Gusto ko mang umiyak, pinili ko nalang punasan ang mga luha ko at sinubukang ngumiti.
Pumunta ako kong saan nakaupo si Anding para ayain itong kumain. Naamoy ko na din ang mabangong amoy ng pagkain kaya alam kong nandito pa rin si yaya.
Agad namang tumakbo si Anding kong saan naamoy niya ang mabangong niluluto ni yaya. Sinundan ko ito sa kusina.
"Aba'y sino kang bata ka? Pano ka nakapasok dito?" Rinig kong sabi ni yaya kay Anding. Di muna ako nagpakita.
"Si ate Hania ko po" Masiglang sagot ng bata. Napangiti ako at nagpakita kay yaya.
Nabigla siya ng makita ako at kita ko ang namumuong luha sa kanyang mata, ganun din ako. Lumapit ito sa akin at nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod ito
"P-patawarin mo ako Hania, Hindi ko talaga ginustong mag-" Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil agad ko itong pinatayo.
" Nangyari na Yaya. Hindi na natin maibabalik pa, at naiintindihan ko din kong bakit mo nagawa yon" naluluha ma'y sinubukan kong ngumiti para maging magaan ang kanyang kaluoban.
"Salamat anak, maraming salamat" niyakap ako nito. Ngayon napagtanto kong gumaan ang loob ko pero nasisiguro kong may kulang
At ikaw yun Andrew
"Ano pong niluluto niyo ya? Ahh oo nga pala siya si Anding, mula ngayon dito na siya titira" Nagtatakang tumingin si yaya sa aking sinabi. Niyakap naman siya ni Anding kaya palihim akong natawa
" Pwede ko po ba kayo tawaging nanay? Saad nito habang nakayakap sa mga binte ni yaya. May katangkaran kasi ito kaya di pa abot ng bata ang bewang nito.
Ginulo ni yaya ang buhok ng bata at umupo para harapin si Anding
"Oo naman, ikaw ba ay nagugutom na?" Nakangiting tanong ni yaya, tumango naman si Anding. Sinabihan niya muna itong pumunta sa lamesa para doon maghintay.
Nang wala na si Anding hinawakan ni yaya ang mga kamay ko.
"Alam kong mabigat pa rin sa loob mo ang mga nangyari, mahirap hilumin ang sugat na iyan sa iyong puso pero maghihilum din yan Hania." Ani ni yaya, pinunasan ko muna ang tumulong luha sa mata ko bago sumagot
"Sana mapatawad mo din po ako sa mga nasabi ko sa inyu, alam kong nasaktan ko din kayo at si Andrew" Sinserong sagot ko.
"Naiintindihan ko Hania, akala ko nga hindi mo na ako mapapatawad pa pero talagang nananatili pa ring mabuti ang iyong puso at pinili mong magpatawad kesa magtanim ng sama ng loob. Wag kang mag-alala Hania hindi galit sayo si Andrew. Umalis lang siya dahil ayaw niyang madagdagan ang sakit na nararamdaman mo, at babalik yon dahil hindi ka matitiis non" Dahil sa huling sinabi ni yaya gumaan ang loob ko. Muli kaming nagyakapan at natawa dahil nakita namin si Anding na nakangusong naktingin sa amin. Kumalas ako sa pagkakayakap at nginitian si yaya
"Sino pala ang batang iyan? Bakit mo isinama dito?" Nagtatakang tanong ni yaya
"Ang batang yan ang nagpagaan ng loob ko ya, he made me realize na hindi lang ako ang may pinagdadaan na ganito, dahil mas masakit ang pinagdaanan ng batang iyan, naranasan niyang maghanap buhay sa murang edad at mawalan ng magulang" kwento ko habang nakatingin kay Anding
"Kawawa din pala ang batang iyan." Buntong-hiningang saad ni yaya. Tumango lang ako at napabuntong-hininga din.
Iniwan ko muna si Yaya sa kusina at nagtungo kong saan nakaupo si Anding.
"Anding? Nagugutom kana ba? Malapit na matapos ang niluluto ni yaya" nakangiting saad ko at pinisil ang pisngi nito.
" Ate Hania? Saan po ang nanay at tatay mo?" May halong excitement na saad nito. Napatungo ako bigla
" Ahh Anding, may pupuntahan muna ako sa taas ha? Dito kana muna kakain na din tayo pagkabalik ko" Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ng bata kaya minabuti ko na munang umakyat sa kwarto.
Masasaktan din kaya ang batang ito kung sasabihin kong pariho kaming pinagkaitan na ng magulang?
Tumulo ang isang butil na luha mula sa mga mata ko habang paakyat ako sa hagdaan at mas lalong nadagdagan ng tuluyan akong makapasok sa kwarto.
Ang gulo, basag lahat ng picture frame, nagkagulo ang mga unan at kumot pero nandoon pa rin ang pagkain na dinala ni Andrew para sa akin.
Nakaupo ako sa kama habang inaalala ang mga nangyari. Hindi ko maintindihan kong bakit ko pinagdadaan ang mga bagay na hindi ko ni minsang napagdaan noon. Pero nagpapasalamat ako dahil may mga taong nanatili para iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa.
Naalala ko ang isang taong nagparamdam saakin noon.
Si Andrew.
Muling sumikip ang dibdib ko. Napaka selfish kong tao, di ko man lang inisip ang mga kabutihang nagawa niya sakin, yung mga araw na lagi siyang nasa tabi ko, siya ang dahilan kung bakit ako natutong bumangon. Pero sinayang ko.
Sana hindi pa huli ang lahat para mapatawad mo ako Andrew. Sa oras na maghilom ang lahat ng sugat dito sa puso ko, pupuntahan kita Andrew. Pangako
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang lahat ng kalat sa loob ng kwarto. Habang nakatalikod ako, may narinig akong humihikbi
Si Anding.
"Ate Hania? Wala kana ding nanay at tatay?" Umiiyak na sabi nito kaya agad akong lumapit sa kanya at sinubukan siyang patahanin
"Bakit ka nila iniwan ate? Kaya pala ang lungkot-lungkot mo, may sakit din ba sila sa puso gaya ng sa nanay ko?" Seryusong tanong nito na ikinaiyak ko.
Niyakap ko ito dahil humagolgol na ito ng tuluyan. Ang sakit-sakit din palang makita mo ang isang batang umiiyak dahil nawalan ng magulang at umiiyak dahil may nakikita itong taong nasasaktan dahil nawalan din ng magulang gaya niya.
"Hindi Anding, Hindi. Ito ang isipin mo ha? Kaya sila kinuha sa atin dahil may bagong taong dadating. Gaya natin, ako nawalan ako ng magulang pero dumating sa buhay ko ikaw. Kaya huwag kanang umiyak ha? Aalagaan ka ni ate" Umiiyak may nagagawa kong pagaanin ang loob niya
" Salamat ate k-kasi dumating ka sa buhay ko" Hindi inakalang sasabihin niya ito kaya mas lalo ko itong niyakap.
Ipaparamdam ko sa batang ito na hindi siya nawalan ng magulang, aalagaan ko ito at mamahalin na parang isang tunay na kapatid.
Pinahiran ko ang mga luha ko at bumontong-hininga.
"Baba na tayo? Maraming pagkain don." Ngiting saad ko, ngumiti din ito na parang hindi umiyak
"Opo ate!" Nagbalik na ng sigla nito.
Sabay kaming lumabas ng hawak ko ang kanyang kamay. Ang swerte ko dahil binigyan ako ng panginoon ng isang batang magpapagaan ng buhay ko, maliban sa lalaking mahal ko.
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
RomanceZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...