Nagising ako dahil sa narinig kong humihikbi sa tabi ko at ng imulat ko ang aking mga mata
Teka? Asan ako? bakit iba na ang suot ko? N--nasa o-ospital ako?
Tiningnan kong maigi ang bawat sulok ng kwarto at hindi nga ako nagkakamali. Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Andrew teka? asan si Andrew?!
Tiningnan ko yaya sa tabi ko na umiiyak. Bakit ka umiiyak yaya may masama bang nangyari?
"Yaya w-what happened?" Kinakabahang tanong ko
"Asan si Andrew? Anong nangyari yaya?
"Yaya Sagutin mo ako!! May nangyari ba kay Andrew?! Naiiyak na ako dahil sa mga inasta ni yaya at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"H-hania wag kang magugulat sa sasabihin ko" Humihikbing sabi ni yaya. nanlaki ang mata ko at hindi na mapigilan ang mga luhang kanina pa pumpatak!
"No! No! Wag kang magbibiro ng ganyan yaya" Niyoyogyog ko sa balikat si yaya pero iyak parin ito ng iyak.
" Hania walang may gusto sa nangyari" Nakatungong sagot ni yaya
Agad akong umalis sa kama at patakbong lumabas papunta sa nurse station.
"Nurse? Anong room number ni Andrew Sual?" Nagmamadaling tanong ko sa nurse
" Ah room number 21 po mam pero mukhang nilipat na po siya dahil...." Hindi ko na pinatuloy ang nurse dahil hindi ko gustong marinig ang sasabihin niya
Lakad takbo ako papuntang room 21. Nag dalawang isip akong buksan ang pinto dahil parang di ko kaya ang makikita ko.
Andrew pleaseeee wag ganito T_T
lakas loob kong binuksan ang pinto habang patuloy pa ring dumadaloy ang mga luha ko.
Pag pasok ko sa loob nadatnan ko ang dalawang kasing edad ko lang. Babae at lalaking umiiyak sa harap ng pasyenting nakatabon na ang mukha ng puting tila.Natakpan ko ang bibig ko sa mga nakita. Agad akong tiningnan ng babae.
"Ikaw ba si Zahania? Ang bestfriend ni Andrew?" tanong ng babaeng umiiyak din
Tumango lang ako habang hindi pa naalis ang kamay kong nakatakip pa sa aking bibig.
Akala ko ba sasamahan mo akong maging masaya Andrew? Akala ko parati kang nandito para sa akin? Pero bakit ang sakit sakit neto Andrew?.
Humagolgol na ako habang unti-unting lumapit sa kama niya. Akma kong bubuksan ang puting tilang nakatakip sa kanyang mukha ng may nagsalita.
"Sobrang bait niyang tao Zahania. Hindi ko matanggap na ganito ang mangyayari sa kanya ngayon" Umiiyak na sabi neto sa akin.
Dahan-dahan kong binuksan ang puting tilang nakatakip sa kanyang mukha habang humagolgol pa rin. At duon na tuluyang nawasak ang mundo ko ng makita kong si Andrew ang nasilayan ko!!" Andrew! Wag naman ganito please! Wag mo akong iwan ng ganito! I thought you want to spend your life with me? Na mag bestfriends tayo at di natin iiwan ang isat-isa! Akala ko ba tutulungan mo pa akong maging masaya?! Andrew please gumising ka!! ikaw na yong naging karamay ko Andrew pero iiwan mo lang din ako?! Magpapakamatay nalang din ako!!!" Tuluyan na akong humagolgol na yakap ang katawan niya.
YOU ARE READING
Lean On My Shoulder(COMPLETED)
RomansaZahania didn't care the word happiness and importance when her parents left and let her lived the world alone. While there is a guy who named Andrew, a guy who have hopeful thoughts, charming personality and inspiring life story that make her life...