Chapter 11| Fight

253 14 6
                                    

Kaizar's POV

Lunch na. Pero wala ako sa mood kumain ngayon eh. Lumabas na ako ng classroom kasama sila Sean. "Guys, doon lang muna ako sa likod ng school. Wala kasi akong balak kumain eh." Sabi ko sakanila.

"Sure ka?" Tanong ni Sean. "Oo. Sige, puntahan niyo nalang ako sa likod ng school kapag tapos na kayo kumain." Sabi ko. Tumango nalang sila at nag lakad na sila papalayo saakin.

Pumunta na ako sa likod ng school. Nakaupo lang ako. Nagulat ako kasi may tumabi saakin.

Napatingin naman ako sa may right side ko. WHAT?! ANO GINAGAWA NIYA DITO?!

"Ano ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong. "Ang lonely mo kasi eh, kaya sinamahan na kita." Sagot naman niya.

"Di na kailangan. Lunch na, kumain ka na muna dun. Okay lang ako dito."

"Hindi mo ba ako na miss?"

"Uhm, na miss ki-kita syempre."

"Bakit ka nauutal?"

"Ano kasi, may problema lang sa dila ko ngayon. Medyo masakit eh. Kaya nga wala akong gana kumain ngayon." Maniwala ka please.

"Okay." At naniwala naman siya. Haha!

"Maine?! Bumalik ka na?!" Gulat na tanong ni Sean. "Haha! Yes. Actually kagabi lang. Kaya nga lunch na ako pumasok eh, kasi pagod ako. Excuse naman daw ako eh." Sagot naman ni Maine.

Oo, bumalik na si Maine. Nagulat nga din ako eh, di man lang ako sinabihan na babalik na siya. Ayan tuloy, nabibigla ako sa mga nangyayari ngayon.

"Oh. Sakto, sali ka na namin sa squad." Sabi ni Theo, bigla naman tinapakan ni Lexi yung paa ni Theo. Which is weird.

"Ay. Wag na pala, di mo ata gusto." Binawi naman agad ni Theo yung sinabi niya. "No, actually gusto ko. Since kasama naman yung boyfriend ko sa squad niyo. Kaya sasali na din ako." Sabi ni Maine.

Ewan ko ba kung bakit naiinis ako kapag sinasabi niya na boyfriend niya ako. Argh!

Cember's POV

Lahat kaming girls, nagagalit kay Theo ngayon. Paano, pinapa-sinali ba naman si Maine sa squad! Pero di naman sa sobrang galit. Slight lang. May sinabi kasi ako kela Iella, Kylie, May, at Lexi. Pati na rin sa boys, maliban nalang kay Kaizar.

"Uhm, actually, wala ng space para sayo, Maine." Sabi ni May. "Why? Full na ba?" Tanong ni Maine. "Oo. And, di ka pa namin masyado kilala kaya di ganun kadali na makasali ka sa group." Sabi naman ni Iella.

"Tsk. Sabihin niyo lang, ayaw niyo." Pagmamataray ni Maine. Aba, may ugali din talaga tong babaeng toh ah.

"Eh kung sabihin naming oo!" Yes! Sorry Maine, pero mas mataray si May! Go lang, May! Support ka namin, hihi.

"Aba. Ang kapal ng mukha mo ah!" Sasampalin na sana ni Maine si May kaso pinigilan ni Iella at sinampal si Maine.

"Ouch! Kaizar! Ipag-tanggol mo ako!" Ano ka ngayon sa maknae namin?!

"Tsk. Parang sampal lang. Napaka weak naman." Bulong ni Kylie saamin, pero narinig ni Maine kaya lalo itong nainis. Alam ko na ang balak gawin ni Maine, sasampalin niya si Kylie.

Lahat kami nahalata yun. Kaya bago mag move si Maine, eh nag salita na si Sean.

"Sige, subukan mong sampalin si Kylie, ako ang makakalaban mo!" Seryosong sabi ni Sean na may kahalong galit.

