Lumipas ang isang buwan unti-unti ng nagghilom ang mga sugat. Pinag-aral ko si Anding habang ako tumigil muna. Mahihirapan kasi akong makahabol kasi ilang linggo akong hindi nakapasok. Sinusubukan kong tahakin ang buhay ng kami lang dalawa ni Anding, dahil madalas ang pag-uwi ni yaya sa kanila. Hindi din nito sinasabi Kong ano ang nangyayari.
Sa isang buwan na lumipas, walang araw na hindi ko iinisip si Andrew, paulit-ulit kong tanong sa sarili kung babalik pa kaya siya? Naalala niya pa kaya ako?
"Ate Hania, nakauwi na po ako! Kasama ko po si nanay" Dali-dali akong lumabas ng pinto dahil sa boses ni Anding at alam kong si Yaya ang tinutukoy niyang kasama niya. Nakabalik na ito
Patakbo akong niyakap ni Anding na ikinangiti ko, ngunit dahan-dahang nawala ang ngiti ko ng masilayan ko mukha ni yaya. May bahid na lungkot at parang kagagaling lang sa pag-iya. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ni Anding at hinarap si Yaya.
"Bakit ya? May nangyari ba?" Naguguluhang tanong ko.
Pilit na ngumiti si Yaya at niyakap ako.
"May kailangan kang malaman anak" usad ni yaya habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Biglang kumabog ang puso ko.
"Pasok muna tayo sa loob ya. Alam kong pagod kayo at gutom kumain muna tayo" Sabi ko at tumango naman si Yaya. Sabay kaming pumasok dahil nauna ng pumasok si Anding at nagtungo sa kwarto niya.
Nang makapasok kami, iniwan ko muna si Yaya sa sala para makakuha ako ng maiinom sa kusina. Hindi ako mapakali dahil kilos ni yaya. Alam kong hindi magandang Balita ito. Gayun paman pinakalma ko ang sarili dahil baka mali ang nasa isip ko.
"Uminom po muna kayo ya" lahad ko sa kanya ng maiinom at tumabi ako kung saan siya nakaupo
Uminom lang ng kaunti si yaya bago humarap sa akin.
"Hania, pasensya kana kung madalas akong umuwi ha? Hindi ko tuloy magampanan ang ipinangako ko sa mga magulang mo na aalagaan kita." Simula ni yaya.
"Hindi. Ayos lang naman kami dito ni Anding yaya wag mo ng alalahanin." Ngiting sagot ko
"May problema lang kasi sa bahay kaya madalas akong kailangan doon" Nagsimula ng maging iba ang tono sa boses ni yaya. Kinakabahan ako
" Naiintindihan ko po. Ano nga po yong sasabihin niyo sakin?" Gusto ko na talagang malaman.
"S-si Andrew" Umiwas ng tingin si Yaya pagkatapos niyang bigkasin ang pangalan ng anak niya. Hindi ako nakasagot, ang lakas ng kabog ng puso ko.
"Hania, nong huling araw na nagkausap kayo ni Andrew at umalis ka, nahirapang huminga si Andrew mabuti nalang nakita ko siya. Kaya kinausap ko na umuwi na muna. Sa una hindi siya pumayag dahil ayaw ka niyang iwan dito pero ako ang pumilit sa kanya na umuwi muna at pinangako ko sa kanyang aalagaan kita" kwento ni yaya, unti-unti ng tumulo ang luha ko at bulta-bultahing kaba ang nararamdaman ko.
" Lagi ka niyang kinakamusta sakin sa tawag pero habang kausap ko siya sa telepono parang nahihirapan siyang huminga kaya tinanong ko siya kong mabuti ba ang kalagayan niya. Mabuti naman daw ngunit hindi ako kombensido sa sagot niya kaya umuwi ako" patuloy ni yaya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Hanggang sa umuwi ako, at doon ko napagtanto na" Umiiyak na ito.
"A-anong nangyari kay Andrew Yaya?!" Hindi ko na napigilang sumigaw at umiyak na din
" Kagaya ng tatay niya, m-may sakit sa puso si Andrew anak. Kanser sa puso stage 4" Pagkatapos sabihin ni yaya. Hindi ako nakapagsalita, parang ayukong gumalaw sa kinauupuan ko.
" Hania, pasensya kong nilihim ko sayo. Hiniling ni Andrew na huwag ipaalam sayo pero hindi ko na kayang ilihim pa dahil alam kong ikaw ang gusto niyang makita kahit hindi niya sinasabi sa akin" Dahil sa sinabi ni yaya tuluyan akong humagolgol. Hindi ko matanggap, at ayukong paniwalaan.
Niyakap ako ni yaya ng mahigpit na naging dahilan ng pasigaw akong umiyak. Hindi ko na kayang pigilan.
Bakit Andrew? Bakit ikaw pa?
" A-anak? Gusto mo bang sumama sa akin? Naka confine si Andrew ngayon sa isang malapit na ospital sa amin" Saad ni yaya. Tumango ako habang iyak pa din ako ng iyak.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay yaya at nagsalita
"Gusto kong puntahan si Andrew ngayon yaya. Mag iimpake lang po ako at isasama ko si Anding" Pagkatapos kong magsalita agad akong kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ko habang hindi mapigil ang luhang tumutulo sa mga mata ko.
Pagkapasok ko sa kwarto kinuha ko ang mga gamit na dadalhin ko, hindi ko na alam kong tama ba tong mga nilagay ko sa bag dahil sa pagmamadali. Agad akong natapos kaya pinuntahan ko si Anding.
"Ate? Bakit po?" Hindi ko na nakuhang sagutin pa ang tanong nito dahil agad kong nilabas ang ilan sa gamit nito
"Ate bakit ka po umiiyak? palalayasin niyo po ba ako?" Napalingon ako sa tanong nito
"Hindi ding, aalis tayo sasama ka sakin kaya magbihis kana bilis!" Sagot ko kaya nagbihis na ito agad.
Hindi naman ako nahirapang mag impake kaya bumaba na kaagad kami ni Anding. Nakahanda na din si Yaya sa sala kaya lumabas na kami kaagad.
Habang nasa byahe hindi ako mapakali. Nasa likuran kami ni Anding habang nasa unahan si yaya kasama ang driver ko. May kalayuan daw ang lugar nila Yaya kaya nasa dalawang oras ang byahe.
Lumipas ang dalawang oras at nakarating na kami sa hospital, kinakabahan ako, nanginginig ang kamay ko. Papasok na kami sa hospital, nauna si Yaya habang hawak-hawak ko si Anding.
Nasa labas na kami ng kwarto kung saan naka confine si Andrew. Ang lakas ng kabog ng puso ko, parang gusto kong humakbang papalapit kasi siguradong iiyak ako.
"Hania, pasok na gising si Andrew" Saad ni yaya, naunang pumasok si Anding at rinig kong binati nito si Andrew
Papasok na sana ako ng marining ito magsalita.
"Sinong bata to nay? Ang cute naman nito" Masiglang sabi ni Andrew mula sa loob
Matagal kong gustong marining ang boses na yan.
Tuluyan na akong pumasok dahilan para mapatingin siya sa pinto. Pinipigilan kong dalhin ako ng emosyon ko.
"H-hania" Hindi makapaniwalang wika nito, ramdam ko ang pagbago ng emosyon niya
"Hi" pigil emosyong sagot ko.
Nakita kong tumingin ito sa kanyang Ina. Halatang tinatanong kung bakit nandito ako.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap ito.
"A-andrew" umiiyak na usad ko
Niyakap niya ako pabalik at ramdam ko ang higpit nito
"Pasensya kana kong iniwan kita ha?" Sumisinghot na sabi nito sabay himas sa buhok ko
"Na miss kita, wag mo na akong iwan ulit" hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko pero bigla siyang natahimik sa sinabi ko.
Hindi Andrew, Hindi ako papayag na iwan mo ako ulit.
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
RomanceZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...
