Cember's POV
Graduation na ngayon. Ilang araw kaming hindi nag pansinan ni Kylie at Kaizar. Palagi ko iniiwasan yung dalawa. Hindi ko kasi sila kayang harapin eh.
Naka ready na ako para sa graduation. Sumakay na ako sa kotse at pumunta na kami ng family ko sa school. Pag baba ko ng kotse, agad kong nakita sila Kylie na nag uusap. Pumunta ako sakanila, nagka tinginan kami ni Kylie pero agad siyang umiwas.
"Girls, I'll just talk to my parents." Agad na umalis si Kylie. Napa tingin naman saakin sila Iella.
"Di niyo pa inaayos yung issue niyo?" Tanong ni May.
"Hay naku, graduation na. Ayusin niyo na yan kung ano man yan." Sabi ni Lexi.
"Cem, ano ba talaga kasi nangyari? Bakit ayaw niyo sabihin saamin?" Nag aalalang tanong ni Iella.
"Nagka misunderstanding lang kami. Yun lang." Sagot ko.
"Hays, mag sisimula na yung ceremony. Tara na." Nauna mag lakad si Iella.
"Ayusin niyo yan." Sumunod naman si May kay Iella.
"Nandito lang kami, Cem. Kung ano man yan, please lang, ayusin niyo na." Sumunod si Lexi kela Iella kaya sumunod na rin ako sakanila.
***
Tapos na ang ceremony.
"Picture tayo, guys!" Sigaw ni Iella. Agad naman lumapit sila Kylie kay Iella habang ako naka tingin lang ako sakanila. "Cember!" Sigaw ni Iella, agad akong lumapit kay Lexi at nag picture kami.
"So, saan niyo balak mag-aral? Senior high school na tayo." Tanong ni Iella. Agad kong tinignan si Kylie na parang di mapakali sa tanong ni Iella. Di pa ba niya sinasabi sakanila?
"Well, diba sa Zurita University tayong tatlo?" Sabi ni May, agad namang nag nod sila Iella at Lexi. "Ikaw Cem? Saan ka?" Dagdag ni May.
"Same." Matipid kong sagot pero muhkang satisfied sila sa sagot ko.
"Yes! Mag kasama parin ang A5!" Sigaw ni Iella.
"Guys—" Kinakabahan na sabi ni Kylie, bigla kaming tumingin sakanya. Malungkot yung muhka niya. So tama ako, di pa niya sinasabi kela Iella. "I'm going to Canada to continue my studies there. Sa university namin." Agad nag bago yung mood nung tatlo.
"I'm sorry kung hindi ko nasabi agad." Dagdag ni Kylie na naka tingin sa mga kamay niya ngayon.
"Huh?! Bakit?!" Tanong ni May.
"Ako kasi yung mag hahandle ng business namin sa Canada, kaya sabi nila dad na dun na rin daw ako mag aral." Naka tingin parin si Kylie sa baba.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Seryosong tanong ni Iella. Tumingin agad si Kylie kay Iella at nagulat ito sa sobrang seryoso ni Iella.
"Sasabihin ko sana last week kaso di ako maka hanap ng timing. At tsaka finals natin nun eh, ayaw ko kayo istorbohin."
"So di tayo kumpleto?" Sabi ni Lexi.
"Malamang. Aalis yung isa dyan na ngayon lang sinabi saatin." Umalis si Iella.
"Etong maknae talaga na toh! Iella!" Sinundan ni Lexi si Iella.
BINABASA MO ANG
He's Back
RomanceCember Gayle D. Lanna Part siya ng A4, ang A4 ay isang grupo na pinaka sikat sa kanyang school, kinakatakutan sila. Mabait sila, pero kapag kinalaban mo, lalabas ang ibang side nila. Kaya walang kumakalaban sakanila. Isang masipag at matalinong istu...