CHAPTER TWENTY ONE

47 11 0
                                    

Sa kabila ng ginawa kong pagtatabuyan sa taong lagi akong sinasamahan, ito siya ngayon patuloy akong iniintindi at inaalagaan.

Hindi ko lubos maisip kong bakit may taong nagagawa nilang ngumiti kahit sa loob nila'ay nasasaktan din.

" A-andrew? Bakit ang tapang-tapang mo?" Tanong ko habang nakaupo sa isang silya na malapit sa hugasan ng pinggan. Hinuhugasan kasi ni Andrew ang pinagkainan namin kanina.

"Matapang ba ako Hania?"  Pabalik na tanong din nito sakin

" Oo, ang dali lang sayong ngitian ang mga problema kahit alam kong nasasaktan ka din. Kanina noong pinagtabuyan kita, alam ko at ramdam ko na nasaktan ka sa mga sinabi ko. Pero bakit? bakit hindi mo makuhang magalit at magtanim ng sama ng loob?" Seryusong tanong ko habang nakatungo at pinipigilang tumulo ang mga luha ko.

" Sa totoo lang Hania, hindi ako matapang at hindi totoong hindi ko magawang magalit at magtanim ng sama ng loob. Naiintindihan ko kanina kung bakit mo nasabi ang mga katagang yun, dahil alam kong may pinagdadaanan ka, alam ko kung gaano kasakit ang mga nalaman mo. Oo nasaktan ako sa ginawa mong pagtabuyan sakin, pero hindi ko na inalala ang mga nararamdaman ko dahil sa ngayon mas importante sakin ang nararamdaman mo kaya isasantabi ko muna yung sa akin at tutulungan muna kitang paghilumin ang mga sugat dyan sa puso mo."Seryusong sagot nito sa akin na patuloy pa rin sa paghuhugas ng pinggan. Ramdam ko yung pangingilid ng luha ko at pagsikip ng damdamin ko

Hindi ako sumagot at palihim na pinahiran ang mga luha ko. Ayukong mag-alala na naman ito sa akin kaya ayukong makita niya na naman ang mga luha ko kaya pinigipigilan kong umiyak at wag ipakita sa kanya na hindi parin naibsan yung sakit na dulot ng kasinungalingan ng magulang ko.

Agad akong ngumiti ng mapansin kong patapos na ito at tumingin sa akin.

" Hindi mo matatago sakin ang  totoong sinasabi ng mga mata mo Hania, naalala mo yung sinabi ko dati? normal lang sa buhay natin ang masaktan, at umiyak Hania. Pero kailangan matuto tayong bumangon sa hamon ng buhay, wag natin hayaang lamunin ang puso natin ng galit at kalungkutan. Bumangon tayo hanggat kaya pa, hanggat may nakikita pa tayong pag-asa dahil andyan ang diyos Hania, gagabayan ka niya at hindi niya hahayaang sumuko ka" Hawak ng dalawang kamay niya ang mukha ko at pinupunasan ang mga luhang hindi ko na mapipigilan. Ramdam ko ang sinseridad at pag-aalala ni Andrew kaya ayukong tingnan siya at manatili nalang nakatungo.

"Hania" sinilip niya ako dahil sa labis na pagkakatungo ko at dahan-dahang inangat ang mukha ko para tingnan siya. Agad siyang ngumiti at pinilit na pangitiin ako gamit ang mga kamay niya.

" Ayukong malungkot ka, kaya ngiti kana" Sabi nito sakin kaya ngumiti ako at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik at bumulong

" Parang kailan lang nong mga araw na  sinusungitan mo ako pero ngayon niyayakap mo na ako" bulong nito sakin na nakangisi pa. Gusto kong kumawala sa pagkakayakap sa kanya dahil sa hiya pero hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin at alam kong palihim itong tumatawa.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Bakit ako nahihiya?
Yakap lang naman ahh?

"A-ahh Andrew?" Nauutal pang sabi ko dahil hindi pa din ako nito pinapakawalan. Mas humigpit lalo ang yakap niya.

"Andrew" tawag ko ulit, rinig ko ang tawa nito.

Inaasar niya ba ako?

"Andrew!" Wala pa rin akong makuhang sagot

Nang-aasar nga!
Talaga lang ah?!

"May narinig akong sinabi mo" Hirit ko, alam kong bibitawan ako nito

At hindi nga ako nagkamali, nagulat ito sa sinabi ko kaya agad akong binitanawan mula sa mahigpit na pagkakayakap niya.

"Anong narinig mo Hania?" Kita ko ang kaba niya at parang hindi mapakali. Palihim akong natawa sa iniasal niya.

" Wala. Inaantok na ako" seryuso kunwaring sabi ko at agad na tumalikod para umakyat na sa taas

"Ahh hehe kala ko seryuso ka don, samahan na kita" sumunod ito sakin, hindi ko siya tinitingnan at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa narating namin ang kwarto ko.

"Pasok na ako Andrew, salamat sa dinner" Kinausap mo mina ito bago ako papasok sa loob ng kwarto.

"Segi. Matulog kana agad ha? Wag kana mag-isip ng kung ano-ano. Magiging maayos din ang lahat" Ngiting saad nito. Ngumiti din ako at tumango

"Goodnight" sabi ko
"Goodnight Hania" sagot ni Andrew

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Lalakad na sana ako patungo sa kama ngunit may narinig akong nagsalita sa labas kaya huminto muna ako at lumapit palapit sa pinto.

"Anak, kamusta si Hania?" Rinig kong tanong ni yaya. Alam kong nag-aalala din si yaya kaya ayukong abalahin siya at pag-alalahin

"Mabuti-buti na naman nay, kaya lang may sinabi siya sakin kanina na narinig niya galing sakin" sagot naman ni Andrew napangiti ako dahil naalala ko ang itsura niya kanina.

"Nay? Hindi kaya narinig ni Hania ang pinag-usapan natin tungkol sa mga nalalaman mo tungkol sa kanya?"Dagdag na sabi ni Andrew na ipinagtaka ko.

Anong sinasabi mo Andrew?
Anong nalalaman mo yaya?

"Anak hindi pa ngayon ang oras para sabihin ko sa kanya ang mga nalalaman ko. Alam kong mali na itago ko sa kanya na matagal ko ng alam na hindi siya tunay na anak ng mga magulang niya, pero ayukong dumagdag sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Hayaan mo ipapaintindi ko sa kanya ang lahat kapag naging maayos na siya."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Parang pinalo ng tubo ang mga paa ko dahil unti-unti itong nanghina hanggang sa tuluyan akong makaupo sa sahig.

Ramdam ko yung pamumuo ng mga luha ko, nanghihina ang buong katawan ko.

Hanggang sa tumakbo ako sa kama at doon inilabas lahat ng luha ko. Ang sakit-sakit! May alam si yaya pero hindi niya sinabi sakin!

Sa lahat ng tao si yaya ang isa sa mga minahal ko ng sobra at pinagkakatiwalaan ko! Pero isa din pala siya sa taong sasaktan ako ng ganito! Pano niya nagawa sakin to? Humagolgol ako ng tuluyan. Ramdam ko yung galit sa loob ko!

"Pinagkatiwalaan ko kayo! Pati ikaw Andrew! P-pero bakit nagawa niyo sakin to! Mga manloloko kayo!"  Sigaw ko at tinapon lahat ng unan.

Ang mga taong nagsabi sakin na maging matatag at lumaban, sila din yung mga taong hindi ko alam kong mapapatawad ko pa.

Ang sakit-sakit, Si Andrew  unti-unti na akong naniniwala sa kanya. Siya yung nagsisilbing lakas at kinakapitan ko pero ito pala ang kapalit.

Sana hindi nalang kita naging yaya

Sana hindi nalang kita nakilala Andrew

"Simula ngayong gabing to, kakalimutan ko na lahat ng naging ugnayan ko sa inyu" Sabi ko sa sarili habang nag uumapaw pa din sa luha.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now