"Kaizar! Ano ba ginagawa mo?! Kita mong inaapi na ako ng mga fake friends mo!" Lahat naman kami nagalit sa sinabi ni Maine, pati na rin si Kaizar.

Bigla kong sinampal si Maine, sumunod naman si May, si Kylie, si Iella, at si Lexi. Ewan ko ba kung bakit natatawa ako sa mga nangyayari ngayon.

Ang saya ko ngayon! HAHAHA!!

"Aray! Ano bang gusto niyo?!" Sasabunutan na sana ni Maine si Lexi kasi mas malapit si Lexi, kaya lang pinigilan ito ni Theo.

"Anong gagawin mo?!" Galit na sabi ni Theo. "Bitawan mo nga ako!" Sumunod naman si Theo.

"Kaizar! Di mo man lang ba ako ipag-tatanggol?!"

"You started the fight. Ikaw na din ang tumapos. At tsaka isa pa, ginusto mo yan. At tsaka di sila fake friends. Mas totoo pa nga ata sila kesa sayo eh." Walang pakielam na sabi ni Kaizar.

Omg. I cannot believe na sinabi niya yun sa girlfriend niya.

"Argh! Babalik nalang ako sa ibang bansa! I hate you all! Kaizar, sasabihin ko kay dad yung ginawa mo saakin ngayon! Pati na rin kayo!" Tinuro niya kaming lahat ang nag lakad na siya papaalis.

"Tol, ikaw ba yan?" Tanong ni Sean. "Oo naman, bakit?" Seryosong sagot ni Kaizar. "Wala, nakaka-gulat lang kasi yung sinabi mo. Pero thank you, tol. Kasi kumampi ka saamin." Sabi ni Sean.

"Kaibigan ko kayo, at tsaka kahit best friend ko yan si Maine, pipiliin ko pa rin kung sino yung tama." Sabi ni Kaizar.

"Eh paano yung kasal niyo? At tsaka yung company niyo kapag nag sumbong si Maine?" Tanong ni Gab.

"Actually, nakalimutan nila dad and mom na may kaibigan sila na pwede tumulong sa company namin. Pinuntahan nila yun, pumayag naman daw. Kaya kung sakaling ayaw na makipag-partner ng dad niya sa parents ko, okay lang." Sagot ni Kaizar.

"Ayos!" Sigaw naman ng boys maliban kay Kaizar. Lahat kami nag-appir.

Di namin namalayan na late na kami para sa next subject which is math. Kaya di nalang kami pumunta sa classroom. Kasi kapag late ka na, di ka na papapasukin.

Wala naman yung teacher namin para sa next subject after ng math. Kaya pumunta nalang kami ng girls sa Starbucks. Yung boys naman, pupunta sa bahay ni Sean.

Nakapag-order na kami. Nag-hihintay lang kami ngayon.

"Grabe, ang astig ng laban kanina." Masayang sabi ni Iella. "I know right!" Sabi naman ni May. Ang lulupet talaga nila pag dating sa awayan.

Walang makakatalo saamin. Kasi kami ang pinaka malakas na grupo sa school, which is A5. Bumalik na kasi kami eh.

Kaya kung sino man ang mang-aapi saamin, di kami papayag na mangyari yun. Yun ay kung may kakalaban saamin. Halos lahat kasi sila takot saamin kaya walang gusto lumaban saamin. Maliban nalang sa isang grupo.

Which is ang grupo nila Faira. Nakakainis nga yung Faira na yun eh, pati na rin ang mga kaibigan niya. Ang sarap itapon sa ilog.

Pero this time, di na talaga kami magpapa-api. Kasi WERE BACK, ang A5.

Tignan lang natin kung mananalo yung Faira na yun saamin. Isasama ko na si Maine, kasi tinuturing na namin siyang kalaban. Dahil sa ginawa niya saamin kanina.

Ang hina-hina nga ng Maine na yun eh. Marunong lang siya magpa-ganda at lumandi. Pero di naman siya maganda. Ew.

Tsk.

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon