa mga pwede niyang gawin Andrew" Si nanay.
Kumalas ako sa paghimas ng likuran niya at tiningnan siya sa mata.
"Noong mga panahong namatay ang kanyang mga kinilalang magulang, ilang beses kong nadatnan siya na naglalaslas at iniinom ang lahat ng gamot na naging dahilan ng muntik na siyang mamatay." Seryusong sabi ni nanay.
" Sa ngayon Andrew wag na wag mong hahayaan si hania na mag-isa. Kahit na ipagtulakan ka niya palayo. Dahil yon ang ginawa niya sakin noon. Pinapalayas niya ako sa bahay na ito at tinatapon niya ang mga pagkain na binibigay ko. Posibling mangyari ulit ang mga bagay na iyon ngayon. Wag mong hahayaang mangyari yon ngayon Andrew, alam kong ikaw ang mas higit na nakakaintindi sa kanya at ikaw ang makakapitan niya. Dahil sa pagdating ng oras na malaman niyang may nalalaman ako, mawawala ang tiwalang binigay niya sakin. Ngunit pinapangako kong hindi ako aalis sa tabi niya kahit anong mangyari at kung maari'y luluhod ako sa harapan niya para humingi ng tawad" Kitang-kita ko ang pagsisisi, pangamba at pait sa bawat salitang binibitawan ni nanay. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Di pa rin tumatahan ang luha ko.
"Gagawin ko nay, gagawin natin. Hindi natin siya susukuan at iiwan. At alam kong mapapatawad ka niya" Hinigpitan ko ang yakap ko saking ina at ramdam ko ang pag hagolgol niya ng iyak saking balikat.
"Patawarin mo ako anak" Mahinang sabi ni nanay. Mapait akong ngumiti sa kawalan.
" Hindi ako galit sayo nay. Naiintindihan kita, alam kong mahirap din sayo na itago ang mga nalalaman mo. Salamat sa pagsasabi sakin ng totoo" Marahang sagot ko na ikinahigpit ng yakap ng aking ina.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa aking ina at marahang ngumiti sa kanya. May kung ano sa loob kong nagagalit sa paglilihim ni nanay ngunit sa kabilang banda naiintindihan ko siya. Sana mapatawad siya ni hania.
Mapapatawad ka ni hania nay..
Mapapatawad ka niya..
Hinatid ko si nanay sa kwarto niya at nagpaalam na babalik ako sa kwarto ni hania.
Habang paakyat ako ng hagdan paulit-ulit kong naiisip ang mga nalaman, nakita at narinig ko. At napatanong ako sa sarili. Bakit ganito ka mapaglaro ang mundo? Bakit hinayaan pang mabuhay ang isang tao kung pinapatay din naman ito sa sakit at lungkot. Napaka mapaglaro ng tadhana. Alam kong hindi lang si hania ang may ganitong pinagdadaanan sa mundong ito ngunit bakit sobra naman ata ang sa kanya?
Hindi kalaunan pumasok na ako sa kwarto ni hania at nagtaka ako kong bakit wala ito sa kanyang kama.
Dali-dali akong pumasok sa banyo na halos masira ko na ang pintuan. Ngunit wala ito. Mabilis akong lumabas at
"Wag kang mag-alala, Hindi ako magpapakamatay" Nagulat ako ng magsalita si hania na hindi ko nakitang nasa may bintana lang pala at nakatingin sa itaas.
"H-hania" May bahid na pag-aalala ang boses ko ngunit meron sa loob kong nabawasan ng kunti ang pag-aalala dahil nagsasalita na ito.
"Akala ko tuluyan ka na ring umalis nong sinabi kong umalis kana" Malamig na sabi niya
" Hindi mangyayari yon hania" Sagot ko sabay lapit sa kanya. Dahan-dahan siyang tumingin sakin ngunit wala akong nakitang ekspresisyon sa mata niya.
"Pero..." Sabi niya at iniwas sakin ang tingin. Nagtaka ako
"Pero gusto ko ng mamatay" patuloy niya at kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Huli na ng makita kong may patalim siyang hawak
Hania......
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
RomantizmZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...