Chapter 63| "Stay With Me Forever"

81 9 0
                                    

Cember's POV

8 years later...

Ilang taon na ang nakalipas. Nakapag tapos na ako ng college at ngayon naka upo ako sa office ko. May kumatok sa pintuan. "Come in!" Sigaw ko, at nakita kong pumasok ang aking secretary.

"Ms. Lanna, you have a visitor, should I let him in?" Tanong ng secretary ko.

"Him? Who is he?"

"Mr. Kaizar Lino." Agad lumaki ang mata ko.

"He's back." I whispered.

Sa sobrang excited ko agad akong lumabas sa office ko. Pag labas ko, nakita ko siya. Nung nakita niya ako, agad siyang tumayo at ngumiti.

Tumakbo ako papunta sakanya at agad ko siyang niyakap. "I miss you so much!" Sabi ko habang yakap si Kaizar. Narinig ko siyang nag chuckle.

"I miss you too, my Cemcem." Sabi niya. Nilet go na namin ang yakap sa isa't isa.

"Why are you here?" Tanong ko. "I mean, akala ko ba busy ka ngayon?"

"Palusot ko lang yun para isurprise ka. Yes, I am busy, but I'll always make time for you." Napa tingin ako sa paa ko sa sobrang kilig. Hinawakan niya kamay ko kaya tinignan ko siya. "Come, let's have dinner." Hihilain niya na sana ako kaso pinigilan ko siya.

"Yung bag ko na sa office, wait lang. Masyado naman toh excited." Sabi ko at narinig ko nalang siyang tumawa. Kinuha ko yung bag ko at aalis na sana kami ni Kaizar kaso tinawag ako ng secretary ko.

"Ms. Lanna, you still have a meeting with the investors today."

"Then cancel it. Tell them I'll meet them tomorrow because I'm having dinner with my boyfriend." Sabi ko at umalis na kami ni Kaizar.

Now we're having dinner. Natuloy si Kaizar sa pag punta sa ibang bansa, that was 7 years ago. At syempre, 7 years na rin kami. Sobrang daming nangyari sa 7 years na yun. Syempre, buo parin ang A5, yun nga lang minsan nalang kami mag meet dahil busy kami sa pag hahandle ng mga business.

Si Kylie na sa Canada parin, pero nakikipag video call siya kapag may time siya. Si Iella busy rin pero walang pinagbago, makulit parin. Ganun din kay May at Lexi, wala naman masyadong nag bago sakanila.

"Cem?" I looked at him.

"Bakit?"

"Tulala ka ata?"

"Ah, wala. Grabe noh, 8 years ago since naging tayo. I never thought tatagal tayo ng ganto."

"Grabe ka naman. Di naman porket magkalayo tayo eh hindi tayo mag tatagal."

"Di ko naman sinabi yun, meaning ko, ilang years na pala nakalipas. Ang bilis kasi ng takbo ng orasan. Parang kailan lang nag aaway pa tayo tungkol sa Maine na yun. Parang kailan lang nandito si Kylie, buo yung A5." Nakita kong tumawa si Kaizar.

"Oo nga noh, parang kailan lang." May narinig akong familiar na boses sa likod kaya tinignan ko ito. Agad kong niyakap si Kylie. 

"Kelan ka pa dumating?!" Tanong ko nung nag let go na kami sa pagyayakap.

"Kahapon lang ng gabi. Masyado late na kaya di na kita pinuntahan." Sabi niya.

"Alam na ba nila Iella na nandito ka?"

"Di pa. Isusurprise ko palang sila. Hi, Kaizar, long time no see." Nag wave naman si Kaizar.

"Pano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko.

"Well, nabalitaan ko kasi na pupunta si Kaizar sa Pilipinas, eh nainggit ako kaya pumunta na rin ako. Tinext ko siya na dalhin ka sa isang restaurant, kasi mag rereunion tayo."

"Tayong tatlo?"

"Nope. Papunta na rin siguro si—" Hindi pa natatapos ni Kylie yung sasabihin niya kasi bigla siyang tinawag nila Iella. "Sila." Dagdag ni Kylie. Nag group hug kaming lahat. Di lang kami yung nandito, nandito din yung boys.

Ang daming nangyari sa gabing ito. Parang bumalik kami sa pagka-teenager sa mga pinag gagawa namin. Grabe, nakakamiss din pala talaga. Iba talaga kapag kumpleto kaming lahat, sobrang saya.

Na sa loob na kami ng kotse ni Kaizar at papunta na kami sa bahay ko. "Grabe, 3am na nasa daanan parin tayo." Sabi ko at tumawa siya.

"Oo nga eh. Nakakamiss. Alam mo, minsan parang gusto ko nalang maging high school. Yung puro fun lang, walang inaalala na problema or meetings."

"True. Pero wala eh, reality hits. Di naman tayo palagi magiging high school. Pero kung may isa man akong wish, yun ay maging tayo forever." Nag tinginan kaming dalawa na may ngiti sa aming mga mukha.

"Ganun ba? Sige, may pupuntahan tayo." Bigla siya nag u-turn.

"Saan? Sa gantong oras?"

"Oo naman. Di na kasi ako makapag hintay. Matulog ka na muna, medyo malayo kasi yung pupuntahan natin." Ginawa ko yung sinabi niya at natulog ako.

Makalipas ng isang oras, ginising ako ni Kaizar. Nung pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse, bumaba ako. Parang na sa mountain kami na kita namin yung buong city.

"Wow. Bakit mo ako dinala dito?" Tumingin ako sa right side ko at agad na nag form ang mga luha sa mata ko.

"Para tanungin ka ng will you marry me?" Naka luhod siya sa iisa niyang tuhod at may diamond ring na nasa maliit na box.

"Yes." Sabi ko habang tumatango. Nilagay niya yung singsing sa daliri ko at niyakap namin ang isa't isa ng sobrang higpit.

"I love you, Cember."

"I love you too, Kaizar."

Nilet go namin ang hug at hinarap ang isa't isa. "I'm sorry kung sobrang simple ng proposal ko sayo, it's just that I cannot wait anymore." Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"It's okay, di naman importante yun eh. Ang importante, eto tayo ngayon, masaya."

"Gusto ko sana yung unique na proposal eh." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Di ko kailangan ng bonggang proposal, Kaizar. Basta nandito ka ngayon, sapat na sakin yun." Nakita ko siyang ngumiti ng sobra.

"Kaya mahal kita eh, kasi napaka simple mong babae." Tumawa kaming dalawa. "Hintayin natin mag sunrise, para naman kahit papaano romantic." Lalo akong natawa sa sinabi niya.

Umupo kami sa harap ng kotse niya at hinintay na umangat ang araw. Nakayakap kami sa isa't isa habang pinapanood ang sunrise.

Masasabi ko na sobrang saya ko ngayon.

"Stay with me forever." Sabi ko.

"I'll be here with you forever." Sabi ng lalaking mahal ko na si Kaizar Lino.

The End.

.
.
.
.
.
.
.
THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORY!!!!!!!

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon