CHAPTER SEVENTEEN

147 77 11
                                    

Hindi ko magawang buksan ang laman ng envelope. Bakit parang ang sakit sakit ng nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan ang nais iparating ni mama sa kanyang mensahe.

Hindi ko alam kong ano ba itong nararamdaman ko. Yung pakiramdam na hindi ko magawang ilabas kong ano ang totoo. Nanlalamig ako at hindi maipaliwanag ang panginginig sa kaloob-looban ko.

Pero parang may sariling utak ang kamay ko na pilit hinihila sa envelope na nabitawan ko na.

Pinangako ko sa sarili kong hindi na ako magiging mahina mama at papa , kaya kakayanin ko ito!

Panghihikayat ko sa aking sarili kahit ang totoo labag ito sa loob ko.

Kinuha ko ang envelope at dahan dahang binuksan.
May laman itong isang CD na may nakalagay na "Para sa iyo ito Mahal kong anak" magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko sa nabasa kong mga salita sa CD.
Sa ilalim nito may isang kulay puting papel na nakatupi.

Kinuha ko ang CD at pinasok sa mini TV ko na pag-aari pa ni papa, pwede itong lagyan ng CD kong may gusto kang panuorin.

Nakita ko si mama at papa sa harap na nakangiti sa video.

Bakit parang hindi ako masaya? Dapat masaya ako kasi nakita ko ulit ang magulang ko.

" Happy birthday anak" Sabay na sabi ni mama at papa sa video kaya unti-unti ng bumigay ang luhang kanina pa gustong lumabas.

" Anak alam mo kong gaano ka namin kamahal ng papa mo. At ayaw naming masaktan ka" Hindi ko maintindihan kong bakit ang lungkot ng mata ni mama sa pagkakasabi niya non. Nakakapagtaka.

"Pero hindi tayo nakatira sa fairytale anak kung saan puro saya lang ang meron.. Alam kong darating ang araw na may darating na unos sa buhay. Anak, Hania may nais kaming ipagtapat ng daddy mo sayo" Tuluyan ng umagos ang luha ko at ang sakit ng dibdib ko. Parang paulit-ulit itong binugbug!

Sana talaga mali ang nasa isip ko mama.....

"Pumunta kami noon ng mama mo sa mall dahil nag cecelebrate kami ng 26 Anniversary namin, May nakitang mga damit na pambata ang mama kaya naisipan niyang bumili kahit hindi pa naman kami nagkakaroon ng anak." Pagsasalita ni papa na may malungkot ding mga mata.

Bakit sinsabi nila sakin ito?!

" Kaya dahil Mahal na Mahal ko ang mama mo pinagbigyan ko siyang bilhin ang mga damit pambata. Matagal na kasi kaming humihiling na sana magkaroon na kami ng anak. Pagkatapos naming Bayaran lahat ng pinabili namin ng mama mo, nagpaalam siyang magbanyo muna kaya nagpaiwan ako sa labas." Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni papa. Wala akong maintindihan!

" Pumasok ako sa banyo noon anak at ako lang mag isa sa loob ng banyo. Pagpasok ko sa banyo, Nakaagaw sa paningin ko ang isang lampin ng bata. Nagtataka ako kung bakit may lampin sa loob ng banyo. Kaya dahan² akong lumapit kung nasaan ang lampin ---a-t may nakita akong isang sa--nggol na napakadumi ng damit at basang-basa na ang lampin na nakatakip sa kanyang kata--wan." Umiiyak na si mama sa kwento niya kaya hindi ko mapigilan ang mga luha ko kahit wala akong ediya kong saan patutungo ang kwentong ito.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now