EPILOGUE

78 11 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw at taon unti-unti kong natatanggap ang pagkawala ni Andrew. Tinupad ko ang mga bilin niyang huwag akong malulungkot at tahakin ang buhay na may ngiti sa mga labi, lakas ng loob at mabuting puso. Napakaproud ko sa kanya dahil lumaban siya, dahil nagawa niyang tuparin ang mga pangarap namin kahit nasa bingit ng kamatayan.

Noon tinatanong ko kung bakit ang daya ng mundo, pero dahil sa mga nangyari ako din mismo ang nakasagot nito.
Patas ang mundo pero hindi ito naka depende sa kapalaran mo. Kapalaran ko ang mawalan ng magulang, maluko, at mawalan ng taong minamahal pero alam kong hindi ako naging dehado. Dahil natuklasan ko ang totoong daloy ng mundo, na kahit gaano pa kasakit ang naranasan mo, may isang araw na inilaan para matamasa mo ang pinakamasayang pangyayari sa buhay mo. At yon ay ang pagmamahalan namin ni Andrew.

Life is short but beautiful, Because living a life with Andrew is worth more than any beautiful things in this world.

And one thing I've realized, some things have to end for better things to begin because life is not what we want it to be

This is not the end of our story, Because one day, I know  we will meet again and that would be road to forever.
                                 END

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now