Peter's POV
Sumakay na kami ni Sean sa kotse ko at pumunta kami sa park. At pag dating namin dun, nandun parin sila Cember at Kaizar. Hayst.
Pag baba ni Sean, di na siya nag dalawang isip at pumunta na siya agad kela Cember at Kaizar. Kaya wala na rin ako nagawa, bumaba na rin ako ng kotse at pumunta sakanila.
Act cool, Peter.
"Ano nanaman yung balak mo, Kaizar?" Cool na sabi ni Sean. Paano ba maging cool kagaya niya? Ang cool kasi niya eh. Sige na, aaminin ko na mas cool siya kesa saamin. Siya leader eh. Haha!
Tumayo si Kaizar at hinarap niya kami. Walang emosyon yung muhka niya.
"Wala akong gagawing masama. Hindi ako ganun kasama katulad ng mga iniisip niyo. We were friends before, right? Para namang hindi niyo ako kilala. Tss. Porket ako yung naging dahilan kung bakit nagka-amnesia si Cember. You guys are pathetic. Haha! Since I'm done talking to Cember, I'll go now. Bye." Nag lakad na siya papunta sa kotse niya.
Tinignan namin siyang umalis. Pagka-alis niya, tumingin agad kami ni Sean kay Cember.
"Anong meron dyan sa tingin niyo na yan? Wala kaming ginawang masama. And I will never like him again. Sige na, aalis na ako. Inaantok ako eh. Nakaka-pagod tong araw na toh." Nag lakad na siya papalayo, pero hindi pa siya nakakalayo, tumigil siya sa paglalakad, at lumingin saamin.
"Hoy Peter! Mag dinner tayo mamaya ah. Sunduin mo ako sa bahay." Nag tinginan naman kami ni Sean.
"Ayie! Sus! Napaka weak mo naman, bro! Sige, mag handa ka sa date niyo ah. Tara na! Hatid mo na ako saamin."
"Tara." Naka ngiti kong sabi.
Hinatid ko na si Sean sa bahay nila, nag stay muna ako dun ng mga 1 hour at umuwi na rin ako. Pag uwi ko, natulog muna ako.
Pag gising ko, 5 pm na. Kaya naligo na ako tapos nag polo ako. Ewan ko kung ano gagawin namin ni Cember. Ewan ko kung bakit niya sinabi na mag dinner kami.
Sana talaga bigyan ako ng chance ni Cember na mahalin siya. Mas kaya ko kaya siya mahalin kesa sa Kaizar na yun. Tsk.
Sumakay na ako sa kotse ko na La Ferarri, color red . At nag drive ako papunta sa bahay ni Cember. Pag dating ko, nakita ko na siya. Naka dress siya, simple lang. Black dress, walang design o kahit ano.
Pinag buksan ko siya ng pinto sa kotse ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Naka tingin lang siya sa harap habang ako naka tingin sakanya.
"Peter, sa loob ng isang buwan, magde-date tayo. Pero kung hindi nag work, I'm sorry. Pero malay mo naman mag work diba? Pero hindi nga lang ako sure. Mahirap kasi kalimutan ang first love eh." Saka siya tumingin saakin nung tapos na siya mag salita.
Isang buwan? Paano kung hindi mag work? Hindi ko naman siya mapipilit na mahalin niya ako eh. Alam ko naman na si Kaizar parin yung mahal niya. Anong laban ko sa first love niya, diba?
"Alam ko naman na mahirap kalimutan ang first love. Anong laban ko kay Kaizar na first love mo? Wala. Haha! Natatawa na ako sa sarili ko. Alam mo ba yun? Kasi, pinipilit ko parin yung sarili ko sayo. Umaasa parin ako na magiging tayo sa huli. Na merong tayo. Pero asahan mo, sa loob ng isang buwan, papakita ko sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka ka-special sa buhay ko. Okay lang na kahit matapos yung isang buwan na yun at hindi mo parin siya makalimutan, na siya parin talaga at hindi ako."
"Pero Peter..." Di ko na siya pinatapos at nag salita ulit ako.
"Shh. Don't worry about me. Ang daming babae sa mundo, Cember. Alam mo bang sabi nila mom and dad saakin na okay lang kahit ma-busted ako, kasi ang dami pa namang babae sa mundo eh. Ayaw kong paikutin yung mundo ko sa iisang babae lang. Kaya, wag ka mag-alala. Kung hindi ka talaga para saakin, okay lang. Pero kung tayo yung naka tadhana sa isa't isa, mas better diba. Haha!"
"Ang bait mo. Hayst. Di kita kaya saktan, bwiset."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Punta nalang tayo kahit saan mo gusto. Basta gusto ko na kumain." Sabi niya. Sinunod ko naman yung utos niya.
Ang haba ng speech ko. Haha!
Nag drive na ako sa pinaka mahal na restaurant na malapit lang.
"Ilang beses na ako naka kain dito eh." Tumingin siya saakin.
"Eh saan mo gusto?"
"Hanap ka pa ulit. Ayaw ko na dun. Alam mo naman kapag family dinner right? Dyan kami kumakain or sa ibang mamahalin na resto pa. Gusto ko naman sa iba. Yung hindi ko pa natitikman."
"Sige na nga. May alam ako, sana di ka pa nakaka-kain dun." Nag drive na ulit ako sa isang restaurant. Medyo high yung price neto, di katulad sa unang pinuntahan namin na sobrang mahal. Pero barya lang saamin yung price dun.
"Ooh. Muhkang di pa ako nakaka punta dito ah. Haha! Tara!" Bumaba na siya, kaya bumaba na rin ako. Hindi parin ako nakaka kain dito. Nakikita ko lang toh tuwing nakaka daan ako dito.
Papasok na sana si Cember pero tumigil siya. Naka tingin siya sa may right side niya. Ano meron? Pag tingin ko, may isang bata na babae, kasama niya ata yung daddy niya.
"Daddy, akala ko po ba kakain tayo dito ngayon?" Sabi nung bata sa tatay niya.
"Anak, kasi lugi na yung kumpanya ko eh. Tapos si mommy mo naman, nag iipon para sa pang school mo. Kaya pwede bang next time nalang tayo kumain dyan?"
Nakaka awa naman yung bata.
"Akala ko pa naman po, dito ako mag bibirthday. Pero naiintindihan ko naman po kayo kaya next time nalang."
May pumunta na isang guard sa bata at sa tatay nung bata. "Umalis na kayo dito. Hindi naman kayo kakain eh. Last week nandito rin kayo. Pang mayayaman lang dito, kaya alis!"
"Aba, ayos tong guard na toh dito ah." Bulong ni Cember, pinuntahan niya yung guard. Kaya sumunod nalang din ako.
BINABASA MO ANG
He's Back
RomanceCember Gayle D. Lanna Part siya ng A4, ang A4 ay isang grupo na pinaka sikat sa kanyang school, kinakatakutan sila. Mabait sila, pero kapag kinalaban mo, lalabas ang ibang side nila. Kaya walang kumakalaban sakanila. Isang masipag at matalinong istu...