Cember's POV
Naka uwi na ako sa bahay. Hihiga palang ako ng bed ko biglang may kumatok na sa pintuan ko.
"Pasok!" Sigaw ko. "Nandyan si Peter sa baba. At oo nga pala, ikaw na muna bahala sa bahay ah, may pupuntahan lang kami nila mama. Alam naman namin na pagod ka kaya di ka nalang namin isasama. " Sabi ni kuya, sinara niya na yung pintuan after niya sabihin yun.
Bumaba ako. At nandito nga si Peter. Nakaupo siya sa sofa.
Pumunta naman ako sakanya. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Bukas na ako pupunta sa UK. Kaya gusto kita makasama bago ako umalis." Sabi niya habang naka ngiti.
"Uhm, Peter, gusto ko kasi mag pahinga. Pagod ako eh. Kakauwi ko nga lang eh. At tsaka nakakapagod kaya yung biyahe. Hindi ka ba napagod?" Sabi ko.
"Eh gusto kasi kita makasama eh." Sabi niya.
"Pwede ba bukas nalang?"
"Eh bukas na yung flight ko eh."
"Anong oras ba flight mo?"
"6:00 pm."
"Yun naman pala eh."
"Pero..." Di ko na siya pina tuloy kasi inunahan ko na siya mag salita. "Please. Intindihin mo naman ako. Pagod ako eh. Gusto ko matulog." Sabi ko. Medyo napa lakas yung boses ko dun.
"Okay. Sorry. Balik nalang ako bukas." Sabi niya. Lumabas na siya ng bahay after nun.
Ughhhh. Nakaka stress naman. Bakit pa kasi ako nag yes eh. Bago siya umalis, sasabihin ko sakanya na aksidente lang na nasabi ko ang yes. Sana masabi ko.
---
Na sa airport na kami ngayon. Si Peter, kinakausap niya sila Sean. After ng ilang minutes, pumunta siya saakin.
"Bye. Mamimiss kita." Sabi niya habang nakangiti...pero halatang nalulungkot siya.
"Bye. Uhm, Peter, bago ka umalis. May sasabihin ako." Sabi ko.
"Peter, we need to go na. Baka maiwan pa tayo ng plane." Sabi ng dad ni Peter. "Uhm, wait lang po dad. Cember, ano nga ulit yung sasabihin mo?" Sabi ni Peter.
"Uhmmm...ano kasi...."
"Peter let's go!" Sabi ng mom niya. "Ayaw ko maiwanan tayo ng plane." Dagdag ng mom niya. "Uhm, bye Cember, kailangan ko na umalis eh." Sabi niya tapos hinabol niya yung family niya.
Ughhh!! Bakit hindi ko sinabi! Ang bagal ko kasi mag salita eh. Nakakainis naman.
"Di mo nasabi noh?" Tanong ni Kylie. "Hindi eh." Sagot ko naman. "Sa chat mo nalang sabihin." Sabi ni Iella. "I'll try." Sabi ko naman.
---
January 7, 2019...
"Hi." Napa-lingon naman ako sa likod ko. "Oh, ano ginagawa mo dito? Diba dapat kasama mo yung boys?" Sabi ko.
"Eh ikaw? Ano ginagawa mo dito? Diba dapat kasama mo yung girls." Sabi ni Kaizar.
"Pilosopo ka talaga kahit kailan."
"Biro lang. Muhkang malungkot ka ah. Dahil ba yan sa pag-alis ni Peter? Sayang, sana tinapos niya na lang yung grade 10 dito. 3 months nalang naman eh."
"Kailangan kasi sila doon eh."
"Ahh. Eh bakit malungkot ka? Dahil ba wala yung boyfriend mo?"
"Di ko siya boyfriend."
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Eh sabi niya saamin girlfriend ka niya ah."
"Sumagot ako ng yes kasi ayaw ko siya masaktan. Haysh. Ewan ko ba kung ano pumasok sa utak ko at sinabi ko ang yes kahit di pa ako ready. At tsaka, wala naman akong feelings para sakanya eh."
"What? So, nasabi mo lang yung yes kasi ayaw mo siya masaktan?!"
"Oo. Napaka stupid ko noh?"
"Sobra."
Tinignan ko siya. At tumingin rin siya saakin.
"Alam mo, mas lalo lang siya masasaktan sa ginawa mo. Pwede mo naman sabihin na 'no, di pa ako ready' hindi yung 'yes' agad."
"Alam ko. Kaya nga napaka stupid ko eh! Ako na ata yung pinaka stupid na tao sa buong universe."
"Stupid ka lang. Hindi pinaka stupid sa buong universe. Ang harsh mo naman sa sarili mo. Nagkaka-mali rin naman ang mga tao."
"Alam ko naman. Pero kasi, haysh! Ano ba tong pinasok ko!"
Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa muhka ko. Nabigla ako kasi may nag hug saakin. Which is si Kaizar kasi siya lang naman yung kasama ko dito.
"Wag ka mag-alala. Nandito ako para sayo."
---
Mas naging close kami ni Kaizar. Katulad ng dati. Siya palagi kasama ko...maliban nalang sa A5.
Grabe, medyo namimiss ko si Peter pero wala parin akong maisip kung ano sasabihin ko sakanya. Gusto ko na kasi sabihin sakanya yung totoo. Na nabigla lang ako kaya ako napa 'yes' haysh.
Nanonood lang ako ng tv at biglang may tumawag saakin which is si Peter.
Call: Peter
C: hello?
P: hi! Miss mo na ba ako?
C: medyo.
P: bakit medyo? Nasaktan ako dun ah. Hindi mo ba miss yung boy bestfriend slash boyfriend mo?
C: uhm sorry. Gotta go. Bye.
Call endedHaysh. Ayaw ko na muna siya makausap. Dahil sa tuwing naririnig ko boses niya, palagi nalang ako nawawala sa mood. Haysh.
Peter's POV
Biglang inend ni Cember yung call. This past few days, parang ang strange niya mag act. Sa tuwing kausap ko siya or kachat.
Sana wala kaming problema. Nag-aalala tuloy ako. Haysh.
Tawagan ko nga si Sean.
Call: Sean
S: hello?
P: Sean?
S: oh Peter, bakit?
P: uhm, okay lang ba si Cember. Ang strange niya kasi mag act eh. May problema ba siya?
S: uhm, wala naman. Bakit?
P: ang cold niya eh. Wala naman ako ginawa na ikaka-galit niya.
S: uhm, wala akong alam dyan pre.
P: ganun ba? Wala ba siyang sinabi sayo or what?
S: wala naman.
P: palagi ba kasama ni Cember si Kaizar?
S: ahh ehh bye na muna. Inaantok na kasi ako eh. Bye.
Call endedBakit ganun? Lahat sila pinapatayan ako ng call. Haysh. Sa tingin ko, may problema talaga. Hindi lang nila sinasabi saakin. Haysh.
BINABASA MO ANG
He's Back
RomanceCember Gayle D. Lanna Part siya ng A4, ang A4 ay isang grupo na pinaka sikat sa kanyang school, kinakatakutan sila. Mabait sila, pero kapag kinalaban mo, lalabas ang ibang side nila. Kaya walang kumakalaban sakanila. Isang masipag at matalinong istu...