CHAPTER TWENTY FOUR

30 11 0
                                    

Pinatahan ko na ang bata at napag desisyonan kong isama ito sa bahay. Sa kabila ng sakit na pinagdaanan ko naging magaan ang aking pakiramdam dahil sa batang ito.

"Ate? Kayo na po ba ang mag-aalaga sa akin? Masayang-masaya po ako!" Nakangiti na ngayong usad ng bata habang mahigpit na nakahawak saking kamay. Nginitian ko din ito bago sumagot

"Oo, ako na ang mag-aalaga sayo at simula ngayon magiging ate muna talaga ako? Teka, ano ulit ang pangalan mo?" Hindi ko pala alam ang pangalan ng batang ito.

" Andrew po" Ngiting sagot niya na ikinatahimik ko.

"A-ahh Andrew, ako pala si Zahania. Ate Hania nalang itawag mo sakin" sa kabila ng pagkabigla ko sinagot ko pa rin ang bata

"Opo! Anding nalang din po ang itawag niyo sakin hehe"  muling sabi nito. Napangiti akong muli at pinanggigilan ang mataba niyang pisngi

"Oo segi, tara na uuwi na tayo" Tatayo na sana ako ng muli niyang hawakan ang aking kamay

"Ate? Bago ako sumama sa bahay niyo, pwede po bang pumunta muna tayo sa ilalim ng tulay? "May bahid na lungkot na pagkakasabi niya kaya ginulo ko ang buhok niya ngumiti.

"Oo naman" Nalulungkot ma'y ngumiti nalang ako para gumaan ang loob nito.

Tumayo na kami mula sa pagkakaupo sa ilalim ng punong mangga at pumunta kong saan nakaparada ang sasakyan. Hawak ko ang maliliit na kamay ng batang si Anding habang kami ay naglalakad.

Pagkadating namin sa sasakyan, tinulungan ko itong makasakay sa kotse, napangiti pa ako ng palihim ng makita ko itong mamangha dahil sa lamig at lambot ng upuan. Sumakay na din ako at pinaandar ang sasakyan patungo sa tulay.

"Ate? Sasakyan mo po ito? Ang yaman mo pala! Madami bang pagkain sa bahay niyo?" May bahid na excitement ang boses nito habang nakapatong ang kanyang mga paa sa upuan ng sasakyan para makita niya ang mga dinadaanan namin.

"Oo sa akin to Anding,  Hindi naman ako mayaman pero madaming pagkain don sa bahay" Ngiting sagot ko. Napa 'Yes' lang siya kaya napangiti akong muli.

Nakarating na kami sa tulay kong saan nakatira si Andrew, Pababa kami sa ilalim ng tulay at langhap ko na ang ibat-ibang amoy mula sa mga basurang nagkalat maduming ilog. Sinusundan ko lang si Anding hanggang sa makarating kami sa napakaliit na bahay at sira-sira ang mga dingding.

"Ate Hania, dito po ako nakatira. Kaya po gusto ko munang pumunta dito dahil gusto kong magpaalam kay nanay. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos dahil kinuha na siya ng mga tao na maglilibing sa kanya." Malungkot na kwento niya. Tiningnan ko ang sulok ng bahay at don ako nakaramdam ng awa.

Kinuha ni Anding ang munting litrato ng isang matandang babae at unti-unting tumulo ang mga luha niya. Inilihis ko ang paningin ko sa kanya dahil ayukong makita niya akong umiiyak ng dahil sa kanya.

" Nanay? Magpapaalam na po ako sa inyo, doon na po ako titira sa bahay ni ate Hania. Nanay mabait po siya at aalagaan niya ako don. Patawad po nay kung hindi ko kayo natulungan sa sakit ninyo. Mag-iingat ka dyan sa langit nanay. Mahal na Mahal ko po kayo" Habang nagsasalita si Anding ,punong-puno ng luha ang mukha niya, hindi ko na din napigilang umiyak dahil ang sakit pakinggan ng mga salita niya.

Tapos na itong magsalita at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Agad itong humarap sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Ate, Ok na po" Ngiting saad nito. Tumango ako bilang tugon at muli kaming naglakad pabalik sa sasakyan.

Nang makarating kami sa sasakyan, tinulungan ko ulit si Anding sa pagsakay.

Habang nasa byahe kami, nakatulog sa sasakyan ang batang si Anding, napagod yata ito sa kakatingin sa labas kaya nakatulog. Habang ako hindi mawala sa isip kong anong kalagayan ng mga tao sa bahay ngayon

Unti-unti kong napagtanto na mali ako dahil hindi ko sila nagawang pakinggan. Hindi din naman nila ako masisisi sa mga nasabi ko dahil mas masakit sa akin ang sitwasyon na ito

Sana maintindihan niyo ako gaya ng pag-iintindi niyo sakin noon.

Alam ko ding hindi naging maganda ang pag-uusap namin ni Andrew sa bahay kanina, alam kong nasaktan ko din siya.

Mahal Kita Andrew

Muling kumawala ang mga luha ko, pinipigilan kong gumawa ng ingay baka magising ang batang kasama ko.

Malapit na kami sa bahay kaya dahan-dahan kong ginising si Anding.

"Anding? Gising na malapit na tayo" Hindi naman ako nahirapang gisingin ito dahil agad itong dumilat

Agad siyang tumingin sa bintana para tingnan kung ano ang nasa labas.

Nakapasok na kami sa bahay. Tiningnan ko si Andrew at kita ko ang mangha sa kanyang mga mata. Napangiti naman ako at muli siyang kinausap

"Ready kana bang makita ang bahay na titirhan mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Opo ate Hania!" Masiglang sagot nito.

Agad akong lumabas sa sasakyan at binuksan kong saan nakasakay si Andrew, ng mabuksan ko nabigla ako dahil agad itong tumalon sa sasakyan.

"Ate Hania ang ganda po ng bahay niyo! Bahay ko na din ba to? Pwede na po ba akong pumasok?" Sunod-sunod na tanong nito kaya tumango nalang ako sabay ngiti. Agad itong tumakbo papasok sa loob kaya sumunod na din ako.

Bukas ang pinto kaya agad kaming nakapasok, ang tahimik din ng bahay. Siguro nagpapahinga si Yaya at si Andrew.

Tinawag ko muna si Anding dahil nilalaro na nito ang isang papel na ginawang saranggola.

Lumapit itong nakangiti sa akin at agad niyang ibinigay ang saranggolang papel. Nagtaka ako dahil may mga sulat ito.

Wala naman to kanina bago ako umalis ahh?

Inayos ko ang papel at hindi nga ako nagkamali, isa itong sulat.

Hania,

Pinangako kong lagi akong nandito para samahan ka sa anumang bagay,  pero sa ngayon hahayaan na muna kitang mag-isa, dahil alam kong kapag nandito ako ay magiging mas magulo. Patawin mo ako sa mga nagawa ko Hania. Ayos lang sa akin kung hindi mo ako mapapatawad, pero sana bigyan mo ng kapatawaran ang aking Ina, dahil mas matagal ang pinagsamahan niyo kesa sa akin. Wag na wag mong kalimutan na Mahal na Mahal kita Zahania, sana magkita pa tayo ulit

Andrew.

Bumuhos ulit ang mga luha ko. Puno ng pagsisi ang loob ko.

Patawad Andrew.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now