Chapter 23| Akala

172 11 0
                                    

Cember's POV

Saturday ngayon. At wala ako magawa kaya pumunta nalang muna ako sa park, malapit lang naman ito sa bahay namin eh.

Pumunta ako sa swing. Biglang may nag swing din sa tabi ko, pag tingin ko, si Kaizar.

"Kaizar?! Ano ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong. "Uhm, Cember, may gusto kasi akong sabihin sayo." Seryosong sabi niya.

"Uhm, ano yun?" Tanong ko.

"Cember, I'm sorry ulit dahil iniwan kita nang walang paalam. Di ko sinasadya yun. Ayaw ko umalis pero no choice naman kasi ako kundi sundin ang parents ko." Sabi niya.

"Haha! Ano ka ba, Kaizar. Ilang beses ka na nagsosorry ah. Napatawad na nga kita. Ang kulit mo." Sabi ko naman. Ginulo ko ang buhok niya at agad niya naman itong inayos.

"Okay. Eto na talaga. Cember, dati ko pa tong gusto sabihin sayo kaso natatakot ako na baka iwasan mo ako or masira ang friendship natin. Cember, I like you." At tumigil ang mundo ko.

"S-seryoso ka ba dyan?"

"Ano sa tingin mo? Cember, seryoso ako. Dati pa kitang gusto."

"Eh, bakit hindi mo sinabi agad saakin?"

"Natatakot nga ako na baka masira ang friendship natin or layuan mo ako. Ayaw ko naman mangyari yun noh."

"Tsk. Wala namang masama kung mag confess ka eh. Di naman kita lalayuan, at di rin naman masisira ang friendship natin. Kasi Kaizar, I like you too." Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko.

"Seryoso ka ba dyan?!" Napa tayo naman siya habang naka ngiti. "Oo naman." Sagot ko.

Bigla niya akong hinug ng sobrang higpit.

"MU?" Tanong niya. "Haha okay sige." Sagot ko naman. Hinug niya naman ako after....

"Hoy! Cemby! Gumising ka na! Anong I like you too?! Baliw ka ba. HAHAHA!!" Dinilat ko ang mga mata ko at una kong nakita ay sila Kylie, May, Iella, at Lexi. Panaginip lang pala yun. Akala ko totoo.

"Uhm, sorry. Bakit kayo nandito?" Tanong ko sakanila.

"Eh diba may outing tayo?" Sabi ni Iella. "Ay shocks! Oo nga pala. Hintayin niyo ako, maliligo lang ako saglit!" Agad akong pumasok sa CR at naligo nang mabilisan.

---

Na sa mall of asia kami ngayon. Kasi nag hahanap kami ng gown para sa prom. Ilang days nalang kasi eh. Since Saturday ngayon, siguro 6 days nalang. Kasi sa Friday na yung prom eh.

And finally nakakita na din kaming store para sa mga gowns.

Naka bili na kami ng mga gowns namin. After namin bumili, pumunta kami sa mcdo. Nagugutom na kasi kami eh.

Mga 2 hours din kami nag hanap ng store. Naka upo na kami ngayon.

"So guys, sino mag-oorder?" Tanong ni Iella.

"Ikaw." Sagot naming apat. "Palagi nalang ba tayo ganito? At tsaka palagi nalang ba ako ang mag-oorder?" Sabi ni Iella.

"Ikaw ang maknae dito eh. Kaya kailangan mo kaming sundin." Sabi ni Lexi. "Ano yun, ako lang mag-bubuhat ng inorder natin?" Sabi ni Iella.

"Oo. Bakit hindi? Eh diba hindi ka weak?" Sabi ni Kylie.

"Excuse me, malakas kaya ako. Pero kasi...ano..." Sabi ni Iella.

"Ano?" Tanong naming apat. "Eh basta. Kailangan ko nang isang kasama." Sabi ni Iella.

"Si Kylie. Since siya naman yung sunod na pinaka bata." Sabi ni May. "Aba, bakit ako? Nakakatamad tumayo. Ang sakit na nang paa ko noh. Ikaw nalang May. Since ikaw naman yung pangatlo sa pinaka bata." Sabi ni Kylie.

"Ay jusmeyo. Ayaw ko noh, masakit din paa ko eh. Ikaw nalang Lexi, since ikaw yung pang-apat sa pinaka bata." Sabi naman ni May.

"Bakit ako? Si Cemby nalang since siya yung pang lima sa pinaka bata." Sabi ni Lexi.

"Ako talaga kailangan utusan? Gusto niyo batukan ko kayo? Kylie at Iella, kayo na ang mag-order, since kayo naman ang pinaka bata dito." Sabi ko.

"Haysh. Tara na nga maknae." Sabi ni Kylie habang tumatayo. Tumango nalang din si Iella. Pumunta na sila sa counter at nag order.

"Hay jusko. Inabot pa tayo nang 5 minuto para lang mag decided kung sino ang mag-oorder." Sabi ni May.

"Sinabi mo pa." Sabi namin ni Lexi ng sabay tapos tawa sa huli.

---

Peter's POV

Nag-lalaro kami ni Gab at Carlos ng PS4 ngayon sa kwarto ko. Mamaya mag kikita kami nila Sean para bumili ng isusuot namin sa prom.

Pero ngayon, laro muna.

Lumabas muna ako ng kwarto ko saglit. Naiwan ko kasi yung laptop ko sa dining table eh. Kaya bumaba ako at kinuha ito.

"Uhm, Peter, may sasabihin kami ng mommy mo." Sabi ni dad. "Ano po yun?" Tanong ko.

"Since grade 10 ka na, you will study in UK. For two years lang naman anak. Pero don't worry, pag bakasyon mo na, pupunta tayo dito." Sabi ni dad.

"What?! Bakit kailangan pa po sa UK?! Okay naman po yung school ko dito ah." Sabi ko.

"Anak, kasi, andun yung lolo and lola mo. We have to go there para sa company natin. Uuwi-uwi parin kami ng mommy mo dito para sa company natin." Sagot ni dad.

"Ayaw mo ba anak?" Tanong ni mom.

"Mom, dad, masaya na po ako dito. Di ko na po kailangan mag-aral sa ibang bansa." Sabi ko.

"Anak, we have no choice. Pero kasi kailangan tayo ng lolo at lola niyo doon." Sabi ni dad.

"Kailan po ba ang alis?" Tanong ko.

"Sa June 20." Sagot ni mom.

"Haysh. Sige po. Para kela lola at lolo." Sabi ko. Bumalik na ako sa kwarto ko at naglaro na ulit kami.

---

Na sa mall na kami. Habang papunta kami sa mall, nag search na kami kung anong store ang pupuntahan namin para sa ususuot namin sa prom.

Medyo matagal din kami naka pili. Iba-iba ang styles namin. Kay Sean talaga ang unique, prom king kasi siya eh.

Naka bili na kami ng damit namin. After namin bumili kumain lang muna kami sa Wendy's, mabilisang kain lang.

Kasi maglalaro pa kami sa Tom's World eh. Syempre, di yun mawawala kapag pumupunta kami sa mall.

Haha! After namin mag laro, umuwi na kaming lahat. Naka tulog ako agad, dahil sa sobrang pagod ko.

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon